Aplikasyong pang-mobil
Ang isang aplikasyong pang-mobil[1] o mobile application, tinutukoy din bilang isang mobile app o mas pinapayak bilang app, ay isang programang pang-kompyuter o aplikasyong sopwer na dinisenyo upang patakbuhin ang isang kagamitang mobil tulad ng isang teleponong selular o tablet o relo tulad ng smartwatch. Ang mga app ay orihinal na nilayon para sa pagtulong sa produktibidad tulad ng email, kalendaryo, at mga database ng mga kontak, subalit naidulot ng pangangailangan sa mga app ang mabilis na pagpapalawak sa ibang larangan tulad ng larong mobil, awtomasyon ng pagawaan, GPS at mga serbisyong nakabase sa lokasyon, pagsubaybay sa order, at pabili ng tiket, kaya mayroon na ngayong milyong mga app. Sa pangkalahatan, nada-download ang mga app mula sa mga nagpapamahagi ng aplikasyon na pinapagana ng mga may-ari ng operating system ng mobil, tulad ng App Store (iOS) o Google Play Store. May mga ilang app na libre, at may iba naman na may presyo, na paghahatian ang kikitain sa pagitan ng naglikha ng aplikasyon at ng namamahagi ng plataporma. Kadalasang ipinagkakaiba ang mga aplikasyong pang-mobil sa mga aplikasyong pang-desktop na dinisenyo upang tumakbo sa mga kompyuter na desktop, at mga aplikasyong pang-web na tumatakbo sa mobil na web browser sa halip na diretso sa kagamitang mobil.
Noong 2009, sinabi ng kolumnista sa teknolohiya na si David Pogue na maaring magkaroon ng palayaw ang mga smartphone na "mga app phone" upang ipagkaiba sila sa mga mas naunang hindi gaanong kasopistikadong mga smartphone.[2] Naging napakapopular ang katawagang "app", pinaikling software application simula noon; noong 2010, naitala ito bilang "Salita ng Taon" ng American Dialect Society.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Mobile - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. Tagalog ng mobile ay mobil (hango sa Kastila)
- ↑ Pogue, David (Nobyembre 4, 2009). "A Place to Put Your Apps". New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 22, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""App" voted 2010 word of the year by the American Dialect Society (UPDATED) American Dialect Society" (sa wikang Ingles). Americandialect.org. 2011-01-08. Nakuha noong 2012-01-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)