Mga daan sa Aserbayan
Ang mga daan sa Aserbayan ay ang pangunahing sistemang transportasyon sa bansang Aserbayan. Kalakip ang sistemang daambakal na isinasailalim sa pagbabago at hindi pa saklaw ang buong bansa lalo na sa mga bulubunduking lugar at ibang mga lugar na may masagabal na topograpiya, ang sistemang daan o lansangang bayan ay ang pinakamahalagang uri ng transportasyon sa bansa. Mahalaga ang gampanin nito kapuwa sa pambansa at pandaigdigang trapiko, dahil na rin sa pagiging isang mahalagang bansang panlulan.
Pangkalahatang buod
baguhinAng kabuuang haba ng sistemang daan sa Aserbayan ay humigit-kumulang 29,000 kilometro na naglilingkod sa kapuwang panloob na pangkargamentong trapiko at nagbibigay ng daan sa mga pangunahing lansangang pandaigdig. Ang unang makabago at patag na mga daan ay itinayo noong ika-19 na dantaon noong bahagi pa ito ng Imperyong Ruso. Sa pangkaramihan, nasa maayos ma kalagayan ang mga lansangan at kinakailangang ipaganda sa pandaigdigang pamantayan na pananaw upang magkaroon ng espasyo sa dumaraming panlulang trapiko. Ang mga pangunahin at pangkabukirang daan ay nasa kalunos-lunos na kalagayan at nasa apurahang pangangailangan ng pagsasaayos at pagpapanatili. Ang sistemang daan mula mga daanang pangkabukiran hanggang mga mabilisang daanan (motorways) ay kasalukuyang sumasailalim sa mabilisang pagbabago kalakip ng mga pagsasaayos at pagpapadugtong. Para sa bawat 1000 km² ng pambansang lupain, may habang 334 na kilometro ng mga daan.
Ayon sa ulat ng Global Competitiveness Index noong 2017-2018, nasa ika-36 na ranggo ang Aserbayan sa 137 mga bansa para sa kalidad (kalagayan at kalawakan) ng kaniyang imprastrakturang pandaan.[1]
Mga lansangan sa Aserbayan
baguhinAng sistemang lansangan ay may lapad na 4 na landas (2 sa bawat direksiyon) at inilawan sa mga lungsod ngunit hindi gaano sa mga bayan. Ang palatandaang panlansangan sa Aserbayan ay kulay bughaw at ipinakikita sa mga malaking titik ang mga lokasyon. Ang mga pangunahing lansangan sa bansa ay:
Mga mabilisang daanan
baguhinAng Aserbayan ay may kamakailang pinaunlad na sistema ng mga maraming landas na lansangan, na kasalukuyang palagian na pinalalawak. Ilan sa mga daang ito ay itinayo nang naaayon sa mga pamantayang pangmabilisang daanan, lalo na sa paligid ng pambansang kabisera na Baku. Ang karamihan sa mga lansangang ito ay binubuo ng mga lansangang pang-apatan, habang binubuo naman ng anim hanggang walong landas na mga lansangan ang ilang mga ruta sa loob at paligid ng Baku.
Palatandaan | Bilang | Ruta | Haba | Mga pandaigdigang bilang |
---|---|---|---|---|
M1 | Baku - Abşeron - Sumqayıt - Xızı - Siyəzən - Şabran - Quba - Qusar - Xaçmaz - Rusya | 205 km | ||
M2 | Baku - Tovuz - Georgia | 507 km | ||
M3 | Ələt - Salyan - Lənkəran - Astara - Iran (Astara) | 311 km | ||
M4 | Baku - Şamaxı - Ağsu - Göyçay - Ağdaş | 253 km | ||
M5 | Yevlax - Şəki - Zaqatala - Balakən | 184 km | ||
M6 | Hajiqabul - Şirvan - Bəhramtəpə - Horadiz - Zəngilan - Armenya (nakasara) | 290 km | ||
M7 | Nakhchivan - Babək - Kəngərli - Şərur - Sədərək - Turkiya | 81 km | ||
M8 | Culfa - Ordubad - Armenya (nakasara) | 89 km |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Quality of roads". World Economic Forum. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-05. Nakuha noong 2018-06-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang artikulong ito ay nagsasama ng materyal na nasa dominyong publiko mula sa mga websayt o mga dokumento ng {{{ahensiya}}}.