Si Ramón Pagayon Sántos na ipinanganak noong 25 Pebrero 1941 sa Pasig ay isang Pilipinong kompositor, konduktor at musicologist.[1][2][3] Hinirang siya bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika (Ingles: National Artist for Music) noong 2014 para sa kanyang nagawang malaking kontribusyon sa pagtahak ng bagong direksiyon sa larangan ng musika partikular sa mga hindi kanluraning tradisyon sa Pilipinas at Timog-silangang Asya.[3][4][5] Ang Pambansang Alagad ng Sining ay ang pinakamataas na karangalang iginagawad ng Pangulo ng Pilipinas sa rekomendasyon ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (Ingles: National Commission for the Arts) at ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Ingles: Cultural Center of the Philippines) sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1001 para sa kahusayan sa larangan ng musika, sayaw, teatro, arkitektura, sining na pang-biswal, literatura, pelikula, disenyo at mga kaalyadong sining tulad ng cinema at makasaysayang panitikan.[6][7]

Ramon P. Santos
Kapanganakan
Ramon Pagayon Santos

(1941-02-25) 25 Pebrero 1941 (edad 83)
NasyonalidadPilipino
Kilala sa"Awit ni Pulau" at "Siklo"
LaranganMusika
Pinag-aralan/KasanayanUnibersidad ng Pilipinas, Indiana University, State University of New York
Naimpluwensiyahan ni/ngDr. José Montserrat Maceda
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Musika
2014

Unang yugto ng buhay

baguhin

Pinakabata sa anim na magkakapatid na anak nina Jose Santos na isang abogado at Amada Pagayon na isang mang-aawit, si Ramon P. Santos ay lumaki sa mundo ng musika sa pamamagitan ng impluwensiya ng kanyang ina at lola na mahilig tumugtog ng piyano.[8][9] Dahil naiiwan sa bahay dahil siya ang pinakabata, nakikinig siya ng mga kanta sa radyo at pinakikinggan ang mga plaka na pag-aari ng kanyang pamilya.[9] Habang nag-aaral para sa kanyang Doctor of Philosophy sa State University of New York in Buffalo, nakilala niya si Lourdes Wong na nag-aaral ng Educational Psychology.[9] Ikinasal sila at nagkaroon ng dalawang anak na babae.[8]

Edukasyon

baguhin

Nakapagtapos ng elementarya si Ramon P. Santos sa Pasig Catholic School samantalang sa San Jose Seminary naman siya nagtapos ng sekundarya.[8] Noong 1965, nakuha niya ang Teacher’s Diploma at Bachelor of Music major in composition and conducting mula sa Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas.[3][8] Natuklasan niya sa Jose Maceda, isang ethnomusicologist, pagkatapos niyang pumasok ng Unibersidad ng Pilipinas na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kanya na naging dahilan ng paglipat ng pokus ng kanyang musika tungo sa ibang konsepto ng musikang Asyano.[2]

Noong 1969 ay nakuha ni Ramon Santos ang kanyang Master of Music nang may karangalan sa Unibersidad ng Indiana (Ingles: Indiana University) at noong 1972 ang kanyang Doctor of Philosophy sa Pang-Estadong Unibersidad ng New York (Ingles: State University of New York).[8][9]

Lumahok din siya sa mga summer courses sa New Music sa Darmstadt noong 1974 at sa Special Seminars sa Ethnomusicology sa Unibersidad ng Illinois noong 1989. Kasama niya sina Hilarion Rubio, Lucio San Pedro, Thomas Beversdorf, Roque Cordero, Ramon Fuller at William Koethe sa pag-aaral ng komposisyon at sina Istvan Anhalt at George Perle habang kumukuha ng kurso sa kontemporaryong musika. Nakasama din niya si Bruno Nettl sa pag-aaral ng Ethnomusicology. Nakasama niya si Sundari Wisnusubroto habang nag-aaral ng Javanese na musika at sayaw at si Lao Hong Kio habang pinag-aaralan niya ang Nan Kuan.[1]

Propesyon

baguhin

Naglingkod bilang Dekano ng Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas si Ramon P. Santos noong 1978 hanggang 1988 at nakapagsaliksik ng iba't ibang anyo ng musika sa Pilipinas.[1][9][5] Siya ay University Professor Emeritus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman at pinamumunuan niya bilang Chairperson ang Department of Composition and Theory ng Kolehiyo ng Musika sa nasabing unibersidad.[3][10]

Naging Chairman siya ng Asian Composers League mula 1994 hanggang 1997, Presidente ng National Music Council of the Philippines mula 1984 hanggang 1993 at Chairman at Secretary General ng Music Competitions for Young Artists Foundation mula 1989 hanggang 1997. [9][1]

Siya ay Secretary ng League of Filipino Composers, kasapi ng International Society for Contemporary Music (ISCM) Advisory Panel on the World’s Musical Cultures, Lecturer sa Asian Institute for Liturgy and Music at kasapi ng Humanities Division ng Pambansang Sanggunian sa Pananaliksik ng Pilipinas (Ingles: National Research Council of the Philippines).[1]

Mga nagawa

baguhin

Ilan sa mga nagawa ni Ramon P. Santos ay ang "Pangahoy," "L’Bad" at “Nagnit Igak G’nan Wagnwag Nila” (Alingawngaw ng Kagitingan) na kanyang ginawa para sa pagdiriwang ng Philippine Centennial sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Ingles: Cultural Center of the Philippines) at ang naging pinakapopular na “Awit ni Pulau” at “Siklo”.[6][9]

Naisulat din niya ang "Nabasag ang Banga at Iba’t Ibang Pinag-ugpong-ugpong na Pananalita para sa Labing-anim na Tinig," "Phenomenon," "Tin-ig," "Du-a," "Abot-Tanaw," "Ba-dw," at "Daragang Magayon" pati na ang “Ding Ding Nga Diyawa” na gumagamit ng timpani, agung at kulintang. [8][2]

Mga parangal na natanggap

baguhin

Natanggap ni Ramon P. Santos ang Achievement Award in the Humanities mula sa Pambansang Sanggunian sa Pananaliksik ng Pilipinas (Ingles: National Research Council of the Philippines) noong 1994 at nagkamit ng fellowship mula sa Asian Cultural Council at Ford Foundation.[9][1]

Nakamit din niya ang karangalan bilang Composer-in-Residence ng Bellagio Study Center/Rockefeller Foundation noong 1997, Artist-in-Residence ng Civitella Ranieri Center noong 1998 at Chevalier de l’Ordre des Artes et Lettres mula sa Pamahalaang Pranses.[1][8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Ramón Pagayon Santos". Columbia University. Columbia University. Nakuha noong 27 Setyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 del Monte, Pola Esguerra (13 Abril 2016). "Ramon Santos: A much-needed boost for contemporary music". BusinessWorld. BusinessWorld Publishing. Nakuha noong 27 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Order of National Artists: Ramon P. Santos". GOVPH. Philippine Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 27 November 2019. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. "Proclamation No. 811 Declaring Ramon P. Santos as National Artist for Music" (PDF). Official Gazette. Philippine Government. 20 Hunyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 25 Mayo 2022. Nakuha noong 29 Nobyembre 2019. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "National Artist for Music Ramon Santos holds lecture in UP on June 6". Rappler. Rappler. 24 Mayo 2019. Nakuha noong 27 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Flores-Nepomuceno, Sampaguita B. (Hunyo 2, 2018). "Portrait of the National Artist as a musician". Philippines Graphic. Philippines Graphic. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Marso 2020. Nakuha noong 27 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Proclamation No. 1001, s. 1972". Official Gazette. Government of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Mayo 2023. Nakuha noong 28 Nobyembre 2019. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 "Ramon Santos". CulturEd Philippines Sagisag Kultura. NCCA-PCEP. Nakuha noong 27 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 9.6 9.7 "Cultivating the roots of Filipino music". The Manila Times. Manila. 13 Setyembre 2014. Nakuha noong 27 Nobyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  10. "Ramon Santos on crossing artistic borders". UPDate Diliman. University of the Philippines Diliman Information Office. 25 Nobyembre 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2019. Nakuha noong 27 Setyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)