Mimido

(Idinirekta mula sa Mockingbird)

Ang mga mimido (Ingles: mockingbird, mimic-thrush[1], Kastila: mímido) ay isang pangkat ng mga ibon sa Bagong Mundo o sa mga Amerikang nasa pamilyang Mimidae. Matatagpuan ang mga ito sa silangang Canada, Estados Unidos, Mehiko, at Kanlurang mga Indiya.[1] Higit silang kilala dahil sa nakagawian ng ilang mga uri ng mga mimidong gumagaya ng mga awitin o huni ng mga kulisap at mga amphibian, pati na rin ng mga tunog na pantawag o mga awit ng iba pang mga ibon,[1][2] na karaniwang malakas at mabilis na pagkakasunud-sunod. Kaya nga tinatawag silang mockingbird at mimic-thrush sa Ingles, na may kahulugang ibong manggagaya, ibong gaya-gaya, o ibong mapagkunwari at manggagaya ng pipit-tulog.[1] Mayroong nasa 17 mga uri ng mga mimido sa loob ng tatlong mga sari.

Mimido
Mimido ng Hilaga
Mimus polyglottos
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Mga sari

Melanotis
Mimus
Nesomimus

Paglalarawan

baguhin

Lumalaki sila hanggang sa haba na may 10 mga pulgada. Kulay abuhin sila na may puting mga batik sa ibabaw ng mga pakpak at ng buntot.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Mockingbirds, mimic-thrushes". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 602.
  2. 10000birds.com


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.