Mga Sebwano

bahaging pangkat ng mga Bisaya
(Idinirekta mula sa Mga Cebuano)

Ang mga Sebwano[2] ( Sebwano: Sugbuanon) o mga Cebuano[3], ay isang pangkat etnikong mula sa Kabisayaán na pangunahing matatagpuan sa pulo ng Cebu at bumubuo sa ikalawang pinakamalaking kabagayan ng mga tao ayon sa wika sa Pilipinas.

Mga Sebwano
Kabuuang populasyon
9,125,637[1] (2010)
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Cebu at mga pamayanan sa ibang bansa
Wika
Wikang Cebuano, Ingles, Tagalog, atbp.
Relihiyon
Kristiyanismo, Protestantismo, Budhismo
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Mga Boholano, mga Hiligaynon, mga Waray, at iba pang mga Bisaya

Nagmula ang mga ito sa lalawigan ng Cebu sa bahaging Gitnang Kabisayaan, ngunit kalaunan ay kumalat sa ibang mga bahagi ng Pilipinas, tulad ng Siquijor, Bohol, Negros Oriental, timog-kanluran ng Leyte, kanlurang Samar, Masbate, at malaking bahagi ng Mindanao. Maaaring tumukoy din ito sa pangkat etniko na nagsasalita ng iisang wikang Sebwano o "Bisayâ" bilang kanilang katutubong wika sa iba't ibang bahagi ng kapuluan. Ang tawag na Sebwano o Cebuano ay tumutukoy din sa mga taong naninirahan sa pulo ng Cebu ano man ang lahi.[4]

 
Pagkalaganap ng wikang Sebwano sa Pilipinas.

Ang wikang Sebwano ay sinasalita ng tinatayang 25,000,000 katao sa bansa at bumubuo sa pinakamalaking wika sa Kabisayaan. Karamihan sa mga tagapagsalita ng Sebwano ay matatagpuan sa Cebu, Bohol, Siquijor, Biliran, Kanluran at Katimugang Leyte, silangang Negros at sa kalakhang bahagi ng hilagang Mindanao.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) - Philippines" (PDF). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 19 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sebwáno – KWF Repositoryo". Nakuha noong 2024-11-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fortunato, Teresita (2017-10-02). Mga Pangunahing Etnolinggwistikong Grupo sa Pilipinas. Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-971-27-2742-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Cebuano". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong Oktubre 28, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin