Alegria Ferrer
Si Alegria Ocampo Ferrer ay isang Pilipinong propesor, gumaganap sa teatro, direktor at soprano na ginawaran ng Aliw Awards Hall of Fame sa kategoryang Female Classical at nakatala sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Encyclopedia of the Arts.[1][2][3] Ang Aliw Awards ay ibinibigay bilang pagkilala sa mga pinakamahusay na talento ng Pilipinas.[4] Ang CCP Encyclopedia of the Arts ay nagtataglay ng impormasyon tungkol sa sining at kultura ng Pilipinas.[5]
Alegria O. Ferrer | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Alegria Ocampo Ferrer |
Genre | Klasiko |
Trabaho | propesor, soprano, direktor, aktres sa teatro |
Edukasyon
baguhinNagtapos si Alegria O. Ferrer ng Master's Degree in Voice and Minor in Theater Arts, Piano at European Languages sa Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapag-aral ng Voice at German language sa Mozarteum Hochschule fur Musik at sa University of Salzburg sa Salzburg, Austria.[6]
Kasama sa kanyang mga naging guro at tagapayo ay sina Maestra Torralba, Professor Ramos, Miss Lilia Reyes, Professor Fides Asensio, Professor Liselotte Egger, Professor Eleanor Weill, Professor Yasuko Suzuki at Dr. Antonio Hila.[6]
Propesyon
baguhinSi Alegria O. Ferrer ay isang propesor sa Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas at naging guro sa Oberlin sa Italya noong 2016 at 2017. Siya rin ay soprano at gumaganap sa teatro bukod pa sa pagiging direktor.[7][2]
Mga nagawa at pagtatanghal
baguhinNaging kasapi ng University of the Philippines Concert Chorus si Alegria O. Ferrer at naging soloista nito noong World Concert at Competition Tour nito sa Asya, Amerika, Canada at Europa. Nakapagtanghal na rin siya kasama ang Budapest Opera Orchestra, Philippine Philharmonic Orchestra, Manila Symphony Orchestra, Angono Symphonic Band at Kontemporaryong Gamelan Pilipino (KONTRA-GAPI). Gumanap siya bilang Mimi sa "La Boheme", Violetta sa "La Traviata", Lakme sa "Lakme", Lady Macbeth sa "Macbeth", Anastacia sa "Mayo", sa title role ng "Phaedra", La Loba sa "La Loba Negra", Ghost of Cherry sa "Sakurahime", Nanay sa "Hansel and Gretel", Christine sa "Phantom of the Opera", Euridice sa "Orpheus and Euridice" ni Gluck at soloista sa "Magnificat" ni Bach. Pinangunahan rin niya ang "La Voix Humane", "Miss Havisham's Wedding Night", "Bisperas ng Liwanag" at "Lunop han Dughan-Pangandoy ni Yolanda."[6][8][9][10]
Ilan sa mga pagtatanghal kung saan naging direktor si Alegria O. Ferrer ay ang "Viva La Diva: A Special Tribute to Maestra Fides", “Andres Bonifacio: Ang Dakilang Anakpawis", "Rusalka" at "Xerxes e Romilda." [11][12][13][1]
Mga parangal na natanggap
baguhinIginawad kay Alegia O. Ferrer ang Aliw Awards Best Classical Performer noong 2004 at 2006 at ang Aliw Awards Hall of Fame sa kategoryang Female Classical noong 2008.[6][14] Natanggap din niya ang karangalan bilang University of the Philippines Artist I sa mga taong 2013 hanggang 2016, Professional Chair noong 2014 at "One of UP's most Productive Artists" noong 2016 pati na rin ang mapasama sa Cultural Center of the Philippines Encyclopedia of the Arts.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Xerxes e Romilda". UPDate Diliman. University of the Philippines Diliman Information Office. 27 Oktubre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2019. Nakuha noong 3 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Opera "Xerxes E Romilda" to Premiere in October". TheaterFansManila.com. Theater Fans Manila. 20 Agosto 2017. Nakuha noong 2 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Alegria Ferrer". Discogs. Discogs. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2021. Nakuha noong 2 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aliw Awards 2018 winners revealed". Manila Bulletin. Manila Bulletin. 19 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2019. Nakuha noong 3 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CCP Encyclopedia of Philippine Art". Cultural Center of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Disyembre 2019. Nakuha noong 3 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 "Alegria Ferrer". University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2015. Nakuha noong 4 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Voice, Music Theater, and Dance Department". University of the Philippines College of Music. University of the Philippines College of Music. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2019. Nakuha noong 4 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Alumni". UP Concert Chorus. UP Concert Chorus. 20 Agosto 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2019. Nakuha noong 4 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stockinger, Johann (12 Hunyo 1998). "University of the Philippines College of Arts and Letters Kontemporaryong Gamelan Pilipino (KONTRA-GAPI)". Austrian-Philippine Website. Asian/Pacific Studies & Information Service. Nakuha noong 5 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sugbo, Victor N. (27 Nobyembre 2019). "La Alegre and the Waray zarzuela Lunop Han Dughan". BusinessWorld. Manila. Nakuha noong 2 Disyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fides Cuyugan-Asensio marks five decades with UP". UPDate Diliman. University of the Philippines Diliman Information Office. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2019. Nakuha noong 2 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tariman, Pablo A. (1 Setyembre 2013). "UP Abelardo Hall marks 50th anniversary". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine folklore takes center stage in UP rendition of Rusalka, a lyric fairy tale opera". Office of the Vice President for Academic Affairs University of the Philippines. University of the Philippines Office of the Vice President for Academic Affairs. 29 Mayo 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2019. Nakuha noong 5 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ogie Alcasid named Entertainer of the Year during 21st Aliw Awards". PEP. Philippine Entertainment Portal Inc. 12 Nobyembre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2019. Nakuha noong 2 Disyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)