Max Alvarado
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Nobyembre 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Max Alvarado ay isang artistang Pilipino na unang nakilala sa pangalang Maximo Pompling. Gumanap siya sa maraming pelikula at karamihan doon bilang isang kontrabida.
Max Alvarado | |
---|---|
Kapanganakan | Gavino Maximo Teodosio 19 Pebrero 1929 Maynila, Pilipinas |
Kamatayan | 6 Abril 1997 Kalakhang Maynila, Pilipinas | (edad 68)
Nasyonalidad | Pilipino |
Ibang pangalan | Maximo Pompling |
Trabaho | Aktor |
Aktibong taon | 1948–1997 |
Una siyang lumabas sa isang pelikulang giyera, ang Kayumanggi, nina Ester Magalona at Leopoldo Salcedo. Sumunod dito ay isa na namang pelikulang tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Halik sa Bandila, na kapwa gawa ng Premiere Production.
Taong 1951 ng mapasama siya sa pelikulang halaw sa sinulat ni Dr Jose Rizal, ang Sisa kung saang ginampanan niya ang papel ng isang bandido.
Noong 1957 napasama rin siya sa pelikula ng Premiere, ang Bicol Express kung saan may pitong kuwento at siya ay gumaganap din bilang isang komedyante noong dekada 1960 at 1970.
Nasubukan din niyang maging bida sa pelikulang Alias Chain Gang noong 1967 at isa sa kanyang mga ginampanan na di malilimot ng nakararami ay si Lizardo, ang kontrabida sa Ang Panday na pinagbidahan naman ni Fernando Poe, Jr. na mahigpit na kalaban ng Panday.
Pelikula
baguhin- 1949 - Kayumanggi
- 1949 - Halik sa Bandila
- 1951 - Sisa
- 1952 - Sandino
- 1952 - Sawa sa Lumang Simboryo
- 1955 - Dakilang Hudas
- 1955 - 7 Maria
- 1956 - Desperado
- 1956 - Lo-Waist Gang
- 1956 - Huling Mandirigma
- 1956 - Mrs. Jose Romulo
- 1957 - Maskara
- 1957 - Kamay ni Cain
- 1957 - Bicol Express
- 1957 - Kalibre .45
- 1957 - Pusakal
- 1958 - Pepeng Kaliwete
- 1958 - Sta. Rita de Casia
- 1958 - Mga Liham kay Tia Dely
- 1958 - Jeepney Rock
- 1958 - Glory at Dawn
- 1958 - 4 na Pulubi
- 1973 - Kampanerang Luba
- 1974 - Phantom Lady
Sanggunian
baguhin- Max Alvarado sa IMDb