Mga Amazona

(Idinirekta mula sa Mga Amazon)

Ang mga Amazona (Griyego: Ἀμαζόνες, Amazónes, singular Ἀμαζών, Amazōn) na kilala rin bilang Oiorpata sa wikang Scythian ay isang bansa ng mandirigma na lahat ay babae sa Mitolohiyang Griyego at sa panahong Klasiko. Inilagay ng historyan na si Herodotus ang mga Amazon sa isang rehiyon na humahangganan sa Scythia sa Sarmatia (modernong teritoryo ng Ukraine). Sila ay inilagay ng ilang mga historyograpo sa Asya menor[1] o minsan sa Libya.[2]

Nasugatang Amazona ng Kapitolyo, Roma
Amazona na naghahanda sa isang labanan (Reyna Antiop o Armadong Venus) ni Pierre-Eugène-Emile Hébert 1860 (National Gallery of Art, Washington, D.C.)

Iniulat ni Herodotus na ang mga Sarmatian ay mga inapo ng mga Amazon at mga Eskito at ang kanilang mga asawang babae ay nagmasid ng kanilang mga sinaunang kustombreng pang-ina. Isinaad ni Herodotus na walang babae ng mga Amazona ang makakapagpakasal hanggang sa makapatay siya ng isang lalake sa isang labanan. Sila ay inilarawan ni Hippocrates na walang kanang suso dahil habang mga sanggol ay sinusunog ng kanilang mga ina gamit ang isang mainit na instrumentong bronse upang ang paglago nito ay mapigilan at ang lahat ng lakas ay malihis sa kanang balikat at kanang braso. Ang mga Amazona ay gumampan ng isang papel sa historiograpiyang Romano. Pinaalalahan ng Caesar ang Senado ng Roma sa pananakop ng malalaking bahagi ng Asya ni Semiramis at mga Amazona. Ang mga matagumpay na pagkukubkob ng mga Amazona laban sa Lycia at Cilicia ay taliwas sa epektibong resistansiya ng kabalyerong Lydiano laban sa mga mananakop (Strabo 5.504; Nicholas Damascenus). Si Gnaeus Pompeius Trogus ay nagbigay ng detalyadong pansin sa mga Amazona. Ang kuwento ng mga Amazona na mula sa isang kolonya ng dalawang mga prinsipeng Scythian na sina Ylinos at Scolopetos ay dahil sa kanya. Inilagay ni Philostratus ang mga Amazona sa mga kabundukang Taurus sa Turkey. Inilagay sila ni Ammianus sa silangan ng Tanais bilang kapitbahay ng mga Alan. Inilagay sila ni Procopius sa Caucasus.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "4,000-year-old legend about northern Turkey to become film - Hurriyet Daily News and Economic Review". Hurriyetdailynews.com. Nakuha noong 2010-09-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Schmitz, Leonhard (1867). "Amazones". Sa William Smith (pat.). Dictionary of Greek and Roman Biography and Mythology. Bol. 1. Boston: Little, Brown and Company. pp. 137–138. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-07-29. Nakuha noong 2013-08-12.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)