Pankeyk
Ang pankeyk[1] o puto kawali ay isang sapad na mamon o keyk, kadalasang manipis at bilog, na inihanda mula sa batido na batay sa almirol na may maaaring maglaman ng itlog, gatas at mantikilya, at iniluluto sa mainit na ihawan o kawali. Ipinahihiwatig ng ebidensyang arkeolohiko na marahil kinain ang pankeyk sa mga sinaunang lipunan.[2]
Ibang tawag | Puto kawali |
---|---|
Uri | Batter |
|
Karamihan sa mga puto kawali ay yari sa mga ginagamitan ng pampaalsang hindi lebadura; ang ilan ay ginagamitan ng nilebadurahan o nagdaan sa permentasyong galapong. Madalas nag ga itong iniluluto na una muna ang isang mukha at pagkaraan ay ibinabaligtad upang maluto ang kabilang mukha. Depende sa rehiyon, ang mga puto kawali ay maaaring ihain sa anumang oras, na may sari-saring mga pamatong o pampalaman kabilang ang halaya, mga piraso ng tsokolate, prutas, arnibal, o karne.
Mga baryante ayon sa rehiyon
baguhinAprika
baguhinSungay ng Aprika
baguhinKilala ang mga pankeyk sa Sungay ng Aprika (Djibouti, Eritrea, Etiyopiya at Somalya) sa mga katawagang injera o minsan isinasatitik na enjera, budenaa (wikang Oromo), o canjeero (wikang Somali). Ang injera ay isang alsado't manipis na tinapay na may kakaibang, medyo esponghadong tekstura. Kinaugalian, gawa ito sa harinang teff at isa itong pambansang putahe sa Etiyopiya at Eritrea. Ang canjeero, kilala rin bilang lahooh o lahoh, ay isang magkahawig na tinapay na kinakain sa Somalya at Yemen.
Sa Eritrea at Etiyopiya, karaniwang inihahain ang injera kasabay ng isa o higit pang mga estupado na kilala bilang wat o kasabay ng mga ensalada (lalo na, halimbawa, tuwing pag-aayuno ng mga Etiyopiyanong Ortodokso) o kasabay ng mga iba pang injera (injera firfir). Ginagamit ang kanang kamay sa pagpupunit ng mga maliliit na piraso mula sa injera na gagamitin sa pagsandok ng mga estupado at ensalada para kainin. Nasisipsip ng injera sa ilalim ng mga sahog ang mga katas at lasa at kinakain din kapag ubos na ang mga estupado at ensalada. Kaya nagsisilbi ang injera bilang pagkain, kubyertos, at plato nang sabay-sabay. Kapag naubos na ang mantel na binuo ng injera, tapos na ang kainan.
Europa
baguhinAustriya, Republikang Tseko, at Rumanya, Eslobakya, at dating Yugoslabya
baguhinSa Austriya, Republikang Tseko, at Eslobakya, palatschinke, palačinka at palacinka ang tawag sa mga pankeyk, ayon sa pagkabanggit (maramihan: palatschinken, palačinky, at palacinky). Ang kaiserschmarrn ay isang Austriyanong pankeyk na sinasahugan ng pasas, almendras, halayang mansanas o mga maliliit na piraso ng mansanas na hinati-hati, at binudburan ng pinulbos na asukal. Sa Rumanya, tinatawag itong clătită (maramihan: clătite). Sa mga bansa ng dating Yugoslabya, tinatawag itong palačinka (maramihan: palačinke). Sa mga wikang ito, hinango ang salita mula sa placenta ng wikang Latin na may kahulugang "keyk". Pinapalamanan itong mga pankeyk ng aprikot, siruwelas, lingonberry, halayang mansanas o presas, sarsang tsokolate, o palamang abelyana. Sa mga kabataan, paborito nila ang mga palamang Eurokrem, Nutella, at Lino-Lada. Sa isang tradisyonal na bersiyon, pinapalaman ang mga pankeyk ng keso, binubuhusan ng yogur, at hinuhurno sa oben.
Hilagang Amerika
baguhinEstados Unidos at Kanada
baguhinSa Amerika at Kanada, kadalasan inihahain ang mga pankeyk (minsan tinatawag na hotcakes, griddlecakes, o flapjacks) tuwing almusal, na nakapatong ang dalawa o tatlo, na nilagyan ng arnibal ng maple o arnibal na pampankeyk, at mantikilya. Kadalasan itong ipinapares sa mga ibang pagkain tulad ng bacon, tinapay, itlog o longganisa. Kabilang sa mga ibang sikat na alternatibong lahok ang minatamis, mantikilyang mani, nuwes, prutas, hani, pinulbos na asukal, batidong krema, arnibal ng tubo, kanela at asukal, at pulot. Bukod dito, kapag inihain ang pankeyk bilang panghimagas, kadalasan nilalahok ang sorbetes, sirup na tsokolate, at iba't ibang uri ng prutas.
Nilalaman ang malapot na batido ng itlog, harina, gatas, at isang pampaalsa tulad ng pulbos panghurno. Maaaring dagdagan ang batido ng mga sangkap tulad ng buttermilk, ayusip, presas, saging, mansanas, pira-piraso ng tsokolate, keso, o asukal. Maaari ring sahugan ng mga espesya tulad ng kanela, baynilya at moskada. Maaaring gamitin ang yogur para maging mamasa-masa ito. Mga 1 cm (1⁄2 pulgada) ang kapal ng mga pankeyk at sa pagitan ng 10 at 25 cm (4 at 10 pulgada) ang diyametro nito.
Silangang Asya
baguhinHapon
baguhinSa Hapon, gawa ang mga okonomiyaki sa harina, itlog, repolyo at iba pang mga sangkap. Ang oyaki ay pankeyk na kadalasang pinapalamanan ng anko, talong, o nozawana. Ang dorayaki ay malasandwits na pagkain na gawa sa Kanluraning pankeyk at anko. Sikat din ang mga matatamis na krep.
Gumawa rin ang mga Hapones na mala-soufflé na pankeyk na niluto sa mga bilugang molde, na mas matangkad at mas maalsa kaysa sa mga Amerikanong pankeyk na naging inspirasyon nito,[3] at matatagpuan sa Singapura,[4] Toronto,[5] Australya, at Reyno Unido.[6]
Korea
baguhinKabilang sa mga pankeyk sa Korea ang mga malinamnam na buchimgae, jeon, bindae-tteok, pati ang matamis na hotteok. Maaaring ihain ang mga ito sa anumang oras ng araw bilang mga pamutat o pangmeryenda. Ginagamit ng mga baryante ng mga putahe ang batido ng pankeyk upang gumawa ng mga pritong gulay, karne, o isda.[7]
Timog-silangang Asya
baguhinBiyetnam
baguhinSa lutuing Biyetnames, may iba't ibang mga pagkain na tinatawag na pankeyk (bánh xèo, bánh khọt, na tinatawag na Biyetnames na pankeyk minsan), pati na rin mga kahawig na putahe gaya ng bánh căn at bánh khoái sa gitnang Biyetnam.[8]
Indonesya
baguhinPanekuk ang tawag sa mga pankeyk sa Indonesya. Isang halimbawa ang serabi na gawa sa galapong at gata. Kadalasan itong ipinapares sa kinca, isang malapot, kayumangging sirup na gawa sa asukal sa niyog. Kabilang sa mga iba pang nilalahok ang asukal, dinurog na mani, hiniwang saging, langka, at ibang prutas, at tsokolate. Kabilang sa mga iba pang baryasyon ang kesong cheddar, karne norte, hinimay na manok, at longganisa.[9]
Kabilang sa mga ibang uri ng pankeyk sa Indonesya ang burgo, dadar gulung, kue ape, kue apem, kue cubit, kue cucur, kue leker, kue terang bulan, laklak, martabak, pannenkoek, poffertjes, roti canai, at roti jala.
Malasya
baguhinTinatawag na pek nga o lempeng kelapa ang tradisyonal na pankeyk ng mga Malay sa Malasya. Niluto na halos kapareho sa mga pankeyk sa Amerika at Kanada, ngunit walang pampaalsa, isa itong malinamnam na pankeyk na karaniwang inihahain tuwing almusal at ipinapares sa kinaring isda, malagkit sa gata, pinatuyong isda, rendang,[10] o sambal.
Myanmar (Burma)
baguhinBein mont ang tawag sa tradisyonal na pankeyk sa Myanmar, at isa itong tradisyonal na meryendang Burmes o mont. Inihuhurno ang pankeyk sa batido ng galapong na sinasahugan ng panutsa, kinayod na niyog at binubudburan ng linga, mani, at binhi ng amapola.[11]
Pilipinas
baguhinSa Pilipinas, kabilang sa mga tradisyonal na panghimagas na pankeyk ang salukara, isang pankeyk na gawa sa malagkit, itlog at gata. Inilalagay ang batido sa luwad na palayok o kawali na sinapinan ng dahon ng saging o nilagyan ng mantika (kinaugalian ang taba ng baboy), at inihuhurno sa ibabaw ng maiinit na uling. Isang uri ng bibingka ang salukara.[12] Ang panyalam, isang kahawig na pankeyk sa Mindanao, ay ipiniprito sa halip na inihuhurno.[13]
Kabilang sa mga tradisyonal na malinamnam na pankeyk sa Pilipinas ang pudpod (gawa sa tinapang dilis) at okoy (gawa sa tinadtad na hipon, kalabasa, o kamote).
Karaniwang inihahain din ang mga Amerikanong pankeyk sa mga paspudan sa Pilipinas, kadalasan sa menyu ng almusal, pati na rin sa mga restorang pampankeyk (o pankeykan) tulad ng IHOP at ang lokal na Pancake House. Ang murang lokal na katapat na tinatawag na puto kawali o hotcakes, ay hindi lamang inaalmusal, ngunit minemeryenda rin. Nagbebenta ang mga kiyosko sa kalye ng mga maliliit na puto kawali na nilagyan ng margarina, asukal, o kondensada at mga sirup.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Diksiyonaryo.ph. "pankeyk". Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha noong 2019-04-15.
manipis na keyk na iniluto sa pan : PANCAKE
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jones, Martin (2007). Feast : why humans share food [Piyesta : bakit nagsasalu-salo ang mga tao] (sa wikang Ingles). Oxford: Oxford University Press. ISBN 9780199209019. OCLC 75713258.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "These Japanese fluffy pancakes are the ultimate new food trend". Vogue English (sa wikang Ingles). 4 Mayo 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Enero 2019. Nakuha noong 7 Enero 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Quek, Eunice (8 Hulyo 2018). "Get your fill of fluffy wobbly Japanese souffle pancakes at these new eateries" [Kuha ka ng mga Hapones na sinupleng pankeyk na maalsa't maalog sa mga bagong kainan na ito]. The Straits Times (sa wikang Ingles). The Straits Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2019. Nakuha noong 7 Enero 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Peters, Diane (24 Mayo 2018). "Fuwa Fuwa: Japanese pancakes find their happy place | The Star". thestar.com (sa wikang Ingles). Toronto Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2019. Nakuha noong 7 Enero 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morley, Katie (12 Pebrero 2018). "Forget flipping - wobbly pancakes are the latest food trend" [Ikalimutan na ang pagbabaligtad - pinakabagong uso sa pagkain ang umaalog na pankeyk]. The Telegraph (sa wikang Ingles). The Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2022. Nakuha noong 7 Enero 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Korean pancake recipes from Cooking Korean food with Maangchi" [Mga resipi ng Koreanong pankeyk mula sa Cooking Korean food with Maangchi]. www.maangchi.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Nobyembre 2016. Nakuha noong 4 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thuan (5 Abril 2019). "What Is Vietnamese Pancake?" [Ano Ang Pankeyk ng Biyetnam?]. beetrip.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2020. Nakuha noong 31 Mayo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Serabi - Indonesian Pancakes recipe" [Serabi - resipi ng Pankeyk sa Indonesya]. aussietaste.recipes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2020. Nakuha noong 3 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malay Pancake (Lempeng Kelapa) Recipe" [Resipi ng Malay na Pankeyk (Lempeng Kelapa)]. Food.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Marso 2022. Nakuha noong 17 Enero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ဘိန်းမုန့်". Food Magazine Myanmar. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2020. Nakuha noong 2019-11-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Uy, Amy A. (1 Setyembre 2013). "Rice cakes, roscas, and more eats at the Samar Food Fest" [Kakanin, roskas, at iba pang pagkain sa Piyestang Pagkain ng Samar]. GMA News Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Agosto 2018. Nakuha noong 17 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Edgie Polistico (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary [Diksiyonaryo ng Pilipinong Pagkain, Pagluluto, & Kainan] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]