Inunan

(Idinirekta mula sa May inunan)

Ang inunan[1] o plasenta[1] (mula sa salitang-ugat na unan; Ingles: placenta, after-birth) ay isang pansamantalang organong matatagpuan sa karamihan ng mga babaeng mamalya habang nasa panahon ng pagbubuntis. Ang masang ito na parang espongha ay ang pinagkakabitan ng hindi pa ipinapanganak na sanggol sa mas panloob ng kalatagan ng sinapupunan. Sa organong ito isinasagawa ang sirkulasyon ng dugo sa loob ng bata. Ang pangalan nito sa Ingles na after-birth (pagkaraan ng pagsilang) ay mula sa dahil ang inunan ay natatanggal nang kusa pagkalipas ng ilang saglit pagkatapos na maipanganak ang bata. Napaka mahalaga na ang buong plasenta ay mailabas, sapagkat kapag ang isang bahagi ay naiwan pagkaraan ng panganganak o pagkalaglag, napaka malamang na mabulok ito at makapagdulot ng pagkalason sa dugo. [2]

Larawang nagtuturo kung nasaan ang inunan o plasenta sa loob ng bahay-bata.
Isang inunan, na may nakakabit pang ugat ng pusod, pagkaraang maisilang ang isang sanggol.

Mahalaga ang pagkakaroon ng isang panandaliang organong ito, sapagkat hindi maaaring maghalo ang dugo ng nanay at ng sanggol. Gumaganap ang inunan bilang isang kalatagang pampalitan sa pagitan ng ina at bata. Dumaraan dito ang mga sustansiya at oksiheno. Kapag naghalo ang mga dugo ng ina at ng sanggol, makakasanhi ito ng pagkamatay ng dalawa. Halimbawa, kung may uri ng dugong A ang ina, samantalang B naman ang bata, maghahalo ang dalawang magkaibang uri ng dugo, na siyang ikamamatay ng mag-ina. Nakakabit ang inunan sa suloy o supling (ang fetus) sa pamamagitan ng ugat ng pusod[3], isang bahagi ng katawan na binubuo ng mga tisyung pang-ugpong at mga ugat ng dugo. Kapag naipanganak na ang bata, sumusunod na iluwal naman ang inunan, at kalimitang tinatawag na pinagpanganakan.

May dalawang bahagi ang isang inunan: una, isang likas at biyolohikal na bahagi ng suloy o supling ; kabahagi naman ng ina ang ikalawang bahagi. Nakatanim ang inunan sa dinding ng bahay-bata, kung saan tumatanggap ito ng mga sustansiya at oksiheno mula sa dugo ng ina at naglalabas din ng mga dumi. Ito ang gumaganap na pangharang - ang panghadlang ng inunan - na sumasala sa ilang mga sustansiyang makasasalanta sa supling. Subalit mayroon ding ibang mga sustansiyang hindi nasasala ang inunan, kabilang ang alak at ilang mga kimikal na kaugnay sa paninigarilyo. May ilang mga uri ng birus na nakatatawid sa panghadlang ng inunan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Inunan, plasenta". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "After-birth". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 21.
  3. Gaboy, Luciano L. Umbilical cord, ugat ng pusod - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.