Mga teritoryong sinasakop ng Israel

Sinakop ng Israel ang mga teritoryong Palestino at ang Talampas ng Golan mula noong Anim na Araw na Digmaan noong 1967. Sinakop din nito noon ang Tangway ng Sinai at katimugang Lebanon. Bago ang tagumpay ng Israel sa Anim na Araw na Digmaan, ang pananakop sa mga teritoryong Palestino ay nahati sa pagitan ng Ehipto at Jordan, kung saan ang una ay sinakop ang Piraso ng Gaza at ang huli ay sinakop ang Kanlurang Pampang; ang Tangway ng Sinai at ang Talampas ng Golan ay nasa ilalim ng soberanya ng Ehipto at Syria, ayon sa pagkakabanggit. Ang unang pinagsama-samang paggamit ng mga terminong "sinakop" at "mga teritoryo" patungkol sa Israel ay nasa Resolusyon 242 ng Konseho ng Seguridad ng mga Nagkakaisang Bansa, na binuo pagkatapos ng Anim na Araw na Digmaan at nanawagan para sa: "ang pagtatatag ng isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Gitnang Silangan" na makakamit sa pamamagitan ng "paglalapat ng parehong mga sumusunod na prinsipyo: ... Pag-alis ng mga armadong puwersa ng Israel mula sa mga teritoryong inookupahan sa kamakailang labanan ... Pagwawakas ng lahat ng mga pag-aangkin o estado ng pakikipaglaban at paggalang sa at pagkilala sa soberaniya, integridad ng teritoryo at kalayaang pampolitika ng bawat Estado sa lugar at ang kanilang karapatang mamuhay nang payapa sa loob ng ligtas at kinikilalang mga hangganan na walang mga pagbabanta o puwersa."

Mapa na nagpapakita ng katayuan ng Israel at ang mga teritoryong sinakop ng Israel Magmula noong 2018

Mula 1967 hanggang 1981, ang apat na lugar ay pinangangasiwaan sa ilalim ng Gobernasyong Militar ng Israel at tinukoy ng mga Nagkakaisang Bansa (UN) bilang "Inookupahang Teritoryong Arabe".[1] Ang Gobernasyong Militar ng Israel ay binuwag noong 1981, dalawang taon pagkatapos ng Kasunduang pangkapayapaang Ehipto-Israel na nakitang kinilala ng Ehipto ang Israel at ibinalik ng Israel ang Tangway ng Sinai sa Ehipto. Pagkatapos ng kasunduan sa Ehipto, epektibong isinama ng Israel ang Talampas ng Golan sa Hilagang Distrito nito sa pamamagitan ng Batas sa Talampas ng Golan, at dinala ang Kanlurang Pampang at Piraso ng Gaza sa ilalim ng Administrasyong Sibil ng Israel.[2] Sa kabila ng pagbuwag ng pamahalaang militar, at alinsunod sa mga kahilingan ng Ehipto, ang terminong Inookupahang Teritoryong Arabe ay nanatiling ginagamit, na tumutukoy sa Kanlurang Pampang (kabilang ang Silangang Herusalen, na epektibong sinanib ng Israel noong 1980), ang Piraso ng Gaza, at ang Talampas ng Golan. Mula 1999 hanggang unang bahagi ng 2013, ang terminong "Inookupahang Teritoryong Palestino" ay ginamit upang tukuyin ang mga teritoryo na kinokontrol ng pansamantalang namumunong katawan ng Estado ng Palestina, ang Pambansang Palestinong Awtoridad (PNA), sa Kanlurang Pampang at Piraso ng Gaza.

Itinuturing ng Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan (ICJ),[3] ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa,[4] at ng Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa ang Israel bilang ang sumasakop sa kapangyarihan para sa mga teritoryo.[5] Tinawag ni Natatanging Relator ng Nagkakaisang Bansa na si Richard Falk ang pananakop ng Israel na "isang pagsuway sa batas pandaigdig".[6] Ang Korte Suprema ng Israel ay nagpasya na ang Israel ay humahawak sa West Bank sa ilalim ng "mapanlaban na pananakop".[7] Ayon sa Ulat Sasson, ang Korte Suprema ng Israel, na may iba't ibang mga mahistrado na nakaupo, ay paulit-ulit na nagpahayag sa loob ng higit sa apat na dekada na ang batas pandaigdig ay nalalapat sa presensiya ng Israel sa Kanlurang Pampang.[8] Gayunpaman, ginusto ng sunud-sunod na mga pamahalaang Israeli ang terminong "mga pinagtatalunang teritoryo" sa kaso ng Kanlurang Pampang,[9][10] at pinaninindigan din ng Israel na ang Kanlurang Pampang ay pinagtatalunang teritoryo.[11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Carter Says Error Led U.S. to Vote Against Israelis "President Carter said last night that, because of a foulup, the United States incorrectly voted Saturday for a United Nations resolution calling on Israel to dismantle its settlements in occupied Arab territories."
  2. "The situation in the occupied Arab territories" (PDF).
  3. "Legal Consequences of the Construction of a Wall in the Occupied Palestinian Territory". International Court of Justice. 9 Hulyo 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Setyembre 2015. Nakuha noong 2012-04-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Israeli settlements in the Occupied Palestinian Territory, including East Jerusalem, and the occupied Syrian Golan". United Nations Information System on the Question of Palestine. 2012-12-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-10. Nakuha noong 2012-04-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Controversial UN expert: If talks fail, Hague should opine on Israel". The Times of Israel.
  6. "Controversial UN expert: If talks fail, Hague should opine on Israel". The Times of Israel.
  7. Beit Sourik Village Council v. The Government of Israel. (PDF) . Retrieved on April 4, 2017.
  8. Zarchin, Tomer (Hulyo 9, 2012). "Legal Expert: If Israel Isn't Occupying West Bank, It Must Give Up Land Held by IDF". Haaretz. Nakuha noong Marso 12, 2017. 'If the Levy Committee is pushing the government to determine that Israel's presence in the West Bank does not violate international law, Israel is in a dangerous position facing the rest of the world,' said Sasson this morning to Haaretz. ... 'For 45 years, different compositions of the High Court of Justice stated again and again that international law applies to the West Bank, which is clearly opposed to Levy's findings. This is a colossal turnaround, which I do not think is within his authority. He can tell the government that he recommends changing legal status, and that's all,' said Sasson.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. FAQ: The Peace process with the Palestinians – Dec 2009. Mfa.gov.il. Retrieved on 2012-01-15.
  10. From "Occupied Territories" to "Disputed Territories," by Dore Gold Naka-arkibo 2011-07-09 sa Wayback Machine.. Jcpa.org. Retrieved on 2012-01-15.
  11. "Israel, the Conflict and Peace: Answers to frequently asked questions". Israel Ministry of Foreign Affairs. 2009-12-30. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-19. Nakuha noong 2015-01-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)