Maurice Mo‘tamed

Si Maurice Mo‘tamed (Persa (Persian): موریس معتمد) ay isang dating kinatawan sa Asambleang Konsultibong Islamiko ng Iran. Dalawang pagkakataon siyang nahalal sa pagkakinatawan, noong 2000 at 2004. Sinundan siya sa pagkakinatawan ni Siyāmak Mosaddegh.

Si Mo‘tamed ay isang masugid na tagasuporta ng pamahalaan ng Iran sa mga bagay-bagay pandaigdig. Isa rin siyang kasapi ng lupon o komiteng pang-enerhiya ng Parlamento at sinusuporta ang programang nuklear ng Iran.

Si Mo‘tamed ay isang aktibong tagapagtanggol ng mga Hudyo, Soroastrista, at mga Kristiyano mula sa diskriminasyon. Isa siyang kritiko ng mga gawain ni Pangulong Mahmoud Ahmadinejad. Hinggil sa mga puna ng pangulong itinatangging naganap ang Olokawsto, wika ni Mo‘tamed:

Denial of such a great historical tragedy that is connected to the Jewish community can only be considered an insult to all the world's Jewish communities.[1]

Kinondena niya rin ang telebisyong Irani sa pagpapalabas ng mga programang antisemita. Dinagdag niya rin:

Matagal nang naninirahan ang mga Hudyo sa bansang ito, mga 2,700 nang taon. Sa mga 2,700 taon na ito, lagi silang nagkakaunawa ng buo sa lipunan, nanirahan sila sa pagkakaibigan at kapatiran, kaya hindi ako naniniwalang makakasira ang ... mga isyung ito sa pamayanang Hudyo sa Iran.[1]

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.