Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda
Ang Lunop han Dughan—Panaghoy ni Yolanda (Orihinal na pamagat sa Waray: Lunop han Dughan—Pangandoy ni Yolanda, lit. na 'Baha sa Dibdib—Ang Iyak ni Yolanda') ay isang orihinal na Pilipinong sarsuwela sa wikang Waray. Ito ay isang awit ng papuri para sa kalikasan at gumugunita sa mga pumanaw dahil sa pananalasa ng superbagyong Yolanda. Isinasaad nito ang buhay, kamatayan at panibagong pag-asa na nasasalamin sa trahedyang naganap noong nanalasa ang superbagyong Yolanda sa Pilipinas. [1][2][3][4]
Pinangungunahan ito ni Alegria O. Ferrer, isang soprano at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, gayundin ng An Balangaw Performing Arts ng naturang pamantasan at ng Leyte Kalipayan Dance Company mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Visayas.[2][3]
Pagkakalikha
baguhinAng sarsuwela ay nabuo at naitanghal sa pamamagitan ng maka-sining na pagtutulungan ng Kolehiyo ng Musika ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at ng Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban at suporta galing sa Tanggapan ng Bise Presidente para sa Usaping Pang-Akademiko ng Unibersidad ng Pilipinas (Inggles: University of the Philippines Office of the Vice President for Academic Affairs) sa tulong ng Pondo para sa Pagpapataas ng Makasining na Paggawa at Pagsasaliksik (Inggles: Enhanced Creative Work and Research Grant).[3] Ito ay pinamahalaan ni Joycie Y. Dorado Alegre na isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban bilang direktor at koreograpo at ni Alegria O. Ferrer, isang soprano at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, bilang direktor sa musika, at nilapatan ng orihinal na musika ni Samlito C. Abueva, nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban, na siya ring gumawa ng iskrip. Ang musika ng daluyong sa bagyo at arya (Ingles: aria) na kinanta ni Alegria O. Ferrer ay likha ni Ramon Santos, Pambansang Alagad ng Sining (Ingles: National Artist) sa Musika sa Pilipinas.[4][2][3]
Istorya
baguhinAng kwento ng Lunop han Dughan-Panaghoy ni Yolanda ay nagsimula sa alamat ng Bundok ng Danglay na tungkol sa dalawang magsing-irog na sina Dang at Mulay na kinuha ng higanteng alimango at muling nabuhay makalipas ang maraming taon.[3] Sa kasalukuyang panahon, may dalawang taong nagmamahalan na sina Urbano at Maribel na nagkahiwalay dahil nagpakasal si Maribel kay Turing dahil sa malaking pagkakautang ng tatay ni Maribel sa tatay ni Turing. Muling nagkita sina Urbano at Maribel kung kailan naipahayag nila sa isa't isa ang kanilang pag-ibig subalit alam nilang wala itong patutunguhan. Parehong namatay sina Urbano at Maribel dahil sa pagkalunod sa bahang dulot ng bagyong Yolanda subalit ang trahedyang ito ay nagpatibay sa kalooban at paniniwala ng kanilang mga naiwan.[5][4]
Mga tauhan at nagsipagganap
baguhinAng sarsuwela ay pinangungunahan ni Alegria O. Ferrer, isang soprano, bilang si Iroy Han Kalibungan o Inang Kalikasan (Ingles: Mother Nature) at Ladawan-Tingog Han Bagyo Yolanda o Espiritu ng Bagyong Yolanda (Ingles: Spirit of Yolanda). Kasama rin sa nagsipagganap ay si Gaby Asanza bilang Urbano na isang Pilipinong manggagawa sa ibayong-dagat na bumalik sa Tacloban para malaman kung bakit siya iniwan ng kanyang mahal na si Maribel na nagpakasakal kay Turing na isang mayamang mangingisdang gumagamit ng dinamita sa pangingisda. Si Lina Fe Simoy ang gumanap bilang si Maribel, ang asawa ni Turing at dating kasintahan ni Urbano. Ang gumanap bilang Turing ay si Pierre Dann Ampo. Si Maribel ay sinasaktan ng kanyang asawang si Turing na laging naglalasing. Mayroon silang tatlong anak na mapagmahal at saksi sa pang-aabuso ng kanilang ama sa kanilang ina. Mayroon pang nararamdaman si Maribel para kay Urbano subalit ito'y kanyang pinipigil.[3]
Mga pagtatanghal
baguhinUnang itinanghal ang Lunop han Dughan noong Abril 26 at 27, 2019 sa looban ng Unibersidad ng Pilipinas sa Visayas Kolehiyo sa Tacloban na pinanood ng tinatayang isang libong katao kasama ang mga kritiko.[4] Muli itong itinanghal noong Nobyembre 7 at 9, 2019 sa himnasyo (Ingles: gymnasium) ng Pamantasang Normal ng Leyte (Ingles: Leyte Normal University).[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "What Is Philippine Zarzuela?". Reference. Ask Media Group, LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2019. Nakuha noong 26 Nobyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "5 Independent and University Productions this April to May". TheaterFansManila.com. Theater Fans Manila. Nakuha noong 24 Nobyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 Pai, Indigo (17 Nobyembre 2019). "'Lunop han Dughan-Panaghoy ni Yolanda' explores death, life and renewed hope". Philippine Daily Inquirer. Manila. Nakuha noong 24 Nobyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 "Lunop Han Dughan (Voice of Yolanda) of UP Diliman, UP Visayas Tacloban makes world premiere". University of the Philippines Office of the Vice President for Academic Affairs. University of the Philippines System. 3 Mayo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 10, 2022. Nakuha noong Nobyembre 24, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sugbo, Victor N. (27 Nobyembre 2019). "La Alegre and the Waray zarzuela Lunop Han Dughan". BusinessWorld. Manila. Nakuha noong 27 Nobyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)