Mga Halamanan ng Lungsod ng Batikano

Ang Mga Halamanan ng Lungsod ng Batikano o Mga Hardin ng Batikano (Italyano: Giardini Vaticani, Ingles: Vatican Gardens o Gardens of Vatican City) ay ang mga halamanang urbano at mga liwasan (parke) na bumabalot sa mahigit kaysa sa kalahati ng teritoryo ng Batikano na nasa Timog at Hilagang-silangan. Mayroon ditong mga gusaling katulad ng Radyong Batikano na nasa loob ng mga hardin. Ang mga halaman ay tinatayang sumasakop sa 23 ektarya (57 akre), na ang karamihan ay para sa Burol ng Batikano. Ang pinakamataas na tuldok ay 60 metro (200 tal) na nakaangat sa karaniwang antas ng dagat. Nahahangganan ang pook ng mga pader na bato sa Hilaga, Timog at Kanluran. Ang mga hardin at mga liwasan ay itinatag noong panahon ng Renasimyento at panahon ng Baroque, at napapalamutian ng mga balong (mga fountain) at mga lilok (eskultura). Mayroong ilang mga bukal na nasa ilalim ng lupa na mula noong 2009 ay hindi na ginagamit. Mayroong isang malawak na kasamu't sarian ng mga flora (sanghalamanan), at ang pook ay itinuturing bilang isang biyotopo.

Kasaysayan

baguhin

Sinasabi ng tradisyon na ang lugar ng Mga Halamanan ng Lungsod ng Batikano ay pinahiran ni Saint Helena[1][2] ng lupa na dinala magmula sa Golgotha, upang masagisag na isanib ang dugo ni Kristo sa libu-libong mga sinaunang Kristiyano, na namatay dahil sa mga pag-uusig ni Nero.[1] Ang mga halamanan ay maipepetsang pabalik sa kapanahunang midyebal noong ang mga taniman at mga ubasan ay umaabot sa hilaga ng Palasyong Apostoliko ng Papa.[3] Noong 1279, inilipat ni Papa Nicholas III (Giovanni Gaetano Orsini, 1277–1280) ang kaniyang tirahan pabalik sa Batikano magmula sa Palasyong Laterano at binakuran ang pook na ito ng mga pader.[4] Naglagay siya ng isang halamanan (pomerium), ng isang bakuran (pratellum) at ng isang hardin (viridarium).[4]

Ang hitsura ng pook ay nagkaroon ng isang malakihang muling pagsasaayos noong simula ng ika-16 na daantaon,[3] noong panahon ng pagkapapa ni Julius II.[5] Ang orihinal na disenyo ni Donato Bramante ay hinati upang maging tatlong patyo ("bakuran ng korte"),[5] ang Cortili del Belvedere, ang “della Biblioteca” at ang “della Pigna” (o Kono ng Pino)[3][5] na mayroong estilo ng disenyong pangtanawin ng Renasimiyento. Nakaayon din sa estilo ng Renasimiyento ang isang malaking parihabang Labirinto, na may disenyong pormal, na nakatalaga sa kahoy na pangkahon (Buxus) at kinuwadruhan ng mga punong pino na pambato ng Italya (Pinus pinea) at ng sedar ng Lebanon, (Cedrus libani).[1] Bilang kapalit ng bakod (kulong na lugar) ni Nicholas III, naglagay si Bramante ng isang malaking rektilinear na pader na tanggulan.[5]

Sa ngayon, ang Mga Halaman ng Lungsod ng Batikano ay mayroong lawak na halos 23 ektarya (57 akre), na naglalaman ng sari-saring mga portipikasyong midyebal, mga gusali at mga bantayog (mga monumento) magmula sa ika-9 daantaon magpahanggang sa kasalukuyang panahon, na nakalagak sa piling ng masisiglang mga taniman ng mga bulaklak at mga topyaryo, lunting mga damuhan at 3 ektarya (7.4 akre) tagpi (kapirasong lupa) ng gubat. Mayroong sari-saring mga balong na nagpapakalat ng kasariwaan sa mga halamanan, habang nagpapahayag ang mga eskultura at ng mga grotong artipisyal ng debosyon sa Madonna, at isang puno ng olibo na inabuloy ng pamahalaan ng Israel na naglalawit ng tatlo nitong mga sangang lunti at bago.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "MO Plants: Vatican Gardens". © 2006 MoPlants.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-08. Nakuha noong 2008-11-21. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Patrong santo ng mga arkeologo
  3. 3.0 3.1 3.2 "Al Pellegrino Cattolico: The Vatican Gardens". © 2008 Al Pellegrino Cattolico s.r.l. Via di Porta Angelica 81\83 (S.Pietro) I- 00193 Roma, Italy. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-27. Nakuha noong 2008-11-21. {{cite web}}: line feed character in |publisher= at position 52 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Official Vatican City State Website: A Visit to the Vatican Gardens". © 2007-08 Uffici di Presidenza S.C.V. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-18. Nakuha noong 2008-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Vatican Gardens". © 2008 Cooperativa IL SOGNO, Viale Regina Margherita, 192 - 00198 ROMA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-02. Nakuha noong 2008-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga napagkunan

baguhin

Ang unang bersiyon ng lathalaing ito na nasa wikang Tagalog ay ibinatay magmula sa artikulong ng edisyon ng Wikipedia na nasa wikang Ingles na, sa kabilang banda, ay noong una ay ibinatay naman magula sa it:Giardini Vaticani ng edisyon ng Wikipedia na nasa wikang Italyano. Ang mga dato hinggil sa mga sukat ng haba ay nagmula sa artikulong de:Vatikanische Gärten ng edisyon ng Wikipedia na nasa wikang Aleman.

Bibliyograpiya

baguhin

Mga kawing na panlabas

baguhin

41°54′11″N 12°27′2″E / 41.90306°N 12.45056°E / 41.90306; 12.45056