Mga estado ng nagkrusada

Ang mga estado ng nagkrusada[1] ang isang bilang ng karamihang ika-12 at ika-13 siglo CE na mga estadong piyudal na nilikha ng mga Kanluraning Europeong nag-krusada sa Asya menor, Gresya at Banal na Lupain at noong Mga Krusadang Hilagaan sa silanganing rehiyong Baltiko. Ang pangalang ito ay tumutukoy rin sa ibang mga nakamit na teritoryo na kadalasan ay maliit at sandaling umiral na ginawa ng mga mediebal na Sangkakristiyanuhan laban sa mga kaaway na Muslim at Pagano.

Ang Malapit na Silangan noong 1135. Ang mga estado ng nagkrusada ay minarkhan ng mga pulang krus.
Ang Asya Menor at mga estado ng nagkrusada c. 1140

Mediterraneo

baguhin

Levant

baguhin

Ang unang apat na mga estado ng nagkrusada ay nilikha sa Levant sa sandaling pagkatapos ng Unang Krusada:

Ang Kahariang Armenian ng Cilicia ay mga pinagmulan bago ang mga krusada ngunit pinagkalooban ng katayuan ng isang kaharian ni Papa Inosente III at kalaunan ay naging buong kanluranin ng dinastiyang Pranses na Lusignan.

Cyprus

baguhin

Noong Ikatlong Krusada, itinatag ng mga nagkrusada ang Kaharian ng Cyrpus. Sinakop ni Richard pusongleon ang Cyprus sa kanyang pagtungo sa Banal na Lupain. Kanyang kalaunang ibinenta ang isla sa mga Kabalyerong Templar na hindi nagawang panatilihin ang paghawak dahil sa kawalan ng mapagkukunan at mapanagpang na saloobin tungo sa lokal na populasyon na humantong sa sunod sunod na mga paghihimagsik. Ang mga Templar ay bumalik sa isla kay Richard na muling ibinenta ito sa natanggal na Hari ng Herusalem na si Guy ng Lusignan noong 1192. Nagtatag si Guy ng isang dinastiya na tumagal hanggang 1489 nang ang balo ni Haring Santiago III ang Bastardo, na si Reyna Catherine Conrano na katutubo ng Venice ay isinuko ang kanyang trono para sa Republiko ng Venice na nagdagdag sa teritoryo nito ang isla. [2] Sa karamihan ng kasaysayan nito sa ilalim ng mga haring Lusignan, ang Cyprus ay isang masaganang Kahariang Mediebal na isang pangkalakalang hub ng Kanluraning sangkakristiyanuhan sa Gitnang Silangan.[3] Ang pagbagsak ng Kaharian ng nagsimula nang ito ay masangkot sa alitan sa pagitan Italyanong Mangangalakal na Republika ng Genoa at Vencie. Ang pamumunong Venetian ng Cyprus ay tumagal ng higit sa 80 taon hanggang 1571 nang sakupin ng Imperyong Ottoman sa ilalim ni Sultan Selim II Sarkhosh ang buong isla.

Sa mga Balkan

baguhin
 
Ang Imperyong Latin, mga basalyo nito at mga estadong kahaliling Griyego, ca. 1204

Pagkatapos ng Ikaapat na Krusada, ang mga teritoryo ng Imperyong Byzantine ay nahati sa ilang mga estado na nagpasimula ng tinatawag na panahong "Frangokratia" (Griyego: Φραγκοκρατία):

Sa mga Baltika

baguhin
 
Ang mga estado ng hilagaang nagkrusada. 1410

Sa rehiyong Baltiko, ang mga katutubong tribo ng Gitnang Panahon sa simula ay tumatakwil sa Kristiyanismo. Noong 1193, hinimok ni Papa Celestino III ang isang krusada laban sa mga pagano na kinabibilangan ng mga Lumang Prusyano, mga Lithuanian, at iba pang mga tribong naninirahan sa Estonia, Latvia, at Silangang Prusya. Ang panahong ito ng digmaan ay tinatawag na Mga Krusada sa Hilagaan. Pagkatapos ng mga krusadang ito, nilutas ni William ng Modena bilang legato ng papa ang mga alitan sa pagitan ng mga nagkrusada sa Livonia at Prusya.

  1. Archbishopric of Riga,
  2. Bishopric of Courland,
  3. Bishopric of Dorpat,
  4. Bishopric of Ösel-Wiek,
  5. Ang mga lupain ng Livonian Brothers of the Sword.
  • Ang mga lupaing Estonian na kinontrol ng mga nagkrusadang Danish ay idinagdag sa Denmark bilang
  1. Duchy of Estonia[4] until it was ceded to the Teutonic Order state in 1346.
  • Sa rehiyong Prusyano, hinati ni William ng Modena ang mga lupain sa pagitan ng mga Kabalyerong Teutoniko at Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng paglikha ng 5 na prinsiper- Bishopric sa ilalim ng Archbishopric ng Riga:
  1. Bishopric of Culm,
  2. Bishopric of Pomesania,
  3. Bishopric of Ermland,
  4. Bishopric of Samland.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Edbury P.W., The Kingdom of Cyprus and the Crusades 1191 - 1374, Cambridge University Press (1991)
  2. Edbury P.W., The Kingdom of Cyprus and the Crusades 1191 - 1374, Cambridge University Press (1991)
  3. Edbury P.W., The Kingdom of Cyprus and the Crusades 1191 - 1374, Cambridge University Press (1991)
  4. High medieval rural settlement in Scandinavia; The Cambridge History of Scandinavia By Knut Helle; p. 269 ISBN 0-521-47299-7