Mayonesa

malapot at malamig na sarsa

Ang mayonesa ay makapal, malamig, at makremang sarsa o pampalasa na karaniwang ginagamit sa mga sandwich, hamburger, ensalada, at French fries. Bumubuo rin ito sa batayan ng mga iba pang sarsa, katulad ng sarsang tartaro, fry sauce, remoulade, salsa golf, at rouille.[1]

Mayonesa
Isang garapon ng mayonesa
Ibang tawagMayo
UriKondimento
LugarPransiya, Espanya
Pangunahing SangkapLangis, apyak o pula ng itlog , at suka o katas ng limon

Isang emulsyon ang mayonesa ng langis, apyak, at isang asido, suka man o katas ng limon;[2] maraming mga baryante na gumagamit ng karagdagang pampalasa. Iba-iba ang kulay mula sa halos puti hanggang sa maputlang dilaw, ang tekstura mula sa malabnaw na krema hanggang sa malapot na gel.

May mga ibinebentang imitasyon na walang itlog para sa mga umiiwas sa itlog ng manok dahil sa alerhiya, upang limitahan ang pandiyetang kolesterol, o dahil begano sila.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Holly Herrick, The French Cook: Sauces [Ang Kusinerong Pranses] (sa wikang Ingles), 2013, ISBN 1423632397
  2. McGee, Harold (2004). On Food and Cooking : The Science and Lore of the Kitchen [Ukol sa Pagkain at Pagluluto : Ang Agham at Alamat ng Kusina] (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). New York: Scribner. p. 633. ISBN 978-0684800011. Isang emulsyon ang mayonesa ng mga patak ng langis na nakabitin sa base na binubuo ng apyak, katas ng limon o suka, na nagbibigay ng lasa at nagpapatatag sa mga tipik at karbohidrato. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Moran, Victoria; Moran, Adair (2012). Main Street Vegan: Everything You Need to Know to Eat Healthfully and Live Compassionately in the Real World [Main Street Vegan: Lahat ng Kailangan Mong Malaman para Kumain ng Malusog at Mamuhay nang May Habag sa Tunay na Mundo] (sa wikang Ingles). Penguin. p. 168. ISBN 9781101580622. Nakuha noong 28 Nobyembre 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)