Miguel Ángel Asturias
Si Miguel Angel Asturias Rosales (Oktubre 19, 1899 - Hunyo 9, 1974) ay isang diplomatikong-manunula, nobelista, mandudula, at mamamahayag na nagwagi ng Gantimpalang Nobel. Nakatulong si Asturias sa pagtatag ng kontribusyon ng panitikang Amerikang Latino sa pangunahing kalinangan ng mga bansang Kanluranin, at kasabay nito ay ang pagbibigay-pansin sa kahalagahan ng mga katutubong kultura, lalo na sa mga mamamayang taga-Guatemala.
Miguel Ángel Asturias Rosales | |
---|---|
Kapanganakan | 19 Oktubre 1899
|
Kamatayan | 9 Hunyo 1974
|
Libingan | Sementeryo ng Père Lachaise |
Mamamayan | Guatemala |
Nagtapos | Université de Paris Unibersidad ng San Carlos de Guatemala |
Trabaho | makatà, manunulat, diplomata, mamamahayag, politiko |
Si Asturias ay ipinanganak at lumaki sa Guatemala bagaman siya ay nanirahan sa ibang bansa sa mga mahahalagang bahagi ng kanyang pang-adultong buhay. Siya ay unang nanirahan sa Paris noong dekada 1920 kung saan siya nag-aral ng etnolohiya. Tinuturing siya ng ilang mga iskolar bilang unang Amerika-Latinong nobelista na nagpakita kung paano maaaring maapektuhan ng pag-aaral ng antropolohiya at lingguwistika ang pagsusulat ng literatura.[1] Habang nasa Paris, si Asturias ay nauugnay din sa kilusan ng mga surrealismo, at siya ay kredito sa pagpapasok ng maraming mga tampok na modernismong istilo sa mga Amerikang Latino pagsusulat. Sa ganitong paraan, siya ay isang mahalagang pasimula ng pagpapausbong at pagpapalaganap ng Amerikang Latino ng mga dekadang 1960 at 1970.
Ang isa sa pinakasikat na mga nobela ni Asturias, ang El Señor Presidente, ay naglalarawan ng buhay sa ilalim ng walang-awang diktador. Dahil sa labis na pampublikong pagsalungat ni Asturias sa diktatoryal na panuntunan, humantong siya sa paggugol ng kanyang buhay sa pagkadesterado, sa Timog Amerika at sa Europa. Ang aklat na kung minsan ay inilarawan bilang kanyang obra maestra, Hombres de maíz, ay isang depensa ng kultura at kaugaliang pang-Mayan. Pinagsama ni Asturias ang kanyang malawak na kaalaman tungkol sa mga paniniwala ng Mayan, at kanyang mga paniniwala sa pulitika, na siyang naghatid ng mga ito sa isang buhay na pangako at pagkakaisa. Ang kanyang mga gawa ay madalas na nakikilala sa mga panlipunan at moral na mithiin ng mga taga-Guatemala.
Pagkalipas ng mga dekada ng pagkadesterado at marhinalisasyon, sa wakas ay nakuha ni Asturias ang malawak na pagkilala sa dekadang 1960. Noong 1966, nagwagi siya ng Gantimpalang Kapayapaang Lenin ng Unyong Sobyet. Nang sumunod na taon, siya ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel sa Literatura, at naging pangalawang Amerikano-Latinong manunulat na nakatanggap ng karangalang ito (ang nauna ay si Gabriela Mistral, noong 1945). Ginugol ni Asturias ang kanyang mga huling taon sa Madrid, kung saan siya namatay sa edad na 74. Siya ay inilibing sa sementeryo ng Père Lachaise sa Paris.
Talambuhay
baguhinKabataan at Edukasyon
baguhinSi Miguel Ángel Asturias ay isinilang sa lungsod ng Guatemala noong Oktubre 19, 1899. Siya ay panganay na anak nina Ernesto Asturias Girón, isang abogado at hukom, at María Rosales de Asturias, isang guro. Pagkalipas ng dalawang taon, ipinanganak ang kapatid niyang si Marco Antonio. Ang mga magulang ni Asturias ay tubong Espanyol, at makatwirang nakikilala: nasubaybayan ng kaniyang ama ang linya ng kanyang pamilya at napag-alamang ito ay pabalik sa mga kolonistang dumating sa Guatemala noong taong 1660; ang kanyang ina, na ang pinagmulan ay halong katutubo, ay anak na babae ng isang koronel. Noong 1905 at nasa anim na taong gulang ang manunulat na si Asturias ay lumipat ang kaniyang pamilya sa bahay ng mga lolo't lola niya, kung saan sila ay mas komportableng namuhay.[2]
Sa kabila ng kanilang mga pribilehiyo, sinasalungat ng tatay ni Asturias ang diktadura ni Manuel Estrada Cabrera, na namuno noong Pebrero 1898. Tulad ng naalaala ni Asturias, "Ang aking mga magulang ay pinag-usig, bagaman hindi sila nabilanggo o anumang uri".[3] Kasunod ng isang insidente noong 1904 kung saan, sa kanyang kapasidad bilang hukom, pinalaya ni Asturias Sr. ang ilang mga estudyante na inaresto dahil sa isang pagkagambala, nakipaglaban siya nang direkta sa diktador, nawala ang kanyang trabaho, at siya at ang kanyang pamilya ay napilitang lumipat noong 1905 sa bayan ng Salamá, ang kabisera ng kagawaran ng Baja Verapaz, kung saan nanirahan si Miguel Ángel Asturias sa bukid ng kanyang lolo't lola.[4] Dito unang nakilala ni Asturias ang mga katutubo ng Guatemala; ang kanyang nars, si Lola Reyes, ay isang kabataang katutubong nagbahagi sa kanya ng mga kuwento tungkol sa kanilang mga mito at mga alamat na sa kalaunan ay may malaking impluwensya sa kanyang mga gawain at sulatin.[5]
Nang si Asturias ay siyam na taong gulang noong 1908, ang kanyang pamilya ay bumalik sa mga arabal ng lungsod ng Guatemala. Dito sila nagtatag ng isang tindahan ng mga suplay kung saan ginugol ni Asturias ang kanyang pagbibinata.[6] Unang nag-aral si Asturias sa Colegio del Padre Pedro at pagkatapos ay sa Colegio del Padre Solís naman.[6] Nagsimula ang pagsusulat ni Asturias bilang isang estudyante at isinulat niya ang unang tungga ng isang kuwento na sa kalaunan ay naging kanyang nobela na El Señor Presidente.[7]
Noong 1922, itinatag ni Asturias at iba pang mga mag-aaral ang Popular University, isang proyektong pangkomunidad na kung saan "ang mga nakaririwasa ay hinihimok na mag-ambag sa pangkalahatang kapakanan ng pagtuturo ng mga libreng kurso sa mga salat sa buhay o mahihirap."[8] Si Asturias ay gumugol ng isang taon sa pag-aaral ng medisina bago lumipat sa pag-aaral ng abogasya sa Universidad de San Carlos de Guatemala sa Guatemala City.[9] Natapos niya ang kanyang kursong abogasya noong 1923 at nagwagi siya ng Gálvez Prize para sa kanyang sanaysay sa mga problema sa India.[4] Ipinagkaloob din kay Asturias ang Premio Falla dahil sa pagiging mahusay na estudyante ayon sa kanyang mga guro. Sa unibersidad na iyon, itinatag niya ang Asociación de Estudiantes Universitarios (Asosasyon ng mga Estudyante sa Unibersidad) at ang Asociación de estudiantes El Derecho (Asosasyon ng mga Mag-aaral ng Batas), bukod pa sa aktibong paglahok sa La Tribuna del Partido Unionista (Platform ng Partidong Unionista).[10] Ang ikalawang nabanggit na grupo ang nagdiskarilado ng diktadura ni Estrada Cabrera.[10] Ang parehong nabanggit na asosasyon na itinatag niya ay kinikilala naman bilang positibo na nauugnay sa patriyotismo sa Guatemala.[11] Sa larangan ng panitikan, ang paglahok ni Asturias sa lahat ng mga organisasyong ito ay nakaimpluwensya sa marami sa kanyang mga eksena sa El Señor Presidente.[10] Kaya naman si Asturias ay nasangkot sa pulitika; siya ay nagtrabaho bilang kinatawan ng Asociación General de Estudiantes Universitarios (Pangkalahatang Asosasyon ng mga Estudyante sa Unibersidad), at naglakbay sa El Salvador at Honduras para sa kanyang bagong trabaho. Noong 1920, nakilahok si Asturias sa pag-aalsa laban sa diktador na si Manuel Estrada Cabrera. Habang nag-aaral sa El Instituto Nacional de Varones (Ang Pambansang Institusyon para sa Kalalakihan), gumampan siya ng aktibong papel, tulad ng pag-oorganisa ng mga welga sa kanyang mataas na paaralan, sa pagbagsak ng diktadura ni Estrada Cabrera. Nilikha niya at ng kanyang mga kaklase ang kilala na ngayon na "La Generación del 20" (Ang Pagbuo ng 20).[12]
Ang pang-unibersidad na tesis ni Asturias na "Ang Problemang Panlipunan ng mga taga-India," ay inilathala noong 1923.[13] Matapos matanggap ang kanyang antas na abogasya sa parehong taon, si Asturias ay lumipat sa Europa. Una niyang binalak na manirahan sa Inglaterra at pag-aralan ang pampulitikang ekonomiya, ngunit nagbago ang kanyang isip.[9] Di-nagtagal, lumipat siya sa Paris, kung saan nag-aral siya ng etnolohiya sa Sorbonne (Unibersidad ng Paris) at naging isang dedikadong surrealista sa ilalim ng impluwensiya ng Pranses na makata at pampanitikang teorista na si André Breton.[14] Habang naroon, naiimpluwensyahan siya ng mga pagtitipon ng mga manunulat at maka-sining sa Montparnasse, isang lugar sa Paris, at nagsimula siyang magsulat ng mga tula at kathambuhay. Sa panahong ito, nagkaroon ng malalim na pagmamalasakit si Asturias para sa kulturang Mayan at noong 1925 ay nagtrabaho siya upang isalin ang banal na teksto ng Mayan, ang Popol Vuh, sa Espanyol, isang proyekto na kanyang ginugol sa loob ng apatnapung taon.[15] Nagtatag din siya ng magasin habang nasa Paris at ito ay pinamagatang Tiempos Nuevos o New Times.[16] Si Asturias ay nanatili sa Paris sa loob ng sampung taon.
Noong 1930, inilathala ni Asturias ang kaniyang unang nobelang pinamagatang “Leyendas de Guatemala”.[17] Pagkalipas ng dalawang taon sa Paris, si Asturias ay nakatanggap ng Sylla Monsegur Prize para sa pagsalin niya ng Leyendas de Guatemala sa wikang Pranses.[18] Noong ika-14 ng Hulyo, 1933, siya ay bumalik sa Guatemala pagkalipas ng sampung taon sa Paris.[19]
Mga Sanggunian
baguhin- Callan, Richard (1970). Miguel Angel Asturias. New York: Twayne. OCLC 122016.
- Carrera, Mario Alberto (1999). ¿Cómo era Miguel Ángel Asturias?. Guatemala: Editorial Cultura.
- Castelpoggi, Atilio Jorge (1961). Miguel Angel Asturias. Buenos Aires: La Mandrágora.
- Franco, Jean (1989). "Miguel Angel Asturias". In Solé, Carlos A.; Abreu, Maria I. Latin American Writers. New York: Scribner. pp. 865–873. ISBN 978-0-684-18463-0.
- Frenz, Horst (1969). Nobel Lectures, Literature 1901–1967. Amsterdam: Elsevier. ISBN 978-981-02-3413-3.
- Liukkonen, Petri (2002). "Miguel Ángel Asturias (1899–1974)". Books and Writers (kirjasto.sci.fi). Finland: Kuusankoski Public Library. Archived from the original on 26 January 2008.
- Martin, Gerald (2000b). "Cronología". In Martin, Gerald. El Señor Presidente. By Miguel Ángel Asturias (Critical ed.). Madrid: ALLCA XX. pp. xxxix–li. ISBN 84-89666-51-2.
- Royano Gutiérrez, Lourdes (1993). Las novelas de Miguel Angel Asturias: desde la teoría de la recepción. Valladolid: Universidad de Valladolid. ISBN 84-7762-363-5.
- Westlake, E. J. (2005). Our Land is Made of Courage and Glory. Illinois: Southern Illinois University Press. ISBN 978-0-8093-2625-9.
- ↑ Royano Gutiérrez, 1993
- ↑ Martin 2000, pp. 481–483
- ↑ "Mis padres eran bastante perseguidos, pero no eran conjurados ni cosa que se parezca." Qtd. in Martin 2000, pp. 482
- ↑ 4.0 4.1 Callan, p.11
- ↑ Martin 2000, pp. 483
- ↑ 6.0 6.1 Carrera 1999, p. 14
- ↑ Franco 1989, p. 865
- ↑ Callan 1970, p. 11
- ↑ 9.0 9.1 Westlake 2005, p. 65
- ↑ 10.0 10.1 10.2 Castelpoggi, p.15
- ↑ Carrera 1999, p. 16
- ↑ Castelpoggi, p. 13
- ↑ Frenz 1969.
- ↑ McHenry 1993
- ↑ Callan, p. 12
- ↑ Liukkonen 2002
- ↑ Callan
- ↑ Castelpoggi, p. 26
- ↑ Castelpoggi, p. 16