Mimido
Ang mga mimido (Ingles: mockingbird, mimic-thrush[1], Kastila: mímido) ay isang pangkat ng mga ibon sa Bagong Mundo o sa mga Amerikang nasa pamilyang Mimidae. Matatagpuan ang mga ito sa silangang Canada, Estados Unidos, Mehiko, at Kanlurang mga Indiya.[1] Higit silang kilala dahil sa nakagawian ng ilang mga uri ng mga mimidong gumagaya ng mga awitin o huni ng mga kulisap at mga amphibian, pati na rin ng mga tunog na pantawag o mga awit ng iba pang mga ibon,[1][2] na karaniwang malakas at mabilis na pagkakasunud-sunod. Kaya nga tinatawag silang mockingbird at mimic-thrush sa Ingles, na may kahulugang ibong manggagaya, ibong gaya-gaya, o ibong mapagkunwari at manggagaya ng pipit-tulog.[1] Mayroong nasa 17 mga uri ng mga mimido sa loob ng tatlong mga sari.
Mimido | |
---|---|
Mimido ng Hilaga Mimus polyglottos | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Mga sari | |
Paglalarawan
baguhinLumalaki sila hanggang sa haba na may 10 mga pulgada. Kulay abuhin sila na may puting mga batik sa ibabaw ng mga pakpak at ng buntot.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Mockingbirds, mimic-thrushes". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 602. - ↑ 10000birds.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.