Si Haydée Mercedes Sosa (bigkas sa Español: [meɾˈseðes ˈsosa]; Hulyo 9, 1935[1] – Oktubre 4, 2009), minsan kilala bilang La Negra (literal: 'Ang Itim'), ay isang Arhentinang mang-aawir na sikat sa buong Amerika Latina at maraming bansa sa labas ng rehiyon. Sa kaniyang mga ugat sa awiting-bayan ng Arhentina, si Sosa ay naging isa sa mga kilalang tagapagtaguyod ng La nueva canción. Nagbigay siya ng boses sa mga kanta na isinulat ng maraming manunulat ng awit mula sa Amerika Latina. Dahil sa kaniyang musika, pinapurihan siya ng mga tao bilang "boses ng mga walang boses".[2]

Nagtanghal si Sosa sa mga lugar tulad ng Lincoln Center sa Lungsod ng Bagong York, Théâtre Mogador sa Paris at Kapilya Sistina sa Lungsod Vaticano, pati na rin ang mga lahat-nabetang palabas sa Bulwagang Carnegie ng Bagong York at Romanong Koliseo sa kaniyang huling dekada ng buhay. Ang kaniyang karera ay tumagal ng apat na dekada at siya ang tumanggap ng anim na gawad Latin Grammy (2000, 2003, 2004, 2006, 2009, 2011), kabilang ang isang Gawad Latin Grammy sa Habambuhay na Tagumpay noong 2004 at dalawang postomong Gawad Latin Grammy para sa Pinakamahusay na Awiting-bayan na Album noong 2009 at 2011. Nanalo siya sa Premio Gardel noong 2000, ang pangunahing parangal sa musika sa Arhentina. Naglingkod siya bilang ambahadora para sa UNICEF.

Ipinanganak si Sosa noong Hulyo 9, 1935, sa San Miguel de Tucumán, sa hilagang-kanlurang lalawigan ng Tucumán ng Arhentina, ng mestizong ninuno. Siya ay may lahing Pranses, Español, at Diaguita.[3] Ang kaniyang mga magulang ay mga Peronista, bagaman hindi sila kailanman nakarehistro sa partido, at sinimulan niya ang kaniyang karera bilang isang mang-aawit para sa Partido Peronista sa Provincia Tucuman sa ilalim ng pangalang Gladys Osorio.[4] Noong 1950, sa edad na labinlima, nanalo siya sa isang kompetisyon sa pag-awit na inorganisa ng isang lokal na estasyon ng radyo at binigyan ng kontrata upang magtanghal sa loob ng dalawang buwan.[5] Ni-record niya ang kaniyang unang album, La Voz de la Zafra, noong 1959.[5] Isang pagtatanghal sa 1965 Pambansang Awiting-bayang Pista ng Cosquín—kung saan siya ay ipinakilala at dinala sa entablado habang nakaupo sa manonood ng kapuwa katutubong mang-aawit na si Jorge Cafrune[6] ang nagdala sa kanya sa atensiyon ng publiko ng Argentina.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Mercedes Sosa at BrainyHistory.com
  2. "Singer Mercedes Sosa: The voice of the 'voiceless ones' outlasts South American dictatorships".
  3. "Legendary folk singer Mercedes Sosa dies at 74". France 24. 4 Oktubre 2009. Nakuha noong 5 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mercedes Sosa: The Voice of Latin America. Dir. Rodrigo H. Villa. First Run Features, 2013. Web.
  5. 5.0 5.1 "Mercedes Sosa: Obituary". The Daily Telegraph. 4 Oktubre 2009. Nakuha noong 5 Oktubre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. The presentation by Jorge Cafrune and the song Mercedes Sosa sang sa YouTube. Retrieved 3 March 2010.