Si Molière (1622–1673) ay isang Pranses na aktor, direktor, at manunulat. Ang tunay niyang pangalan ay Jean-Baptiste Poquelin. Ang Molière ay ang kaniyang pangalang pang-entablado.[1] Nagsulat siya ng ilan sa pinaka mahahalagang mga komedya sa kasaysayan ng tao.[1]

Molière
Larawan ni Molière, ni Nicolas Mignard
Kapanganakan
Jean-Baptiste Poquelin

1622
Kamatayan1673
MamamayanKingdom of France
TrabahoAktor, Direktor, Manunulat

Ipinanganak siya si Paris kung saan ang kaniyang ama ay nagmay-ari ng isang tindahan ng alpombra (karpet). Noong kaniyang kabataan, nagpasya si Molière na mamuhay bilang isang artista ng sining. Sa edad na 21, itinatag niya ang kompanyang pangteatro na dagliang nabangkarota. Magmula 1645 hanggang 1658, naglakbay siya sa Pransiya sa piling ng ilang mga kaibigan.

Sa pagdaka, si Molière ay itinalaga ni Haring Louis XIV na managot sa mga pagpapalibang sa korte ng Versailles na malapit sa Paris. Naging masaya si Molière nang maging kaibigan niya ang hari, dahil marami siyang naging mga kaaway, natatangi na ang mahahalagang mga tao ng Simbahan Katoliko Romano. Hinaharap ng mga komedya ni Molière ang mga kahinaan ng tao: katulad ng pagseselos, pagmamalupit, pagbabalatkayo (pagkukunwaring banal), at pagkatakot sa kamatayan. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tauhan niya na pangdula sa mga kalagayang nakakatawa at kakutya-kutya, nais niyang libangin, pasiyahin at mabigyan ng edukasyon ang mga manonood at nakikinig.

Ang isa sa kaniyang pinakamahahalagang mga dula ay ang Tartuffe, na naglalarawan ng isang panatiko at mapagpakitang-taong lalaki na naipasok ang kaniyang sarili sa piling ng isang mayamang mag-anak. Ang huling dula ni Molière ay ang Le Malade Imaginaire ("Ang Karamdamang Nasa Guniguni Lamang"), na nakikilala sa Ingles bilang The Hypochondriac ("Ang Palaisip nang Pagiging Mayroong Sakit"). Katulad ng karamihan sa kaniyang mga komedya, si Molière ang gumanap sa pangunahing papel. Namatay siya habang nasa entablado habang nasa ikaapat na pagtatanghal. Dahil sa kaniyang mga suliraning pangsimbahan, hindi siya pinahintulutang ilibing sa isang sementeryo ng simbahan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Bermel, Albert (2000). "Biography of Molière - French Dramatist". Discover France. The Warton Group. Nakuha noong 2009-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

baguhin
 
Wikiquote
Ang Wikiquote ay mayroong isang kalipunan ng mga sipi na may kaugnayan kay: