Moldabya
Ang Republika ng Moldova o Republika ng Moldova, opisyal na lokal na mahabang anyo o nasa wikang Rumano: Republica Moldova) ay isang bansang walang pampang o bansang napapaligiran ng ibang mga leaping hindi nito sakop sa Silangang Europa, at nakalagay sa pagitan ng Romania sa kanluran at Ukraine sa hilaga, silangan at timog. Inhaling nito ang sarili bilang isang estadong nagsasarili na may kaparehong mga hangganang katulad ng sa Moldovian SSR noong 1991, bilang bahagi ng paglalansag ng Unyong Sobyet. Isang piraso ng pandaigdigang kinikilalang teritoryo ng Moldova sa silangang pampang ng Ilog Dniester ay napailalim sa kontrol na de facto ng tumiwalag na pamahalaan ng Transnistria magmula pa noong 1990.
Moldova | |||
---|---|---|---|
![]() | |||
| |||
Awit: Limba noastră | |||
![]() | |||
![]() | |||
Mga koordinado: 47°15′00″N 28°31′00″E / 47.25°N 28.51667°EMga koordinado: 47°15′00″N 28°31′00″E / 47.25°N 28.51667°E | |||
Bansa | ![]() | ||
Itinatag | 27 Agosto 1991 | ||
Kabisera | Chişinău | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• President of Moldova | Maia Sandu | ||
• Prime Minister of Moldova | Dorin Recean | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 33,843.5 km2 (13,067.0 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2017) | |||
• Kabuuan | 2,550,900 | ||
• Kapal | 75/km2 (200/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+02:00 | ||
Wika | Wikang Rumano | ||
Plaka ng sasakyan | MD | ||
Websayt | http://www.moldova.md/ |
Ang bansa ay isang parlamentaryong republika at demokrasya na may isang pangulo bilang ulo ng estado at punong ministro bilang ulo ng pamahalaan. Ang Moldova ay kasapi sa Nagkakaisang mga Bansa, Konseho ng Europa, WTO, OSCE, GUAM, CIS, BSEC at iba pang mga samahang pandaigdigan. Sa kasalukuyan, naghahangad ang Moldova na makasali sa Unyong Europeo,[1] at nagpatupad na ng Planong Gawain na pang-unang tatlong taon sa loob ng balangkas ng ENP.[2]
TalababaBaguhin
- ↑ "Moldova will prove that it can and has chances to become EU member,". Moldpress News Agency. June 19, 2007. Tinago mula sa orihinal noong Abril 30, 2008. Nakuha noong September 18, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) - ↑ "Moldova-EU Action Plan Approved by European Commission". moldova.org. Disyembre 14, 2004. Tinago mula sa orihinal noong Enero 13, 2009. Nakuha noong Hulyo 2, 2007.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.