Martina Lunud
Si Martina Lunud ang itinuturing na unang dalubhasang babaeng naging barbero sa Pilipinas. Noong Hunyo 1927, inilathala ng magasing Philippines Free Press si Lunud bilang "Binibining Barbero ng Maynila" (Manila’s Lady Barber). Bagaman isang larangang pangkalalakihan ang pagiging barbero o ang manggupit ng mga estilong panlalaki, naghanapbuhay si Lunud sa mga barberuhang La Marina at People's sa Sta. Cruz, Maynila. Nagmula sa Lungsod ng Olongapo si Lunud. Nabanggit niya sa Philippines Free Press ang mga katagang ito: “Hindi ito isang trabahong pambabae, sa tingin ko, ngunit nagawa ko na ang lahat ng aking magagawa sa abot ng aking makakaya, at gusto ng mga kliyente ko ang aking ginagawa.” [1][2]
Sanggunian
baguhin- ↑ First Woman Barber: Martina Lunud Naka-arkibo 2012-03-28 sa Wayback Machine., First in the Philippines, TxtMania.com, at Ocampo, Ambeth, Philippine Daily Inquirer
- ↑ Salin ito mula sa Ingles na: (…) "This is not a girl's work, I think, but I have done my best to a certain extent, and my customers like my work" (…)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pilipinas at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.