Ang mga marmot ay malalaking mga iskuwirel na panlupa na nasa saring Marmota, na kinabibilangan ng 15 mga espesye. Ang mga madalas na tukuyin bilang mga marmot ay may gawi na manirahan sa mga pook na bulubundukin, katulad ng Alps (Kaalpahan), hilagang Bulubunduking Apennine, mga kapatagan ng Eurasya, Bulubunduking Carpathiano, Bulubundukin ng Tatra, Pyrenees sa Europa at hilaga-kanlurang Asya; Rocky Mountains, Black Hills, Cascades, at Sierra Nevada sa Hilagang Amerika; sa Talampas ng Deosai sa Pakistan at Ladakh sa India. Subalit ang groundhog ("baboy na panglupa") ay paminsan-minsan ding tinatawag bilang "marmot", samantalang ang kasinlaki nito't mas palakaibigang prairie dog ("aso ng kaparangan") ay hindi inuuri sa genus ng Marmota bagkus ay sa kaugnay na saring Cynomys.

Marmot
Temporal na saklaw: Hulihan ng Mioseno–Kamakailan
Yellow-Bellied Marmot na nasa Tuolumne Meadows, Pambansang Liwasan ng Yosemite
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Rodentia
Pamilya: Sciuridae
Tribo: Marmotini
Sari: Marmota
Blumenbach, 1779
Mga espesye

15, tingnan sa teksto

Kabilang sa mga dagang mapagngatngat, ang mga marmot ay karaniwang naninirahan sa loob ng mga lungga (na kadalasang nasa loob ng mga kakimpalan ng mga bato, partikular na sa kaso ng marmot na dilaw ang tiyan), at nagsasagawa ng hibernasyon doon sa buong panahon ng taglamig. Ang karamihan sa mga marmot ay napaka mapagkapwa at gumagamit na malalakas na mga sipol upang makipag-ugnayan sa isa't isa, natatangi na kapag nakadama ng panganib.

Ang mga marmot ay pangunahing kumakain ng mga halamang lunti at maraming mga uri ng mga damo, mga beri, mga lumot (mga lichen at moss), mga ugat at mga bulaklak.

Maraming mga manunulat ng kasaysayan ang nagmumungkahi na ang mga marmot, sa halip na malalaking mga daga, ang tagapagdala ng mga epidemiko ng salot na buboniko noong Gitnang Kapanahunan.

Subhenera at mga espesye

baguhin

Ang mga sumusunod ay isang tala ng lahat ng mga espesye ng Marmota na kinikilala nina Thorington at Hoffman[1]pati ang kamakailang inilarawang M. kastschenkoi.[2] Hinahati nila ang mga marmot sa dalawang mga subsari (subhenera).

Bilang karagdagan, apat na hindi na umiiral na mga espesye ng marmot ang kinikilala mula sa mga rekord ng fossil:

Kasaysayan at etimolohiya

baguhin
 
Fossil ng Marmota primigenia.

Ang mga marmot ay nakikilala na magmula pa noong panahon ng sinaunang kasaysayan. Ang pananaliksik na ginawa ng Pranses na etnologong si Michel Peissel ay umangkin ng kuwento ng mga "mga langgam na humuhukay ng ginto" na inulat ng Sinaunang Griyegong manunulat ng kasaysayan na si Herodotus, na namuhay noong ika-5 daantaon BK, na ipinagtibay ng pagkakaroon ng ginintuang marmot na Himalayano ng Talampas ng Deosai at ang gawi ng katutubong mga tribong katulad ng Minaro upang magtipon ng alikabok ng ginto na nahukay mula sa kanilang mga lungga.[3]

Hindi matiyak ang etimolohiya o pinagmulan ng katagang "marmot". Maaaring lumitaw ito mula sa Gallo-Romanseng unlapi na marm-, na nangangahulugang "bumulong", "umungot", "lumagaslas", "umanas", "umungol", o "umaliw-iw" (isang halimbawa ng onomatopoeia). Ang isa pang maaaring pinagmulan ay ang salitang Latin na mus montanus pagkalipas ng panahong klasikal, na nangangahulugang "bubwit ng bundok".[4]

Simula noong 2010, ipinagdiriwang na ng Alaska tuwing Pebrero 2 ang "Araw ng Marmot", isang araw na pangilin na nilalayong alalahanin ang pagkamalaganap ng mga marmot sa estadong iyon at humalili sa Araw ng Baboy na Panlupa (Groundhog Day).[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Thorington, R. W., Jr., at R. S. Hoffman. 2005. "Family Sciuridae". Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference, pp. 754–818. D. E. Wilson at D. M. Reeder, mga patnugot. Johns Hopkins University Press, Baltimore.
  2. 2.0 2.1 Brandler, OV (2003). "On species status of the forest-steppe marmot Marmota kastschenkoi (Rodentia, Marmotinae)". Zoologičeskij žurnal. 82 (12): 1498–1505.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Peissel, Michel. "The Ants' Gold: The Discovery of the Greek El Dorado in the Himalayas". Collins, 1984. ISBN 978-0-00-272514-9.
  4. "Marmot". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. The Associated Press. "Alaska to Celebrate its First Marmot Day" Naka-arkibo 2010-02-05 sa Wayback Machine., Fairbanks Daily News-Miner. Pebrero 1, 2010. Nakuha noong Pebrero 1, 2010.

Mga kawing na panlabas

baguhin