Escitia

(Idinirekta mula sa Scythia)

Ang Escitia o Scythia (NK /ˈsɪðiə/, EU /ˈsɪθiə/;[2] mula sa from Greek: Σκυθική, romanisado:]] Skythikē) ay isang rehiyon ng Gitnang Eurasya noong klasikong sinaunang panahon, na sinakop ng mga silanganing Iraniyanong mga Escitia,[1][3][4] na nakapaloob ang Gitnang Asya, ilang bahagi ng Silangang Europa sa silangan ng Ilog Vistula kasama ang silangang sulok ng rehiyon na malabo ang pagbigay ng kahulugan ng mga Griyego. Ibinigay ng mga Sinaunang Griyego ang pangalang Escitia (o ang Dakilang Escitia) sa lahat ng mga lupain sa hilagang-silangan ng Europa at hilagang baybayin ng Dagat Itim.[5] Noong Panahon ng Bakal, nakita ng rehiyon ang yumayabong na mga kalinangang Escitia.

Tinatayang lawak ng Escitia sa loob ng isang sakop na distribusyon ng Silangang Iraniyanong mga wika (ipinakita sa kahel) sa unang dantaon BC[1]

Nanirahan ang mga taong Escitia – ang pangalang Griyego para sa mga taong ito na nomadiko noong una – sa Escitia mula noong hindi bababa sa ika-11 dantaon BC hanggang ika-2 dantaon AD.[6] Noong ika-7 dantaon BC, kinontrol ng mga Escitia ang malaking saklaw na teritoryo sa buong Eurasya, mula sa Dagat Itim sa ibayo ng Siberia hanggang sa mga hangganan ng Tsina.[7][8] Nag-iiba ang lokasyon at lawak nito sa paglipas ng panahon, pero kadalasan itong lumalagpas ng malayo tungong kanluran at makabuluhang malayo sa silangan kaysa kung ano ang nakikita sa mapa.[9] May ilang mga sanggunian ang dinodokumento na nagsasabi na masigla at tahimik na mga taong Escitia.[10] Walang masyadong alam tungkol sa kanila.

Maluwag na nomadikong imperyo ang Escitia na nagmula noong kasing aga ng ika-8 dantaon BC. Ninais ng mga Escitia ng isang kaparaanan ng buhay na free-riding (o pagkuha ng yaman at produkto ng libre o sa mababang presyo).[11] Walang napatunayang sistema ng pagsusulat ang nakita sa panahon nila, kaya, karamihan sa mga nakasulat na impormasyon na mayroon ngayon na tungkol sa rehiyon at mga nanirahan dito noong panahon na iyon ay nagmula sa mga protohistorikal na mga sulatin ng mga sinaunang kabihasnan na may koneksyon sa rehiyon, pangunahin sa mga ito ang Sinaunang Gresya, Sinaunang Roma at Sinaunang Persya. Kay Herodotus ang may pinakadetalyeng kanluraning paglalarawan. Maaring hindi siya nakapaglakbay sa Escitia at may pagtatalong iskolar sa kanyang ganap na pagkakaalam, subalit nakumpirma ng makabagong mga pang-arkeolohiyang nahanap ang ilan sa kanyang mga sinaunang salaysay at nanatili siya bilang ang isa sa mga kapaki-pakinabang na manunulat ng sinaunang Escitia. Sinabi niya na tinatawag ng mga Escitia ang sarili bilang "Scoloti".[12]

Heograpiya

baguhin

Kabilang sa rehiyon na kilala sa mga klasikong may-akda bilang Escitia ang:

  • Ang kapatagan ng Pontiko-Kaspiyo: TImog-Silangang Ukranya, Katimugang Rusya, Rusong Volga, mga rehiyon ng Timog-Ural at kanlurang Kazakhstan (tinitirhan ng mga Escitia mula noong hindi bababa sa ika-8 dantaon BC)[13]
  • Ebidensyang henetika para sa malinaw na sumasaklaw sa ibayo ng mga kapatagan mula Dagat Itim at Lawang Baikal.[14]
  • Ang Kapatagan ng Kazakh: hilagang Kazakhstan at ang katabing mga bahagi ng Rusya
  • Ang Sarmatia, na katumbas na ngayon sa silangang Polonya, Ukranya, timog-kanlurang Rusya, at ang hilagang-silangang Balkan,[15]{mula sa Vistula sa kanluran hanggang sa bunganga ng Danube, at patungong silangan sa Volga
  • Ang Sakā Tigraxaudā ("ang mga Saka ng Matulis na Takip"), na katumbas na ngayon sa mga bahagi ng Gitnang Asya, kabilang ang Kyrgyzstan , timog-silangang Kazakhstan, at ang palanggana ng Tarim
  • Ang Sistan o Sakastan, na katumbas na ngayon sa katimugang Afghanistan, Lalawigang Sistan at Baluchestan ng Iran, at Balochistan, Pakistan, na lumalagpas mula sa Palanggana ng Sistan hanggang sa Ilog Indus. Pagkatapos ng sunod-sunod na mga pagsalakay ng mga kahariang Indo-Griyego, lumawak din ang mga Indo-Escitia sa silangan, na kinuha ang teritoryo na kung saan rehiyong Punjab na ngayon.
  • Ang Parama Kamboja, na katumbas na ngayon sa hilagang Afghanistan at ilang bahagi ng Tajikistan at Uzbekistan
  • Ang Alania, na katumbas na ngayon ng Hilagang Kaukasya
  • Ang Escitia Minor, na katumbas na ngayon ng mababang lugar ng ilog Danube sa kanluran ng Dagat Itim, kasama ang isang bahagi sa Romania at isang bahagi sa Bulgaria

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Mga patnugot ng Encyclopædia Britannica (2014-11-14). "Scythian – ancient people". Encyclopædia Britannica Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-27. Nakuha noong 8 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    Mga patnugot ng Encyclopædia Britannica (2014-04-16). "Scythian". Encyclopædia Britannica Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-21. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
    "Scythia (historical empire)". Encyclopædia Britannica Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Setyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Definition of 'Scythia' | Collins English Dictionary". www.collinsdictionary.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-01. Nakuha noong 2017-12-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Scythia". Columbia Electronic Encyclopedia (sa wikang Ingles). Columbia University Press. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Scythians". history-world.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. William Smith (pat.). "Scy´thia". Dictionary of Greek and Roman Geography (1854) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Thomas A. Lessman (2004). "World History Maps". Talessman's Atlas (sa wikang Ingles). Thomas Lessman. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2013. Nakuha noong 23 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Bell-Fialkoff, Andrew Villen, pat. (2000). The role of migration in the history of the Eurasian steppe : sedentary civilization vs. "barbarian" and nomad (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). New York: St. Martin's Press. p. 190. ISBN 0312212070. OCLC 909840823.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kennedy, Maev (2017-05-30). "British Museum to go more than skin deep with Scythian exhibition". the Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-10-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Giovanni Boccaccio’s Famous Women translated by Virginia Brown 2001, p. 25; Cambridge and London, Harvard University Press; ISBN 0-674-01130-9 ".....extending from the Black Sea in a northerly direction towards Ocean." (sa Ingles) Noong panahon ni Boccaccio, kilala ang Dagat Baltiko bilang Oceanus Sarmaticus.
  10. electricpulp.com. "SCYTHIANS – Encyclopaedia Iranica". www.iranicaonline.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-10-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Great Empires of Central Asia, Part 3: Pirates on a Sea of Grass – The Strange Continent". The Strange Continent (sa wikang Ingles). 2017-10-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-03. Nakuha noong 2018-10-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Σκώλοτοι (Scōloti, Herodotus 4.6) (sa Griyego)
  13. Sinor, Denis (1990). The Cambridge History of Early Inner Asia (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-24304-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Unterländer, 2017 (sa Ingles)
  15. Harry Thurston Peck (1898). Harpers Dictionary of Classical Literature and Antiquities (sa wikang Ingles).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)