Si Martian Manhunter (J'onn J'onzz) ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa komiks mula sa Estados Unidos na nilalathala ng DC Comics. Nilikha ng manunulat na si Joseph Samachson at dinisenyo ng tagaguhit na si Joe Certa, unang lumabas ang karakter sa kuwentong "The Manhunter from Mars" sa Detective Comics #225 (Nob. 1955). Isa si Martian Manhunter sa pitong orihinal na kasapi ng Justice League of America at isa sa mga makapangyarihang nilalang sa DC Universe.

Naitampok si Martian Manhunter sa ibang produkto ng DC Comics, tulad ng mga larong bidyo, seryeng pantelebisyon, pelikulang animasyon at kalakal tulad ng mga action figure o laruang pigura at mga trading card o kinolektang kard. Nakaranggo si Martian Manhunter sa Blg. 43 sa tala ng IGN na pinakadakilang bayani sa komiks.[1]

Unang lumabas sa live-action (totoong-tao) ang karakter na Martian Manhunter sa unang episodyo o pilot ng Justice League of America sa telebisyon noong 1997 na ginampanan ni David Ogden Stiers.[2] Lumabas din ang karakter sa seryeng pantelebisyon na Smallville, na ginampanan ng aktor na si Phil Morris. Kabilang din si Martian Manhunter sa mga pangunahing karakter sa seryeng pantelebisyon na Supergirl at ginagampanan ni David Harewood. Karagdagan sa Supergirl na parte ng Arrowverse, lumabas din ang karakter sa ibang mga palabas sa telebisyon na nakakabit sa Arrowverse. Inihayag ng direktor na si Zack Snyder na ang karakter na General Swanwick na ginampanan ni Harry Lennix ay si Martian Manhunter din sa DC Extended Universe, na unang lumabas ang karakter na General Swanwick noong pelikula ng 2013 na Man of Steel habang ang katauhan niyang bilang si Martian Manhunter ay lilitaw sa putol ng direktor (o director's cut) ni Snyder ng pelikulang Justice League.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Martian Manhunter is #43". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-11. Nakuha noong 2020-10-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. John Kenneth Muir (21 Agosto 2008). The Encyclopedia of Superheroes on Film and Television, 2d ed (sa wikang Ingles). McFarland. p. 378. ISBN 978-0-7864-3755-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Justice League Snyder Cut Trailer Teases Martian Manhunter Appearance". ScreenRant (sa wikang Ingles). 2020-08-23. Nakuha noong 2020-10-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)