Labindalawang Olimpiyano

(Idinirekta mula sa Labindalawang mga Olimpiyano)

Ang Labindalawang Olimpiyano ay tumutukoy sa mga diyos ng Olimpo ng mitolohiyang Griyego na nakatira sa Bundok ng Olimpo. Binubuo ang pangunahing mga diyos at mga diyosa ng sinaunang Gresya nina Zeus (Hupiter) at Hera (Huno), ang mga ulo o pinuno ng mga banal na mag-anak na kinabibilangan ng kanilang mga sarili at iba pang sampung diyos. Kabilang sa mga diyos na lalaki ang magkapatid na sina Poseidon (Neptuno) at Hades (Pluto), sina Ares (Marte), Apollo, Hermes (Merkuryo), at Hephaestus (Vulkan). Sa mga babae, kabilang sina Hestia (kapatid na babae nina Hades at Neptuno), Athena (Minerva), Artemis (Diana), at Aphrodite (Venus).[1][2]

Ang Labindalawang Olimpiyano, iginuhit ni Nicolas-André Monsiau, noong mga huli ng ika-18 daang taon.
Ang Bundok Olympus na tirahan ng Labindalawang Diyos na Olimpiyano.

Ang Labindalawang Diyos na Olimpiyano at katumbas sa Mitolohiyang Romano

baguhin
Mitolohiyang Griyego Romano Larawan Mga tungkulin at katangian
Zeus Jupiter   Hari ng mga Diyos at pinuno ng Bundok Olympus; Diyos ng kalangitan, kidlat, kulog, batas, kaayusan at katarungan.
Ang pinakabatang anak ng mga Titan na sina Cronus at Rhea. Kapatid at asawa ni Hera at kapatid ni Poseidon, Hades, Demeter at Hestia. Siya ay makikipagrelasyon sa maraming m ga Diyosa at mga mortal na tao gaya ng kanyang kapatid na si Demeter, Titanong si Leto, mga mortal na sina Leda, Alcmene at iba pa.[3]
Ang kanyang mga simbolo ang kulog, agila, punong oak, toro, setro, at mga iskala ng hustisya.
Hera Juno   Reyna ng mga Diyos at Diyosa ng kasal, kababaihan, panganganak at pamilya.
Ang pinakabatang anak nina Cronus at Rhea. Kapatid at asawa ni Zeus. Ang kanyang mga simbolo ay kinabibilangan ng peacock, cuckoo at baka.
Poseidon Neptune   Diyos ng Karagatan, tubig, mga bagyo, mga hurrican, lindol, at mga [[kabayo].
Ang gitnang anak nina Cronus at Rhea at kapatid nina Zeus at Hades. Ikinasal saNereid na si Amphitrite bagaman maraming ring mga kasintahan. Ang kanyang mga simbol ay kinabibilangan ng kabayo, toro, delfin, at trident.
Demeter Ceres   Diyos ng pag-ani, pertilidad, agrikultura, kalikasan at mga panahon. Siya ang nangangasiwa sa mga butil at pertilidad sa mundo. Siya ang gitnang anak na babae nina Cronus at Rhea at kasintahan nina Zeus at Poseidon at ina nina Persephone, Despoine, Arion.
Ang kanyang mga simbolo ay kinabibilangan ng poppy, tanglaw, trigo, cornucopia at baboy.
Athena Minerva   Diyosa ng karunungan, gawaing kamay at digmaan.[4]
Ang anak nina Zeus at ang Oceanid na si Metis. Siya ay lumitaw na matanda mula sa ulo ng kanyang ama.
Her symbols include the owl and the olive tree.
Apollo /
Apollon
Apollo   Diyos ng liwanag, araw, propesiya, pilosopiya, arkeriya, katotohanan, inspirasyon, musika, sining, kagandahang panlalake, medisina, panggagamot at salot. Anak nina Zeus at Leto at kapatid na kambal ni Artemis. Ang kanyang mga simbolo ay kinabibilangan ng araw, busog at palaso, lyra, swan at maliit na daga.
Artemis Diana   Diyosa ng pangangaso, parang, pagka-birhen, buwan, pamamana, panganganak, proteksiyon at salot. Anak nina Zeus at Leto at kambal na kapatid ni Apollo. Ang kanyang mga simbolo ay kinabibilangan ng buwan, kabayo, usa, hound, babaeng oso, ahas, punong cypress at busog at palaso.
Ares Mars   Diyos ng digmaan, karahasan, pandanak ng dugo at mga virtud na pantao. Anak nina Zeus at Hera. Siya ay kinamuhian ng lahat ng Diyos maliban kay Aphrodite. Ang kanyang mga simbolo ay kinabibilangan ng baboy damo, serpiyente, aso, buwitre, sibat at kalasag.
Aphrodite Venus   Diyosa ng pag-ibig, kaligayahan, pagsinta, pagpaparami, pertilidad, kagandahan at pagnanasa. Anak nina Zeus at Oceanid na si Dione.Ikinasal kay Hephaeustus ngunit maraming mga ginawang pangangalunya lalo na kay Ares. Ang kanyang pangalan ang pinagmulan ng Aphrodisiac at ang kanyang pangalang latin ay pinagmulan ng Venereal. Ang kanyang mga simbolo ay kinabiblangan ng kalapati, ibon, bubuyog, sisne, myrtus at rosas.
Hephaestus Vulcan   Piunong panday at manggawa ng mga Diyos Diyos ng pagpanday, pagkakayari, imbensiyon, apoy at mga bulkan. Anak ni Hera kay Zeus o sa pamamagitan ng parthenogenesis. Ikinasal ka Aphrodite. Ang kanyang pangalang Latin na Vulcan ang pinagmulan ng salitang Bulkan. Ang kanyang mga simbolo ay kinabibilangan ng apoy, anvil, martilyo, tong at pugo.
Hermes Mercury   Sugo ng mga Diyos. Diyos ng paglalakbay, kalakalan, pakikipagtalastasan, hangganan, kahusayan sa pagsaslitas, diplomasiya, magnanawa at palaro. Siya rin ang gabay ng mga namatay na kaluluwa. Isang anak nina Zeus at nimpang si Maia. Ang ikalawang pinakabatang Olimpiyano at mas matanda lamang kay Dionysus. Ang kanyang mga simbolo ay kinabibilangan ng caduceus, mga sandalya na may pakpak, sumbrero, at pawikan na ang mga shell ay ginamit upang imbentuhin ang lyra.
Ang mga talaan ng Labindalawnag Olimpiyano ay binubo ng 11 kasama nina Hestia o Dionysus
Hestia Vesta   Diyosa ng apuyan, apoy, tamang pagsasayaayos ng domestisidad at pamilya. Ipinanangak sa unang henerasyon at isa sa orihinal na Labindalawang Olimpiyano. Unang anak nina Cronus at Reha at nakatatandang kapatid nina Hades, Demeter, Poseidon, Hera, at Zeus.


Ang ilang talaan ng Labindalawang Olimpiyano ay nag-aalis sa sa kanya na pabor kay Dionysus ngunit pinaniniwalaang isinuko ang kanyang trono kay Dionysus upang panatilihin ang kapayapaan.

Dionysus /
Bacchus
Bacchus   Diyos ng alak, ubasan, pertilidad, kapistahan, ekstasiya, kabaliwan, at resureksiyon. Patrong Diyos ng sining ng teatro. Anak nina Zeus at mortal na prinsesang Theban na si Semele. Ikinasal sa prinsesang Cretan na si Ariadne. Ang pinakabatang Diyos ng Labindalawang Olimpiyano at ang tanging may inang mortal na tao. Ang kanyang mga simbolo ay kinabibilangan ng ubasan, tigre, panther, leopardo, delfin, kambing at pinecone.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Twelve Olympians". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 357.
  2. Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "The Olympian Gods (and their Roman Equivalents". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.
  3. Hamilton, Edith. Mythology : timeless tales of gods and heroes. Tierney, Jim. (ika-75th anniversary illustrated (na) edisyon). New York. ISBN 978-0-316-43852-0. OCLC 1004059928.
  4. Inc, Merriam-Webster (1995). Merriam-Webster's Encyclopedia of Literature. Merriam-Webster. p. 81. ISBN 9780877790426. {{cite book}}: |last1= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.