Mga teritoryong Palestino

(Idinirekta mula sa Teritoryong Palestino)

Ang mga teritoryong Palestino ay ang dalawang rehiyon ng dating Britanikong Mandato para sa Palestina na sinakop ng Israel mula noong Anim na Araw na Digmaan noong 1967, katulad ng Kanlurang Pampang (kabilang ang Silangang Herusalen) at ang Piraso ng Gaza. Tinukoy ng Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan (ICJ) ang Kanlurang Pampang, kabilang ang Silangang Herusalen, bilang "ang Sinasakupang Teritoryong Palestino", at ang terminong ito ay ginamit bilang legal na kahulugan ng ICJ sa mapagpayong opinyon nito noong Hulyo 2004.[7][8] Ang terminong sinasakop na teritoryong Palestino ay ginamit ng Nagkakaisang Bansa at iba pang organisasyong pandaigdigan sa pagitan ng Oktubre 1999[9] at Disyembre 2012 upang tukuyin ang mga lugar na kinokontrol ng Pambansang Palestinong Awtoridad, ngunit mula 2012, nang ang Palestina ay tinanggap bilang isa sa mga tagamasid na hindi miyembro nito, ang mga Nagkakaisang Bansa ay nagsimulang gumamit ng eksklusibong pangalang Estado ng Palestina.[10][11][12][13] Ginagamit din ng Unyong Europeo (EU) ang terminong "sinasakop na teritoryong Palestino".[14][15] Ang gobyerno ng Israel at ang mga tagasuporta nito ay, sa halip, gumagamit ng katagang "mga pinagtatalunang teritoryo".[16]

Mga teritoryong Palestino
الأراضي الفلسطينية
al-Arāḍī al-Filasṭīniyya
Location of Mga teritoryong Palestino
Palestinian territories according to a Green Line based definition
Palestinian territories according to a Green Line based definition
Pinakamalaking cities
Mga wika
Pangkat-etniko
Katawagan
Lawak
• Kabuuan
6,220 km2 (2,400 mi kuw)
• Katubigan (%)
3.5
5,860 km2[1]
(of which Dagat Patay: 220 km2)
360 km2[2]
Populasyon
• Palestinians (2016)
4,816,503[3]
• Settlers (2012)
564,000[5]
• Senso ng 2007
3,719,189 (Pal.)[3][4]
• Densidad
654[4]/km2 (1,693.9/mi kuw)
TKP (2010)0.645[6]
katamtaman · 97th
Salapi
Sona ng orasUTC+2 (EET)
• Tag-init (DST)
UTC+3 (EEST)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+970d
Kodigo sa ISO 3166PS
Internet TLD
  1. Ginagamit sa Piraso ng Gaza simula 1951.
  2. Ginagamit simula 1985.
  3. Ginagamit sa Kanlurang Pampang simula 1950.
  4. +972 also used.

Ang Piraso ng Gaza at ang Kanlurang Pampang ay sinakop ng Ehipto at Jordan, ayon sa pagkakabanggit, mula noong Digmaang Arabe-Israeli ng 1948 hanggang sa Anim na Araw na Digmaan ng 1967. Sinakop ng Israel ang Kanlurang Pampang at ang Piraso ng Gaza noong 1967 at mula noon ay napanatili ang kontrol. Noong 1980, opisyal na sinakop ng Israel ang Silangang Herusalen at ipinahayag ang buong lungsod bilang kabesera nito. Ang pagsasama, bagaman hindi pormal na katumbas ng legal na pagsasanib, ay kinundena sa buong mundo[17] at idineklara na "walang bisa" ng Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa.[18] Ang Pambansang Awtoridad ng Palestina, ang mga Nagkakaisang Bansa, [19] ang mga internasyonal na legal at makataong mga samahan[20][21] at ang pandaigdigang pamayanan[22][23] ay itinuturing ang Silangang Herusalen bilang bahagi ng Kanlurang Pampang, at dahil dito ay bahagi ng Teritoryong Palestino. Ang Pambansang Awtoridad ng Palestina ay hindi kailanman nagpairal ng soberaniya sa lugar, bagaman inilagay nito ang mga tanggapan nito sa Bahay Oriente at ilang iba pang mga gusali bilang paggigiit ng mga interes nito sa soberaniya.[24][25] Ang soberaniya ng Israel sa Silangang Herusalen ay hindi kinikilala ng pandaigdigang komunidad, sa kadahilanang ang makaisang-panig na pagsasanib ng teritoryong sinakop sa panahon ng digmaan ay sumasalungat sa Ikaapat na Kumbensiyong Ginebra.[26][27] Ang halaga ng pananakop para sa Israel sa loob ng apat na dekada (1967–2007) ay tinatayang aabot sa $50 bilyon.[28] Tinatantya ng Bangkong Pandaigdig ang taunang gastos noong 2013 sa ekonomiya ng Palestina ng pananakop ng Israel sa $3.4 bilyon.[29]

Noong 1988, sa intensiyon ng Samahan ng Pagpapalayang Palestino (PLO) na magdeklara ng isang Estado ng Palestina, tinalikuran ng Jordan ang lahat ng pag-angkin sa teritoryo sa Kanlurang Pampang, kabilang ang Silangang Herusalen.[30] Noong 1993, kasunod ng Kasunduang Oslo, ang mga bahagi ng mga teritoryo sa politika ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Pambansang Palestinong Awtoridad (mga engklabong Palestino, teknikal na kilala bilang Lugar A at B). Ginamit pa rin ng Israel ang buong kontrol sa militar at, kontrol ng sibil sa 61% ng Kanlurang Pampang (Lugar C). Itinatag ng Kasunduang Oslo ang daan patungo sa dagat para sa Gaza sa loob ng 20 nawtikong milya mula sa baybayin. Sa konteksto ng salungatan sa Gaza–Israel, binawasan ito sa 12 milya (19 km) buhat ng Pamamanata sa Berlin ng 2002. Noong Oktubre 2006, nagpataw ang Israel ng 6-milya na limitasyon, at sa pagtatapos ng Digmaang Gaza ng 2008-2009 ay pinaghigpitan ang pagpunta sa isang 3-nautikong milyang limitasyon, na lampas kung saan ang isang sonang bawal puntahan (no-go zone) ay umiiral. Bilang kinalabasan, noong 2012 higit sa 3,000 Palestinong mangingisda ang pinagkaitan ng pagpunta sa 85% ng mga pandagat na lugar na napagkasunduan noong 1995.[31] Ang karamihan sa lugar ng Dagat Patay ay hindi limitado sa Palestinong paggamit, at ang mga Palestino ay pinagkakaitan ng pagpunta sa baybayin nito.[32]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "CIA – The World Factbook". Central Intelligence Agency. Nakuha noong 28 Nobyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "CIA – The World Factbook". Central Intelligence Agency. Nakuha noong 28 Nobyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Estimated Population in the Palestinian Territory Mid-Year by Governorate, 1997–2016". State of Palestine Central Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Hunyo 2014. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Palestinian Central Bureau of Statistics (PCBS). On the Eve of International Population Day 11/7/2009" (PDF). pcbs.gov.ps. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 20 Enero 2017. Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang PCBS_settlements_2012); $2
  6. "Human Development Reports" (PDF). Human Development Reports. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Nobyembre 2011. Nakuha noong 2016-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Archived copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 6 Hulyo 2010. Nakuha noong 2010-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Ben-Naftali, Orna; Gross, Aeyel M.; Michaeli, Keren (2005). "Illegal Occupation:Framing the Occupied Palestinian Territory". Berkeley Journal of International Law. 23 (3): 552. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2017. Nakuha noong 9 Oktubre 2018. "gradually substituting the terms....Palestinian occupied territories{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "RE: Inclusion of new country name and code elements" (PDF). International Organization for Standardization. 22 Hulyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 22 Hulyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Le More, Anne (2008). International assistance to the Palestinians after Oslo: political guilt, wasted money. Routledge studies on the Arab-Israeli conflict. Bol. 1. London and New York: Routledge. p. 27. ISBN 978-0-415-45385-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "December Overview" (PDF). UNOCHA. Disyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Pebrero 2010. Nakuha noong 3 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Israeli practices affecting the human rights of the Palestinian people in the Occupied Palestinian Territory, including East Jerusalem: Report of the Secretary-General (UN Doc. A/71/364)". United Nations. 30 Agosto 2016. Nakuha noong 29 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Le More, Anne (2008). International assistance to the Palestinians after Oslo: political guilt, wasted money. Routledge studies on the Arab-Israeli conflict. Bol. 1. London and New York: Routledge. p. 29. ISBN 978-0-415-45385-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "European Union, Trade in goods with Occupied Palestinian Territory" (PDF). European Commission / Directorate-General for Trade. 4 Nobyembre 2016. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2019-05-28. Nakuha noong 29 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Council conclusions on the Middle East Peace Process". Council of the European Union. 18 Enero 2016. Nakuha noong 29 Nobyembre 2016. The Council highlights the importance of unhindered work of civil society both in Israel and the occupied Palestinian territory and follows recent developments in this regard with concern.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Occupied Territories or Disputed Territories?". Jerusalem Center for Public Affairs. Nakuha noong 27 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Jonathan Kuttab; Claude Klein (2000). "5. Access to Jerusalem and the Holy Places". Jerusalem:Points Beyond Friction and Beyond. Kluwer Law International. p. 68. ISBN 9041188436.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Barahona, Ana (2013). Bearing Witness – Eight weeks in Palestine. London: Metete. p. 12. ISBN 978-1-908099-02-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Resolution 446, Resolution 465, Resolution 484, among others
  20. "Legal Consequences of the Construction of a Wall in the Occupied Palestinian Territory". International Court of Justice. 9 Hulyo 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Agosto 2007. Nakuha noong 27 Setyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Conference of High Contracting Parties to the Fourth Geneva Convention: statement by the International Committee of the Red Cross". International Committee of the Red Cross. 5 Disyembre 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2011. Nakuha noong 27 Setyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Applicability of the Geneva Convention relative to the Protection of Civilian Persons in Time of War, of 12 August 1949, to the Occupied Palestinian Territory, including Jerusalem, and the other occupied Arab territories". United Nations. 17 Disyembre 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2007. Nakuha noong 27 Setyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "EU-Settlements Watch" (PDF). 1 Pebrero – 31 Hulyo 2002. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2009-09-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Shlomo Slonim, Jerusalem in America's Foreign Policy: 1947–1997, Martinus Nijhoff Publishers, 1998 pp.332–333.
  25. Menachem Klein, ['Jerusalem: The Contested City,'] C. Hurst & Co. Publishers, 2001 pp.189ff.
  26. Korman, Sharon (31 Oktubre 1996). The Right of Conquest: The Acquisition of Territory by Force in International Law and Practice. Clarendon Press. ISBN 9780191583803 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Dugard, John (1987). Recognition and the United Nations. Cambridge: Grotius Publications Limited. pp. 111–115. ISBN 0-521-46322-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. 'Cost of occupation – over $50 billion,' Ynet, 9 June 2007
  29. 'Occupation costs Palestinians 'billions',' Al Jazeera, 9 October 2013
  30. Human Rights Watch, 1 February 2010; Stateless Again – II.
  31. 'Gaza in 2020: A liveable place?', UNRWA, August 2012
  32. 'Humanitarian Fact Sheet on the Jordan Valley and the Dead Sea Area,' Naka-arkibo 7 November 2012 sa Wayback Machine. OCHA, February 2012.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/> tag para rito); $2