Mga Manuskrito ng Dagat Patay
Ang Dead Sea Scrolls (Mga Manuskrito ng Dagat Patay, Kastila: Manuscritos del Mar Muerto) o Qumran Caves Scrolls (Mga Rolyo ng Qumran, Kastila: Rollos de Qumrán) ay isang koleksiyon ng mga 972 teksto na naglalaman ng mga aklat ng bibliyang Hebreo gayundin ang mga aklat ng apokripa at iba pang dokumento na natagpuan sa pagitan ng 1947 at 1956 sa Khirbet Qumran sa hilagang-kanluran baybayin ng Dagat Patay sa Palestina, na kasalukuyang tinatawag na Kanlurang Pampang (West Bank).
Ang mga balumbong ito ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang mga relihiyosong dokumento na natuklasan dahil ito ay naglalaman ng pinakamatandang manuskrito ng Bibliyang Hebreo at nagbibigay ebidensiya ng pagkakaiba ng paniniwalang Hudaismo noong unang siglo BCE. Ang mga manuskritong ito ay isinulat sa Hebreo, Aramaiko at Griego. Bukod dito, karamihan ng mga manuskritong ito ay isinulat sa mga balat ng hayop(parchment) ngunit may ilang mga manuskritong isinulat sa papirus(papel mula sa halaman) at may isang rolyo na isinulat sa isang tanso(copper). Ang mga rolyong ito ay pinaniniwalaang isinulat sa pagitan ng 150 BCE at 70 CE.
Publikasyon
baguhinBago ang 1968, ang mga balumbong ito ay nakalagak sa Museong Rockefeller sa Herusalem. Pagkatapos ng Digmaang Anim na Araw (sa pagitan ng Hunyo 5 at 10, 1967), ang mga balumbon at pragmentong ito ay inilipat sa Dambana ng Aklat sa Museo ng Israel.
Ang unang mga litrato ng mga balumbon ay inilabas lamang sa publiko noong 1991 (o 44 taon pagkatapos matuklasan ang unang balumbon) dahil sa pagpipilit na gawing publiko ang mga litrato ng mga balumbong ito.
Noong 1991, ang mga mananaliksik sa Hebrew Union College sa Cincinnati, Ohio na sina Ben Zion Wacholder and Martin Abegg, ay naghayag ng pagkakalikha ng isang software upang muling buuin ang mga teksto ng mga balumbong ito.
Pinagmulan ng mga rolyo
baguhinAyon sa karamihan ng mga eskolar, ang mga rolyong ito ay isinulat ng isang sekta ng Hudaismo na tinatawag na Essene sa pagitan ng 150 BCE hanggang 70 CE. Ang mga Essene ay binanggit ng historyador na si Josephus at ni Pliny ang Matanda. Ang mga Essene ay masugid na tagasunod ng Torah (Kautusan ni Moises), mga asetiko (nagmamasid ng kabanalan at tumalikod sa mga gawaing sekular) at tinatawag ang kanilang komunidad na "mga hinirang ng diyos" at isang "bagong tipan". Ilan sa kanilang mga katuruan ang paniniwala sa isang mesiyas na kanilang tinatawag na "Guro ng Katwiran" na sinalungat at pinatay ng "mga anak ng kadiliman", paniniwalang apokaliptiko (malapit ng magunaw ang mundo) at pagmamasid ng pagbabautismo sa mga miyembro nito.
Ang ilang iskolar ay hindi umaayon sa teoryang ito. Halimbawa ayon kay Lawrence H. Schiffman ng Unibersidad ng New York, ang mga balumbong ito ay hindi isinulat ng mga Essene kundi ng mga supling ng Saserdoteng Saduceo na tinatawag na Zadokite. Ayon naman kay Robert H. Eisenman ng Pamantasang Estatal ng California sa Long Beach, ang mga rolyo ito ay isinulat ng mga tagagasunod ng kapatid ni Hesus na si Santiago na pinainiwalaang pinuno ng iglesiang Kristiyano sa Herusalem. Ayon sa eskolar naman na si Norman Golb ng Unibersidad ng Chicago, walang isang grupo ang sumulat ng mga balumbong ito kundi ang mga balumbong ito ay inilapat mula sa mga aklatan sa Herusalem nang maganap ang digmaan noong 66-70 CE.
Mga wikang ginamit sa mga balumbon ng Dagat Patay
baguhinAng teksto ng mga balumbon ng Dagat Patay ay isinulat sa apat na magkakaibang mga wika: Ebreo, Aramaiko, Griyego at Nabatean.
Wika | Sulatin | Persentahe ng mga dokumento | Mga siglo ng alam na paggamit ng wikang ito |
---|---|---|---|
Ebreo | Sulating Ashuri[1] | Mga 76.0-79.0% | ika-3 siglo BCE hanggang sa kasalukuyang panahon |
Ebreo | Sulating Kriptiko "A" "B" at "C"[2][3][4] | Mga 0.9%-1.0%[5] | Hindi alam |
Ebreo | Sulating Paleo-Hebreo[6] | Mga 1.0-1.5%[4] | ika-10 siglo BCE hanggang ika-2 siglo CE |
Ebreo | Sulating Paleo-Ebreo[6] | ||
Aramaiko | Sulating Aramaikong kwadrado | Mga 16.0-17.0%[7] | ika-8 siglo BCE hanggang sa kasalukuyang panahon |
Griyego | Sulating uncial na Griyego[6] | Mga 3.0%[4] | ika-3 siglo CE hanggang ika-8 siglo CE |
Nabataean | Sulating Nabataean[8] | Mga 0.2%[8] | ika-2 siglo BCE hanggang ika-4 siglo CE |
Kahalagahan sa pananaliksik Biblikal
baguhinDahil ang mga rolyo ng Patay na Dagat ang pinakamatandang manuskrito ng Tanakh(Lumang Tipan), ang mga rolyong ito ay ikinumpara sa 3 pangunahing manuskrito ng Tanakh, ang Masoretiko, Septuagint, at Samaritan Pentateuch. Ang Masoretiko ang Hebreong bersyon ng Tanakh na ginagamit sa kasalukuyang Rabinikong Hudaismo at basehan ng mga bagong salin ng Lumang tipan ng Bibliya. Ang Septuagint ang saling Griyego ng isang tekstong Hebreo sa pagitan ng 200-100 BCE. Ang Septuagint ay isinalin mula sa tekstong Hebreo na iba sa Hebreo ng Masoretico. Ang Samaritan Pentateuch ay salin ng Hebreong Pentateuch (Henesis, Exodo, Levitico, Deuterenomio, at Mga Bilang) sa alpabetong Samaritano na ginagamit sa relihiyong Samaritanismo. Ayon sa iskolar ng mga Rolyo ng Dagat na Patay na si Lawrence Schiffman, na punong patnugot ng mga balumbon ng Dagat Patay, halos 60% ng mga balumbon ay umaayon sa tekstong Masoretiko, 5% ay umaayon sa Septuagint at 5% ay umaayon sa Samaritan Pentateuch. 10% naman ang hindi umaayon sa 3 manuskritong ito kabilang dito ang matatagpuan sa 4QDeut-b, 4QDeut-c, 4QDeut-h, 4QIsa-c, and 4QDan-a.[9][10][11] Ayon sa ibang eskolar, ang Dead Sea Scrolls ay umaayon lamang sa 40% ng Masoretiko.[12]
Bukod sa mga aklat ng Tanakh at mga aklat ng apokripa o deuterokanoniko (para sa mga Romano Katoliko), ang mga balumbong ito ay naglalaman din ng mga katuruan ng sekta ng Hudaismo na nakatira sa Qumran na tinatawag na Mga Essene sa pagitan ng unang siglo BCE hanggang unang siglo CE. Ayon sa mga eskolar, ito ay nagbibigay ng ebidensiya ng pagkakaiba ng mga paniniwala sa Hudaismo noong unang siglo BKP hanggang unang siglo KP. Ayon din sa mga eskolar, karamihan ng mga katuruan ng Essene ay magkahalintulad sa mga katuruan ng Kristiyanismo (sa Bagong Tipan). Ito ay sumasalungat sa tradisyonal na paniniwalang ang Kristiyanismo ay isang natatangi at walang katulad na relihiyon noong unang siglo KP. May mga teorya ang mga eskolar sa relasyon ng dalawang sektang ito.[13]
Mga natuklasang manuskrito
baguhinUnang kuweba ng Qumran
baguhinAng unang kuweba ay natuklasan noong 1947. Ito ay unang hinukay ni Gerald Lankester Harding at Roland de Vaux mula Pebrero hanggang 5 Marso 1949.
- 1QIsaa (Aklat ni Isaias)
- 1QIsab (Isaias)
- 1QS ("Alituntunin ng Komunidad") cf. 4QSa-j = 4Q255-64, 5Q11
- 1QpHab ("Pesher ng Habakuk")
- 1QM ("Rolyo ng Digmaan") cf. 4Q491, 4Q493; 11Q14?
- 1QHa ("Mga Himno ng Pasasalamat")
- 1QapGen ar ("Henesis Apokripon sa Aramaiko")
- CTLevi ar ("Testamento ni Levi sa Aramaiko")
- 1QGen ("Henesis") = 1Q1
- 1QExod ("Exodo") = 1Q2
- 1QpaleoLev ("Levitico" na isinulat sa eskriptong Paleo-Hebreo) = 1Q3
- 1QDeuta ("Deuteronomio") = 1Q4
- 1QDeutb ("Deuteronomio") = 1Q5
- 1QJudg ("Hukom") = 1Q6
- 1QSam ("Samuel") = 1Q7
- 1QIsab (pragmento ng Isaias 1QIsab) = 1Q8
- 1QEzek ("Ezekiel") = 1Q9
- 1QPsa ("Awit") = 1Q10
- 1QPsb ("Awit") = 1Q11
- 1QPsc ("Awit") = 1Q12
- 1QPhyl (58 pragmento ng "Tefillin") = 1Q13
- 1QpMic ("Pesher ng Micas") = 1Q14
- 1QpZeph ("Pesher ng Zefanias") = 1Q15
- 1QpPs ("Pesher ng Awit") = 1Q16
- 1QJuba ("Jubilees") = 1Q17
- 1QJubb ("Jubilees") = 1Q18
- 1QNoah ("Aklat ni Noe ") = 1Q19
- 1QapGen ar (pragmento ng "Henesis Apocryphon" sa Aramaiko) = 1Q20
- 1QTLevi ar ("Testamento ni Lev" sa Aramaiko) = 1Q21
- 1QDM ("Dibrê Moshe" or "Mga Salita ni Moises") = 1Q22
- 1QEnGiantsa ar ("Aklat ng mga Higante" ng Aklat ni Enoch sa Aramaiko) = 1Q23
- 1QEnGiantsb ar ("Aklat ng mga Higante" ng Aklat ni Enoch sa Aramaiko) = 1Q24
- 1Q25 ("Propesiyang Apokripal")
- 1Q26 ("Katuruan")
- 1QMyst ("Mga Misteryo") = 1Q27
- 1Q28 (Pragmento ng "Alituntunin ng Komunidad(1QS)"
- 1QSa ("Alituntunin ng Kongregasyon") = 1Q28a
- 1QSb ("Alituntunin ng Pagpapala") = 1Q28b
- 1Q29 ("Liturhiya ng Tatlong Dila ng Apoy")
- 1Q30 ("Tekstong Liturhikal")
- 1Q31("Tekstong Liturhikal")
- 1QNJ ar ("11Q18, Bagong Jerusalem sa Aramaiko") = 1Q32 cf. 11Q18 ar
- 1Q33 ("Pragmento ng Rolyo ng Digmaan(1QM)")
- 1QLitPr ("Mga Pangalanging Liturhikal") = 1Q34
- 1QHb ("Mga Himno ng Pagpapasalamant o Hodayot") = 1Q35
- 1Q36-40 ("Komposisyong Himniko")
- 1Q41-70 (Hindi matukoy na pragmento)
- 1QDana ("Aklat ni Daniel") = 1Q71
- 1QDanb ("Aklat ni Daniel") = 1Q72
Ikalawang kuweba
baguhinAng ikalawang kuweba ay natuklasan noong 1952.[14] Ang kwebang ito ay naglalaman ng 300 pragmentaryong(hindi kumpleto) mula sa 33 manuskrito kabilang na ang Jubilees at Karunungan ni Sirach sa wikang Hebreo.
- 2QGen ("Henesis") = 2Q1
- 2QExoda ("Exodo") = 2Q2
- 2QExodb ("Exodo") = 2Q3
- 2QExodc ("Exodo") = 2Q4
- 2QpaleoLev (seksiyon ng Levitico 11:22-29 na isinulat sa skriptong Paleo-Hebreo) = 2Q5
- 2QNuma ("Bilang") = 2Q6
- 2QNumb ("Bilang") = 2Q7
- 2QNumc ("Bilang")= 2Q8
- 2QNumd ("Bilang") = 2Q9
- 2QDeuta ("Deuterenomyo") = 2Q10
- 2QDeutb ("Deuterenomyo") = 2Q11
- 2QDeutc ("Deuterenomyo 10:8-12") = 2Q12
- 2QJer ("Jeremias") = 2Q13
- 2QPs ("Awit") = 2Q14
- 2QJob ("Job" 33:28-30) = 2Q15
- 2QRutha ("Ruth") = 2Q16
- 2QRuthb ("Ruth") = 2Q17
- 2QSir ("Karunungan ni Sirach" o "Ecclesiasticus") = 2Q18
- 2QJuba ("Jubilees") = 2Q19
- 2QJubb ("Jubilees") = 2Q20
- 2QapMoses ("Apokripon ni Moses") = 2Q21
- 2QapDavid? ("Apokripon ni David") = 2Q22
- 2QapProph ("Propesiyang Apokripal") = 2Q23
- 2QNJ ar ("Bagong Jerusalem sa Aramaico") = 2Q24 cf. 1Q32 ar, 11Q18 ar
- 2Q25 ("Tekstong Huridikal")
- 2QEnGiants ar ("Aklat ng mga Higante ng Aklat ni Enoch sa Aramaiko) = 2Q26 cf. 6Q8
- 2Q27-33 (Hindi matukoy na teksto)
Ikatlong kuweba
baguhinAng ikatlong kuweba ay natuklasan noong 14 Marso 1952.[14] Natagpuan sa kwebang ito ang 14 na manuskrito kabilang ang Jubilee, at ang Rolyong Tanso na naglalaman ng mga talaan ng taguang lugar sa buong Judea na naglalaman ng mga ginto, pilak, tanso, aromatiko at mga manuskrito.
- 3QEzek ("Ezekiel" 16:31-33) = 3Q1
- 3QPs ("Awit" 2:6-7) = 3Q2
- 3QLam ("Panaghoy") = 3Q3
- 3QpIsa ("Pesher ng Isaias") = 3Q4
- 3QJub ("Jubilees") = 3Q5
- 3QHymn (Hindi matukoy na himno) = 3Q6
- 3QTJudah? ("Testamento ni Judah"?) = 3Q7 cf. 4Q484, 4Q538
- 3Q8 (Hindi matukoy na pragmento)
- 3Q9 (Hindi matukoy na tekstong sektarian)
- 3Q10-11 (Hindi matukoy na pragmento)
- 3Q12-13 (Hindi matukoy na pragmento sa Aramaiko)
- 3Q14 (Hindi matukoy na pragmento)
- 3QCopper Scroll ("Balumbong Tanso") = 3Q15
Ikaapat na kuweba
baguhinAng ikaapat na kuweba ay natuklasan noong Agosto 1952, at hinukay mula Setyembre 22–29, 1952 nina Gerald Lankester Harding, Roland de Vaux, at Józef Milik.[15] Ang mga natuklasang manuskrito sa kwebang ito ang bumubuo sa halos siyamnapung porsiyento ng mga rolyo ng Patay na Dagat kabilang na ang 9-10 manuskrito ng Jubilee pati 21 tefillin at 7 mezuzot.
- 4QGen-Exoda ("Henesis and Exodus") = 4Q12
- 4QGenb ("Aklat ng Henesis") = 4Q2
- 4QGenc ("Henesis") = 4Q3
- 4QGend ("Henesis" 1:18-27) = 4Q4
- 4QGene ("Henesis"") = 4Q5
- 4QGenf ("Henesis" 48:1-11) = 4Q6
- 4QGeng ("Henesis") = 4Q7
- 4QGenh1 ("Henesis" 1:8-10) = 4Q8
- 4QGenh2 ("Henesis" 2:17-18) = 4Q8a
- 4QGenh-para (paraphrase ng "Henesis" 12:4-5) = 4Q8b
- 4QGenh-title ("Henesis") = 4Q8c
- 4QGenj ("Henesis") = 4Q9
- 4QGenk ("Henesis") = 4Q10
- 4QpaleoGen-Exodl ("Henesis at Exodo" na isinulat sa eskriptong Paleo Hebreo) = 4Q11
- 4QpaleoGenm ("Henesis" na isinulat sa eskriptong Paleo Hebreo) = 4Q12
- 4QExodb ("Exodo") = 4Q13
- 4QExodc ("Exodo") = 4Q14
- 4QExodd ("Exodo") = 4Q15
- 4QExode (("Exodo") 13:3-5) = 4Q16
- 4QExod-Levf ("Exodo at Levitico") = 4Q17
- 4QExodg ("Exodo" 14:21-27) = 4Q18
- 4QExodh ("Exodo" 6:3-6) = 4Q19
- 4QExodj ("Exodo") = 4Q20
- 4QExodk ("Exodo" 36:9-10) = 4Q21
- 4QpaleoExodm (""Exodo" na isinulat sa eskriptong Paleo Hebreo) = 4Q22
- 4QLev-Numa ("Levitico at Bilang") = 4Q23
- 4QLevb ("Levitico") = 4Q24
- 4QLevc ("Levitico") = 4Q25
- 4QLevd ("Levitico") = 4Q26
- 4QLeve ("Levitico") = 4Q26a
- 4QLevg ("Levitico") = 4Q26b
- 4QNumb ("Bilang") = 4Q27
- 4QCantb ("4Q107,Pesher sa Awit ni Solomon") = 4Q107
- 4QCantc ("4Q108, Pesher sa Awit ni Solomon") = 4Q108
- 4Q112 ("Daniel")
- 4Q123 ("Binagong Aklat ni Josue")
- 4Q127 ("Binagong Exodo")
- 4Q128-148 (iba ibang tefillin)
- 4Q156 ("Targum ng Levitico")
- 4Q157 ("Targum ng Job") = 4QtgJob
- 4QRPa ("Binagong Pentateuch") = 4Q158
- 4Q161-164 ("Pesher ng Isaias")
- 4Q166-167 ("Pesher ng Hosea")
- 4Q169 ("Pesher ng Nahum")
- 4Q174 ("Florilegium" or "Midrash ng mga huling Panahon")
- 4Q175 ("Antolohiyang Messianiko" or "Testimonia")
- 4Q179 ("Panaghoy") cf. 4Q501
- 4Q196-200 ("Tobit")
- 4Q213-214 ("Testamento ng 12 patriarka")
- 4Q215 ("Testamento ni Naftali")
- 4QCanta ("4Q240, Pesher ng Awit ni Solomon") = 4Q240
- 4Q246 ("Aramaikong Apocalipsis o tekstong "Ang Anak ng Diyos")
- 4Q252 ("Pesher ng Henesis")
- 4Q258 ("Serekh ha-Yaha o Alituntunin ng Komunidad") cf. 1QSd
- 4Q265-273 ("Dokumentong Damasco") cf. 4QDa/g = 4Q266/272, 4QDa/e = 4Q266/270, 5Q12, 6Q15, 4Q265-73
- 4Q285 ("Alituntunin ng Digmaan") cf. 11Q14
- 4QRPb ("Binagong Pentateuch") = 4Q364
- 4QRPc("Binagong Pentateuch")= 4Q365
- 4QRPc ("Binagong Pentateuch") = 4Q365a (=4QTemple?)
- 4QRPd ("Binagong Pentateuch") = 4Q366
- 4QRPe ("Binagong Pentateuch") = 4Q367
- 4Q415-418 ("Musar leMevin") = 4QInstruction, "Sapiential Work A"
- 4Q422 ("4QParaphrase ng Henesis ")
- 4Q434 ("Barkhi Napshi - Mga Awiting Apokripal")
- 4QMMT ("Miqsat Ma'ase Ha-Torah" o "Panuntunan ng Batas" o "Sulat Halakhic Letter") cf. 4Q394-399
- Mga Awit ng sakripisyong pang Sabath, 4Q400-407 cf. 11Q5-6
- 4Q448 ("Himno sa Haring si Jonathan")
- 4Q511 ("Mga Awit ng Pantas")
- 4Q521 ("Mesianikong Apocalipsis")
- 4Q523 "Kleine Fragmente, z.T. gesetzlichen Inhalts". fragment is legal in content. PAM number, 41.944.[16]
- 4Q539 ("Testament of Joseph")
- 4Q554-5 ("New Jerusalem") cf. 1Q32, 2Q24, 5Q15, 11Q18
Ikalima at ikaanim na kuweba
baguhinAng ikalima at ikaanim na kuweba ay natuklasan noong 1952, pagkatapos matuklasan ang ikaapat na kweba. Ang ikalimang kweba ay naglalaman ng halos 25 manuskrito samantalang ang ikaanim na kweba ay naglalaman ng 31 pragmentaryong manuskrito.[15]
Ikalimang kuweba
baguhin- 5QDeut ("Deuteronomio") = 5Q1
- 5QKgs ("1 Kings") = 5Q2Joshua") = 5Q9
- 5Q10 Apokripon ni Malachi
- 5Q11 Panuntunan ng Komunidad
- 5Q12 Dokumentong Damasco
- 5Q13 Alituntunin
- 5Q14 Mga Sumpa
- 5Q15 Bagong Jerusalem
- 5Q16-25 Hindi matukoy
- 5QX1 Pragmentong Katad
Ikaanim na kweba
baguhin- 6QpaleoGen (seksiyon ng Henesis 6:13-21 na isinulat sa skriptong Paleo Hebreo) = 6Q1
- 6QpaleoLev (seksiyon ng Levitico 8:12-13 na isinulat sa skriptong Paleo Hebreo) = 6Q2
- 6Q3 Deuteronomyo
- 6Q4 Mga Hari
- 6QCant ("Awit ni Solomon") = 6Q6
- 6Q7 Daniel
- 6QpapEnGiants ("Aklat ng mga Higante mula sa Aklat ni Enoch") = 6Q8
- 6Qpap apSam-Kgs ("Apokripon ni Samuel-Mga Hari") = 6Q9
- 6QpapProph (Hindi matukoy na pragmentong propetiko) = 6Q10
- 6Q11 ("Talinghaga ng Baging")
- 6QapocProph (Propesiyang apokripal) = 6Q12
- 6QPriestProph ("Propesiya ng Saserdote") = 6Q13
- 6QD ("Dokumentong Damasco") = 6Q15
- 6QpapBened ("Bendisyon") = 6Q16
- 6Q17 Dokumentong kalendrikal
- 6Q18 Himno
- 6Q19 Henesis
- 6Q20 Deuteronomyo
- 6Q21 Tekstong Propetiko
- 6Q22-6QX2 Hindi matukoy
- 6Q23 ("Mga salita ni Arkanghel Miguel") cf. 4Q529
Ikapito hanggang ikasiyam na kuweba
baguhinAng ikapito hanggang ikasiyam na kuweba ay hinukay noong 1957. Ang ikapitong kweba ay naglalaman ng 20 pragmentaryong mga manuskrito na isinulat sa Griyego kabilang ang 7Q2 ("Sulat ni Jeremias" na katumbas ng Baruch sa Biblikal na kanon ng Katolisismo), 7Q5 at manuskrito ng Aklat ni Enoch.[17][18][19] Bukod dito ang ikapitong kweba ay naglalaman din ng mga paso at banga.[20]
Ang ikawalong kuweba ay naglalaman ng 5 pragmentaryo ng Henesis (8QGen), Awit(8QPs), 8QPhyl, mezuzah (8QMez), at himno(8QHymn).[21] Ang ikawalong kuweba ay naglalaman din ng ilang mga kahon ng tefillin, isang kahon ng katad(leather) na bagay, lampara, banga at sapatos na gawa sa katad.[20]
Ang ikasiyam na kuweba ay naglalaman ng kaunti ngunit hindi matukoy na mga pragmentaryo.
Sa ikawalo at ikasiyam ay natuklasan ang ilang buto ng prutas ng datilero.[20][22][23]
Ikapitong kuweba
baguhin- 7QLXXExod (seksiyon ng Exodo ng Septuagint) = 7Q1
- 7QLXXEpJer ("Sulat ni Jeremias o Baruch 6") = 7Q2
- 7Q3 Hindi matukoy na tekstong biblikal
- 7QpapEn gr ("Aklat ni Enoch") = 7Q4, 8, 11-14
- 7Q5 Tekstong Biblikal
- 7Q6, 7, 9, 10 hindi matukoy
- 7Q15-18 hindi matukoy
- 7Q19 imprint
Ikawalong kuweba
baguhin- 8QGen ("Henesis") = 8Q1
- 8QPs ("Awit") = 8Q2
- 8QPhyl ("Pragmento ng Tefillin") = 8Q3
- 8QMez (bahagi ng Deuteronomyo 10:12-11:21 mula sa Mezuzah) = 8Q4
- 8QHymn (Hindi matukoy na himno) = 8Q5
- 8QX1 Tabs
- 8QX2-3 Thongs
Ikasiyam na kuweba
baguhin- 9Qpap (hindi matukoy na dokumento)
Ikasampung kuweba
baguhinAng ikasampu ay naglalaman lamang ng 2 ostracon(isang uri ng paso) na may ilang mga kasulatan dito kasama ng hindi alam na simbolo sa isang gray na tipak ng bato.
Ikalabing-isang kuweba
baguhinAng ikalabing-isang kuweba ay natuklasan noong 1956 at naglalaman ng 21 manuskrito kabilang ang "Rolyo ng Templo"(na tumutukoy sa pagtatayo ng Templo sa Jerusalem), Jubilee, at manuskrito tungkol kay Melchizedek.[24] Ayon sa dating pangunahing editor ng pangkat editorial ng "Rolyo ng Patay na Dagat", may halos 4 na rolyong pag-aari ng mga pribadong indibidwal na hindi pa nasusuri ng mga eskolar. Kabilang dito ang kumpletong Aramaikong manuskrito ng Aklat ng Enoch.[25]
- 11QpaleoLeva ("Leviticus" written in palaeo-Hebrew script) = 11Q1
- 11QpaleoLevb ("Leviticus" written in palaeo-Hebrew script) = 11Q2
- 11QDeut ("Deuteronomy") = 11Q3
- 11QEz ("Ezekiel") = 11Q4
- 11QPsa ("Awit") = 11Q5
- 11QPsb ("Awit") = 11Q6
- 11QPsc ("Awit") = 11Q7
- 11QPsd ("Awit")= 11Q8
- 11QPse("Awit") = 11Q9
- 11QtgJob ("Targum ng Job") = 11Q10
- 11QapocrPs ("Mga Awit na Apokripal") = 11Q11
- 11QJub ("Jubilees") = 11Q12
- 11QMelch (Makalangit na Prinsipeng si Melchizedek) = 11Q13
- 11QSM ("Sefer Ha-Milhamah" o Eskrolyo ng Digmaan") = 11Q14. cf. 1QM?
- 11QHymnsa = 11Q15
- 11QHymnsb = 11Q16
- 11QShirShabb ("Awit ng mga Handog sa Sabath") = 11Q17
- 11QNJ ar ("Bagong Jerusalem sa Aramaiko") = 11Q18 cf. 1Q32, 2Q24
- 11QTa ("Rolyo ng Templo") = 11Q19
- 11QTb ("Rolyo ng Templo")= 11Q20
- 11Q21 Tekstong Hebreo
- 11Q22-28 hindi matukoy
- 11Q29 Serekh ha-Yahad related
- 11Q30 hindi matukoy
- 11Q31 hindi matukoy
- XQ1-4 Phylacteries
- XQ5 Mga pragmento
- XQ6 offering
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The Orion Center for the Study of the Dead Sea Scrolls and Associated Literature. http://orion.mscc.huji.ac.il/resources/FAQ.shtml Naka-arkibo 2012-05-19 sa Wayback Machine.. Accessed 18 Hunyo 2012.
- ↑ Wise, Michael et al. "A New Translation: The Dead Sea Scrolls." P.375. 1996.
- ↑ Day, Charles. "Those who are persecuted because of righteousness, are those who pursue righteousness: an examination of the origin and meaning Matthew 5:10." http://www.satsonline.org%2Fuserfiles%2FDay_OriginAndMeaningOfMatthew5.10.pdf&ei=49LfT735MefH0QH4uL3NCg&usg=AFQjCNF9JVhttCVsdblVgrNriJrhRCgJhQ[patay na link]. Accessed 18 Hunyo 2012.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 Elledge, C.D. "The Bible and the Dead Sea Scrolls." P.88. 2005.
- ↑ Reeves, John C. and Kampen, John. "Pursuing the Text." P.111-112. 1994.
- ↑ 6.0 6.1 6.2 Glob, Norman. "Who Wrote the Dead Sea Scrolls." 2012.
- ↑ Wise, Michael et al. "A New Translation: The Dead Sea Scrolls." P.9. 1996.
- ↑ 8.0 8.1 Schiffman, Lawrence H. et al. "The Dead Sea scrolls: fifty years after their discovery : proceedings of the Jerusalem Congress, Hulyo 20–25, 1997." 1997.
- ↑ Edwin Yamauchi, "Bastiaan Van Elderen, 1924– 2004," SBL Forum
- ↑ Tov, E. 2001. Textual Criticism of the Hebrew Bible (2nd ed.) Assen/Maastricht: Van Gocum; Philadelphia: Fortress Press. As cited in Flint, Peter W. 2002. The Bible and the Dead Sea Scrolls as presented in Bible and computer: the Stellenbosch AIBI-6 Conference: proceedings of the Association internationale Bible et informatique, "From alpha to byte", University of Stellenbosch, 17–21 July, 2000 Association internationale Bible et informatique. Conference, Johann Cook (ed.) Leiden/Boston BRILL, 2002
- ↑ Laurence Shiffman, Reclaiming the Dead Sea Scrolls, p. 172
- ↑ The Canon Debate, McDonald & Sanders editors, 2002, chapter 6: Questions of Canon through the Dead Sea Scrolls by James C. VanderKam, page 94, citing private communication with Emanuel Tov on biblical manuscripts: Qumran scribe type c.25%, proto-Masoretic Text c. 40%, pre-Samaritan texts c.5%, texts close to the Hebrew model for the Septuagint c.5% and nonaligned c.25%.
- ↑ Jesus in history, thought, and culture: an encyclopedia, Volume 1, pp. 202ff, James Leslie Houlden
- ↑ 14.0 14.1 VanderKam, James C., The Dead Sea Scrolls Today, Grand Rapids: Eerdmans, 2009. p. 10.
- ↑ 15.0 15.1 VanderKam, James C., The Dead Sea Scrolls Today, Grand Rapids: Eerdmans, 1994. pp. 10-11.
- ↑ Buitenwerf, Rieuwerd, The Gog and Magog Tradition in Revelation 20:8, in, H. J. de Jonge, Johannes Tromp, eds., The book of Ezekiel and its influence, Ashgate Publishing, Ltd., 2007, p.172; scheduled to be published in Charlesworth's edition, volume 9
- ↑ Baillet, Maurice ed. Les ‘Petites Grottes’ de Qumrân (ed., vol. 3 of Discoveries in the Judean Desert; Oxford: Oxford University Press, 1962), 144–45, pl. XXX.
- ↑ Muro, Ernest A., “The Greek Fragments of Enoch from Qumran Cave 7 (7Q4, 7Q8, &7Q12 = 7QEn gr = Enoch 103:3–4, 7–8),” Revue de Qumran 18 no. 70 (1997).
- ↑ Puech, Émile, “Sept fragments grecs de la Lettre d’Hénoch (1 Hén 100, 103, 105) dans la grotte 7 de Qumrân (= 7QHén gr),” Revue de Qumran 18 no. 70 (1997).
- ↑ 20.0 20.1 20.2 Humbert and Chambon, Excavations of Khirbet Qumran and Ain Feshkha, 67.
- ↑ Baillet ed. Les ‘Petites Grottes’ de Qumrân (ed.), 147–62, pl. XXXIXXXV.
- ↑ Wexler, Lior ed. Surveys and Excavations of Caves in the Northern Judean Desert (CNJD) - 1993 (‘Atiqot 41; 2 vols.; Jerusalem: Israel Antiquities Authority, 2002).
- ↑ Magen, Yizhak and Yuval Peleg, The Qumran Excavations 1993–2004: Preliminary Report (Judea & Samaria Publications 6; Jerusalem: Israel Antiquities Authority, 2007), 7.
- ↑ Stegemann, Hartmut. "The Qumran Essenes: Local Members of the Main Jewish Union in Late Second Temple Times." Pages 83–166 in The Madrid Qumran Congress: Proceedings of the International Congress on the Dead Sea Scrolls, Madrid, 18–21 Marso 1991, Edited by J. Trebolle Barrera and L. Vegas Montaner. Vol. 11 of Studies on the Texts of the Desert of Judah. Leiden: Brill, 1992.
- ↑ Shanks, Hershel. ""An Interview with John Strugnell", Biblical Achaeology Review, July/Agosto 1994". Bib-arch.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-06. Nakuha noong 2010-10-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)