Mariano Trías

(Idinirekta mula sa Mariano Trias)

Si Mariano Trías y Closas (12 Oktubre 1868 – 22 Pebrero 1914) ay itinuturing bilang de facto Pangalawang Pangulo ng Pilipinas para sa rebolusyonaryong pamahalaan na inilunsad sa Kumbensyong Tejeros - isang kapulungan ng mga pinunong rebolusyonaryo sa Pilipinas na naghalal ng mga opisyal ng kilusang manghihimagsik laban sa gobyernong kolonyal ng Espanya. Nang magkawatak-watak ang asambleya, isang pagkakasundong tinatawag na Kasunduan ng Biyak na Bato ang nilagdaan ng grupo at kumilala rin sa mga nahalal ng mga opisyal; si Trias ang pangalawang pangulo ni Emilio Aguinaldo, ang tinuturing na unang Pangulo ng Pilipinas. Sa pagpapahayag ng Konstitusyong Malolos sa pamamagitan ng Kumbensyong Malolos, isinilang ang Unang Republika ng Pilipinas. Sa ilalim ng administrasyong Aguinaldong ito, naglingkod si Trias sa gabinete ng Ministro ng Digmaan at Pananalapi.

Mariano Trías
1st Civil Governor of Cavite
Nasa puwesto
1901–1901
Ika-1 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
Unang Pangalawang Pangulo ng Unang Republika
Nasa puwesto
22 Marso 1897 – 2 Nobyembre 1897[1]
PanguloEmilio Aguinaldo
Nakaraang sinundan(Position Newly Established)
Sinundan niAbolished[2]
Title next held by Sergio Osmeña
Minister of Finance
Nasa puwesto
15 Hunyo 1898 – 7 Mayo 1899
Nakaraang sinundanBaldomero Aguinaldo
Sinundan niHugo Ilagan
Minister of War
Nasa puwesto
7 Mayo 1899 – 13 Nobyembre 1899
Nakaraang sinundanBaldomero Aguinaldo
Sinundan niTeofilo Sison
Personal na detalye
Isinilang12 Oktubre 1868(1868-10-12)
San Francisco de Malabon, Cavite
Yumao22 Pebrero 1914(1914-02-22) (edad 45)
Manila
KabansaanFilipino
Partidong pampolitikaIndependyente
AsawaMaría Concepción Ferrer

Ikinasal si Trias kay María Concepción Ferrer, at nagkaroon sila ng walong mga anak.

Pagiging Pangalawang Pangulo

baguhin

Noong 22 Marso 1897, idinaos ang pangalawang pagtitipon ng mga pinuno ng Katipunan mula sa dalawang paksiyon, sa pagkakataong ito ay ginanap sa Tejeros, malapit sa baybayin, sa pusod ng nasasakupan ng mga Magdiwang. Naganap ito habang ang paksiyon ni Aguinaldo at ang Magdalo ay labis na sinusubukan ang pagtigil sa mga paparating na mga sundalo ni Lachambre. Pagkatapos ng isang maigting na pagdedebate, napagkasunduan na magtayo ng panibagong pamahalaan, na papalit sa itinayo ng Katipunan. May limang posisyon ang pupunan. Sa pamamagitan ng lihim na balota, nahalal si Emilio Aguinaldo bilang Pangulo, na wala sa halalan dahil sa pagtatanggol sa Imus laban sa mga paparating na atake ni Gobernador Lachambre, at si Mariano Trías bilang Pangalawang Pangulo. Parehong natalo si Andrés Bonifacio sa dalawang posisyon.

Sa isang pagtitipong rebolusyonaryong ipinatawag ni Aguinaldo sa Naic, Cavite pagkatapos ng Linggo ng Muling Pagkabuhay ng 1987, napili muli si Trías bilang Pangalawang Pangulo ng bagong pamahalaan. Pinasimulan niya ang ilang mga pag-atake sa Kabite at Laguna laban sa mga hukbong Kastila.[3] Noong 1 Nobyembre 1897, itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Term ended with the Pact of Biak na Bato.
  2. Abolished from 1897-1902 after the Pact of Biak-na-Bato.
  3. [1]

Mga kawing panlabas

baguhin
Sinundan:
Walang
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
1897–1897
Susunod:
Sergio Osmeña


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.