Titan (mitolohiya)

(Idinirekta mula sa Mga Titan)

Sa mitolohiyang Griyego, ang mga Titan (Griyego: Τιτάν - Ti-tan; maramihan: Τιτᾶνες - Ti-tânes), ay ang mga mas matatanda o mas nauna o sinaunang mga uri ng mga bathala o diyos. Kabilang sa mga orihinal na Labindalawang mga Titano ang mga inanak o anak nina Gaia at Uranos. Isa silang lipi, rasa, o lahi ng makapangyarihan o malalakas na mga diyos na naghari sa panahon ng maalamat na Gintong Panahon. Napawi ang gampanin nila bilang Nakatatandang mga Diyos ng isang lahi ng mas nakababatang mga diyos na kilala bilang Labindalawang mga Olimpiyano, na naging sanhi ng pagkakaroon ng mitolohikal na paradimong pagbabagong maaaring hiniram ng mga Griyego mula sa Sinaunang (pook na) Malapit sa Silangan.[1] Sa paglaon, nakipaglaban sila sa mas bagong Labindalawang mga Olimpiyano, ngunit nabigo sa pakikipagtunggaling ito. Dahil dito, nagkaroon ng kapangyarihan at lakas ang mga Olimpiyanong ito, at naging mahahalaga. Marami sa mga Titano ang nailagay sa Tartaros sa Griyegong Mundong Ilalim.

Sa kasalukuyang paggamit ng salita, naging kasingkahulugan ang titano ng isang taong napakalaki, bantog, tanyag, napakalakas, higante, malahigante, dambuhala, o titaniko.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Burkert, Walter. The Orientalizing Revolution: Near Eastern Influence on Greek Culture in the Early Archaic Age (Imprenta ng Pamantasan ng Harvard) 1992:94f, 125-27.
  2. Gaboy, Luciano L. Titan - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Mga kawing panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.