Mayo...Bisperas ng Liwanag

Ang Mayo...Bisperas ng Liwanag ay isang Pilipinong opera na adaptasyon mula sa maikling kuwento ni Nick Joaquin na May Day Eve. Itinuturing na obra maestra ni Joaquin ang naturang maikling kuwento[1] na kuwentong tatak at klasiko ni Joaquin.[2] Itinampok sa opera ang libreto ni Fides Asensio, ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika, at ang musika ni Rey Paguio.[3] Ilan lamang sa mga pagtatanghal ang naganap sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at sa Liwasang Paco na parehong nasa Maynila, Pilipinas.

Mayo...Bisperas ng Liwanag
LibretistaFides Asensio
WikaTagalog
Batay saMay Day Eve
ni Nick Joaquin

Balangkas

baguhin

Tungkol ang kuwento ng operang Mayo...Bisperas ng Liwanag sa salamangka, patriotismo, pag-ibig, at pagkamuhi. Umiinog ang istorya kay Agueda na nakarinig ng mga hula mula sa manghuhulang si Anastacia na hinulaan na sasailalim ang bansa sa opresyon ng banyagang mananakop. Tampok din sa kuwento ang pagmamahal ni Badong kay Agueda na tangan ni Badong ang bulaklak noong bisperas ng Mayo na hindi naabot ang destinasyon nito. Bagaman ang bulaklak sa kuwento ay hindi nabanggit ni Nick Joaquin at kahit sa libreto ni Fides Asensio.[4]

Mga pagtatanghal

baguhin

Sa mga pagtatanghal, tinatampok ang musika ni Reynaldo Paguio at libreto ni Fides Asensio, ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika. Inareglo ang musika para sa orkestra ni Nick Pacis.

Itinanghal ang Mayo...Bisperas ng Liwanag ng Kolehiyo ng Musika ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa tulong ng Presidential Committee on Arts, Culture, and Sports (Pampanguluhang Komite sa Sining, Kultura, at Isports) at ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining noong Nobyembre 22 at 23. 2023 sa Justo Albert Auditorium sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ito ay sa direksiyon ni Nazer Degayo Salcedo at ng direktor ng musika na si Harold Galang. Bukas sa publiko ang pagtatanghal ng opera na ito.[5]

Sa direksyon ni Alegria Ferrer, naitanghal din ang musikal na opera sa Liwasang Paco noong Mayo 24, 2024.[6] Gumanap na si Fides Asensio bilang Anastacia noong 1998 sa mga pagtatanghal ng Mayo, Bisperas ng Liwanag sa mga pangkalahatang lungsod sa Estados Unidos.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "A grand 'tertulia' for an opera diva". Lifestyle.INQ (sa wikang Ingles). 2022-10-09. Nakuha noong 2024-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "May Day Eve" from Nick Joaquin Collection Naka-arkibo 2010-02-05 sa Wayback Machine., filipinaslibrary.org (sa Ingles)
  3. Tariman, Pablo A. (2022-07-13). "Fides Cuyugan Asensio's Musical Odyssey". Positively Filipino | Online Magazine for Filipinos in the Diaspora (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Alegria Ferrer directs musical adaptation of Nick Joaquin's May Day Eve". BusinessMirror (sa wikang Ingles). 2024-05-21. Nakuha noong 2024-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "MAYO BISPERAS NG LIWANAG OPERA AT PLM". Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (sa wikang Ingles). 2023-11-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-06-07. Nakuha noong 2024-06-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Alegria Ferrer directs musical adaptation of Nick Joaquin'". malaya.com.ph (sa wikang Ingles). 2024-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-06-12. Nakuha noong 2024-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Ophie & Friends Sing Green: A Musical Tribute to Education & the Environment" (PDF). Fostering Education & Environment for Development (FEED), Inc. (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin