Matsa
Ang matsa (Ebreo: מצה) ay isang malutong na tinapay na walang pampaalsa[1] na gawa sa arina at tubig. Dinuduro-duro ang masa at hindi pinapayagang umalsa bago umorno o habang umoorno, at kinakalabasan nito ay isang malutong at patag na tinapay. Nahahalintulad ito sa paghanda ng lavāsh ng Timog-kanlurang Asya at ng chapati ng Indiya.[2]
Kahulugan
baguhinMayroong iba't ibang paliwanag para sa kahuluhan ng matsa. Ang isa ay malakasaysayan: ang Pesaḥ ay ang paggunita ng paglikas mula sa Ehipto. Sinasalaysay ng Bibliya na madaliang umalis ang mga Israelita sa Ehipto na hindi na nila mahintay pang umalsa ang tinapay nila. Matsa ang kinalabasan.[3] Ang isa pang dahilan sa pagkain ng matsa ay simboliko: binibigyang-alaala ng matsa ang pagkaalipin sa Ehipto at ang mga kahirapan na kasama nito, at ang nakamit ding pagkatubos at kalayaan sa kahulihan. Isa itong aral sa pagiging magpakumbaba at, sa ganito, mas maikalulugod ng tao ang kaniyang kalayaan at magiging mas responsable siya rito at hindi niya ito pawawalang-halagahin.
Kristyanismo
baguhinAyon sa Kanluraning paniniwalang Kristyano, ang matsa ang tinapay na ginamit ni Hesus sa Huling Hapunan sapagkat ipinagdiriwang nila ang Paskwa; ang tinapay na ginagamit pangkomunyon sa Katolisismo ay walang pampaalsa. Sa Silanganing paniniwalang Kristyano, kasama ang Simbahang Ortodokso, ginagamit ang tinapay na may pampaalsa, sapagkat mayroong tradisyon sa Silangan na mayroong pampaalsa ang tinapay na ginamit sa Huling Hapunan.
Lutuing matsa
baguhinHindi laging hiwalayang ginagamit ang matsa. Ginagamit din ito sa Pesaḥ bilang kapalit sa arina o pasta. Sa lutuing Askenasi malawakang ginagamit ang mga bola-bolang at farfl na gawa sa matsa sa mga sabaw at pagkaing pasta. Ginagamit din ang giniling na matsa sa paggawa ng mga inoornong produkto tulad ng keyk. Sa lutuing Sefardi, ginagamit ang matsa na ibinabad sa tubig o sabaw bilang kapalit sa filo o lasanya upang makalikha ng mga kakaning kilala bilang mina (o, sa Italyano, scacchi).
Isang uri ng pancake—na tinatawag na pancake na matsa at gawa sa giniling na matsa, itlog, at gatas, at piniprito—ay kinakain din sa Pesaḥ bilang kapalit sa karaniwang mga pancake.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Magandang Balita
- ↑ Baking author Peter Reinhart, in his 1998 book Crust and Crumb (Ten Speed Press, ISBN 0580088023)
- ↑ Eksodo 12.39