Si Meldy Corrales isang aktres sa Pilipinas. Bilang produkto ng Sampaguita Pictures, naging artista siya mula 1954 hanggang 1964. Nauna siyang nakilala bilang kapatid, kaklase, kapitbahay o kaibigan ng mga bidang artista sa mga pelikula.

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak noong 1940 at anak ng dating sumikat din na mang-aawit sa radyo na si Tomas Corrales, Sr. Mahusay siyang umawit at pag-sayaw. Madalas din siyang lumalabas sa mga tanghalang musikal upang umawit o sumayaw na katambal ang kapatid na si Tommy Corrales, na gumaganap-ganap din noon sa mga maliliit na papel sa mga pelikula ng Sampaguita.

Gumanap muna siya sa mga papel bilang kapatid o kaibigan ng mga naunang sumikat na artista hanggang sa unti-unti siyang nakilala sa mga musikal na pelikula. Madalas niyang makatambal si Tito Galla, ang kapatid ni Gloria Romero. Gumanap din siya bilang isa sa mga alalay ni Amalia Fuentes sa babaeng bersyon ng Bondying, ang Baby Bubut. Napansin din siya sa pagkakaganap niya bilang katipan ni Rod Navarro na nabuntis at ipinamigay ang anak kay Lolita Rodriguez dahilan sa ang asawa niyang si Eddie Arenas ay isang baog; hanggang sa mapasama sa Chavacano, isang komedyang pelikula sa pangunguna ni Dolphy.

Sumikat at nagpatuloy ang kanyang karera hanggang sa dekada ng 1960, at doon na siya nagkaroon ng mga sunod-sunod na pelikula magpahanggang 1964. Pumanaw siya noong Ika tatlo ng Mayo, 2013.

Pelikula

baguhin
  • Hi-Sosayti (1964)
  • Mga Batang Bakasyonista (1964)
  • Mga Batang Iskwater/Batang Squatter (1964)
  • Mga Batang Milyonaryo (1964)
  • Jukebox Jamboree (1964)
  • Leron Leron Sinta (1964)
  • Ako'y Ibigin Mo, Dalagang Matapang (1963)
  • Mga Kwela sa Eskwela (1963)
  • Dance-O-Rama (1963)
  • Siyam na Langit (1962)
  • Kaming mga Talyada/We Who Are Sexy (1962)
  • Sa Bawat Punglo (1962)
  • Hami-hanimun (1961)
  • Kandidatong Pulpol (1961)
  • Beatnik (1960)
  • Baby Face (1959)
  • Baby Bubut (1958)
  • Bobby (1958)
  • Madaling Araw (1958)
  • Colegiala (1957)
  • Gilda (1956)
  • Chabacano/Chavacano (1956)
  • Bobby (1958)