Mga konsehong Budista
Ang mga talaan at bilang ng mga Konsehong Budista ay iba iba sa pagitan at kahit sa loob ng mga eskwela ng Budismo. Ang pagbibilang dito ay normal sa mga kasulatang Kanluranin.
Unang Konsehong Budista (c. 400 BK)
baguhinAyon sa mga kasulatan ng lahat ng mga eskwela ng Budismo, ang unang Konsehong Budista ay agad na idinaos pagkatapos ng mahaparinirvana ng Buddha na pinetsahan ng karamihan ng mga kamakailang Iskolar noong mga 400 Bk sa ilalim ng patronahe ni Haring Ajatasatru na pinangasiwaan ng mongheng si Mahakasyapa sa mga kuwebang Sattapani (ngayong Rajgir). Ang layunin nito ay ingatan ang mga kasabihan ni Buddha (mga sutta) at ang disiplinang monastriko o mga patakaran (Vinaya). Ang mga sutta ay binigkas ni Ananda at ang Vinaya ay binigkas ni Upali. Ayon sa ilang mga sanggunian, ang Abhidhamma Pitaka o ang matika nito ay isinama rin. Ang Sangha ay gumawa rin ng ng kasunduang pasya na ingatan ang lahat ng mga patakaran ng Vinaya kahit ang mga maliliit na mga patakaran.
Ikalawang Konsehong Budista (c. ika-4 na siglo BK)
baguhinAng makasaysayang mga tala para sa kung tawagi'y Ikalawang Konsehong Budista ay pangunahing hinango sa mga kanonikal na Vinaya ng mga iba't ibang paaralan. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga salaysay na ito ay matatagpuan sa wakas ng bahaging Skandhaka ng Vinaya. Bagaman may mga hindi pagkakaayon sa mga punto ng mga detalye, sila ay sumasangayon sa mga tinatayang sumusunod.
Noong mga 100 o 110 taon pagkatapos ng Nirvana ni Budda, napansin ng mongheng tinatawag na si Yasa sa kanyang pagdalaw sa Vesālī ang isang bilang ng mga maluwag na kasanayan sa mga lokal na monghe. Ang isang talaan ng mga 10 punto ay ibinigay: Ang pinakamahalga ng mga mongheng Vesālī na si Vajjiputtakas ay umayon sa pagtanggap ng salapi. Ang malaking kontrobersiya ay sumiklab ng tumangging sundin ni Yasa ang kasanayang ito. Siya ay nilitis ng mga Vajjiputtaka at nagtanggol sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsipi sa publiko ng isang bilang ng mga talatang kanonikal na kumokondena sa paggamit ng salapi ng mga monastiko. Sa pagnanais na lutasin ang bagay na ito, kanyang tinipon ang suporta mula sa mga monghe ng ibang mga rehiyon na pangunahin sa kanluran at timog. Ang isang pangkat ay umayon na pumunta sa Vesāli upang lutasin ito. Pagkatapos ng malaking pagmamaniobra, ang isang pagpupulong ay idinaos na dinaluhan ng mga 700 monghe. Ang konseho ng walo ay hinirang upang isaalang-alang ang bagay. Ito ay binuo ng apat na mga lokal at apat na mga 'kanluranin'. Ang bawat mga 10 punto ay tinukoy sa mga alinsunuran. Natagpuan ng komite ang laban sa mga mongheng Vajjiputtaka. Kanilang itinanghal ang kanilang natagpuan sa kapulungan na nakasundong umayon. Ang halos lahat ng mga skolar ay umaayon na ang Ikalawang Konsehong Budista ay isang pangyayaring historikal.[1]
Ikatlong Konsehong Budista (c. 247 BK)
baguhinSalungat sa nagkakaisang mga salaysay ng Ikalawang Konsehong Budista, may mga rekord ng ilang posibleng mga Ikatlong Konsehong Budista. Ayon sa mga komentaryo at kronikang Theravāda, ang Ikatlong Konsehong Budista ay tinipon ng Hari ng Imperyong Maurya na si Ashoka sa Pātaliputra (ngayong Patna, India) sa ilalim ng pamumuno ng mongheng si Moggaliputta Tissa. Ang layunin nito ay dalisayin ang kilusang Budismo partikular na mula sa mga oportunistikong paksiyon na naakit ng pagtangkilik ng maharlika. Tinanong ng hari ang mga pinagsususpetsahang mga monghe kung ano ang itinuro ni Buddha at kanilang inangking kanyang itinuro ang mga pananaw gaya ng eternalismo at iba pa na kinondena sa kanonikal na Brahmajala Sutta. Kanyang tinanong ang mga walang bahid na monghe at sila'y tumugon na si Buddha ay isang "Guro ng Pagsusur" (Vibhajjavādin) na sagot na kinumpirma ni Moggaliputta Tissa. Binigkas pang muli ng Konseho ang mga kasulatang Budista na nagdadagdag sa kanon ang sariling aklat ni Moggaliputta Tissa na Kathavatthu na isang talakayan ng mga iba't ibang magkakasalungat na mga pananaw Budista na nilalaman ngayon sa Theravāda Abhidhamma Pitaka. Ang mga emisaryong Budista ay ipinadala rin sa iba't ibang mga bansa upang palaganapin ang Budismo hanggang sa mga kahariang Griyego sa Kanluranin (sa partikular an kapitbahay na Kahariang Greko-Baktriyano) at posibleng mas malayo pa rito ayon sa mga inskripsiyong iniwan ng mga haliging bato ni Ashoka.[2]
Ang sariling Dipavamsa ng Theravāda ay nagbanggit ng ibang Konsehogn tinawag na Dakilang Pagbigkas (Mahāsangiti) na idinaos ng mga nirepormang Vajjiputtaka pagkatapos ng kanilang pagkatalos sa Ikalawang Konsehong Budista. Binatikos ng Dipavamsa ang mga Mahasangitika na kapareho ng mga Mahasanghika sa pagtakwil sa mga iba't ibang teksto bilang hindi kanonikal: ang [Vinaya] Parivāra; ang anim na aklat ng Abhidhamma; ang Patisambhida; ang Niddesa; bahagi ng mga Jataka; at ilang mga talata (Dipavamsa 76, 82).
Ayon sa Mahāsanghika sa Sāriputraparipriccha, may pagtatangka na hindi nararapat na na palawigin ang lumang Vinaya. Ang sariling vinaya ng mga Mahasanghika ay nagbibigay ng parehong salaysay ng Ikalawang Konsehong Budista gaya ng iba. Ang isang buong ibang salaysay ng mga pinagmulan ng Mahāsanghika ay matatagpuan sa mga akda ng pangkat ng mga eskwelang Sarvāstivāda. Isinaad ng Vasumitra ang isang alitan sa Pātaliputra sa panahon ni Ashoka tungkol sa limang mga limang puntong eretikal: na ang Arahant ay maaaring magkaroon ng paglalabas sa gabi, na maaari itong magdudua, na maaring magturo sa isa pa, na maaaring magkaroon ng kulang na kaalaman, na ang landas ay mapupukaw sa pagtangis ng "Anong pagdurusa!". Ang mga parehong puntong ito ay tinalakay at kinondena sa Kathavatthu ni Moggaliputta Tissa ngunit walang pagbanggit ng Konsehong ito sa mga sangguniang Theravadin. Ang kalaunang Mahavibhasa ay nagpaunlad ng kuwentong ito sa isang pagdudungis na kampanya laban sa tagapagtatag ng Mahasanghika na tinukoy nito bilang ang "Mahadeva". Ang bersiyong ito ay nagbibigay diin sa kadalisayan ng mga Kasmiri Sarvastivadin na inilarawan bilang nagmula mula sa mga arahant na tumakas sa paguusig sanhi ni Mahadeva.
Ikaapat ng Konsehong Budista
baguhinSa panahon ng mga Ikaapat ng mga konsehong Budista, ang Budismo ay nagkahati na sa mga iba't ibang eskwla. Ang Theravada ay nagdaos ng Ikaapat na Konsehong Budista noong unang siglo BCE sa Tambapanni, i.e. Sri Lanka sa Aloka Lena ngayong Alu Vihara noong panahon ni Haring Vattagamani-Abaya. Gayunpaman, dapat liwanagin na ang isang hindi-kilalang lokal na hepe ang nagbigay ng pagtangkilik at hindi ang hari dahil siya ay isang tagasunod ng eskwelang Abayagir (isang sektang Mahayana). Ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagdadaos ng konsehong ito ang malupit na patakaran ng hari laban sa mga saserdoteng Mahavihara na mga Theravadian na minsang inatake sa mga premisa ng Mahavihara na pumatay ng marami at nagpatalsik sa iba pa. Ang templo ay winasak at sa lugar nito ay itinayo ang isang templong Mahayana. Ang ibang mga panguanahing dahilan ang mga hindi matatag na sitwasyon sa politika sa bansa sanhi ng mga patuloy na pananakop na nagtulak sa mismong hari na tumakas ng ilang beses at isang malalang taggutom. Sinasabing ito ay itinalaga sa pagsusulat ng buong kanon na Pali na nakaraang iningatan sa memorya.
Konsehong Budistang Theravada noong 1871 (Ikalimang Konsehong Budista)
baguhinAng konsehong ito ay pinangasiwaan ng mga mongheng Theravada na idinaos sa Mandalay, Burma noong 1871 sa paghahari ni Haring Mindon. Ang panguanhing layuin nito ay bigkasin ang lahat ng mga katuruan ni Buddha at siyasatin sa detalye kung may anuman sa mga ito ang mababago, maliliko o maalis. Ito ay pinangasiwan ng tatlong mga Nakatatanda, ang Kagalang-galang na si Mahathera Jagarabhivamsa, ang Kagalang-galang na si Narindabhidhaja at ang Kagalang-galang na si Mahathera Sumangalasami kasama ng mga 2,400 monghe. Ang kanilang pinagsamang pagbigkas na Dhamma ay tumagal ng mga limang buwan. Inaprobahan rin ng konseho ang pagsusulat ng buong Tripitaka sa 729 slab ng marmol sa sulat Birmano bago ang pagbigkas nito.[3]
Konsehong Budistang Theravada noong 1954 (Ikaanim na Konsehong Budista)
baguhinAng Ikaanim na Konsehong Budista ay idinaos sa Kaba Aye sa Yangon (dating Rangoon) noong 1954, 83 taon pagkatapos idaos ang ikalimang konsehong Budista. Ito ay inisponsoran ng pamahalaan ng Burma na pinangunahan ng Punong Ministrong si U Nu. Kanyang binigyang autorisasyon ang pagtatayo ng Maha Passana Guha na "dakilang kuwebang" artipisyal na kuweba tulad ng Kuwebang Sattapanni sa India kung saan idinaos ang unang konsehong Budista. Sa pagkakabuo nito, ang konseho ay nagpulong noong 17 Mayo 1954. Gaya ng mga nakaraang konseho, ang unang layunin nito ay pagtibayin at ingatan ang tunay na Dhamma at Vinaya. Ito ay natatangi dahil ito ay nilahukan ng mga monghe mula sa 8 bansa.