Si Mon Confiado ay isang Pilipinong Aktor. Siya ay anak ng isa pang batikang karakter aktor na si Angel Confiado (LVN). May ari at kasosyo ng kanyang mga kapatid na sina Kai Confiado Aguilar at Joseph Aguilar at Albert Confiado sa 22nd STREET COMEDY BAR (Antipolo, Las Pinas, Cebu) at ILOVESTEAK Steak House at ROCK STREET Live Bar sa Cebu City.

Si Mon ay isang magaling na karakter aktor at isa sa pinaka maraming nagawang pelikula (300plus local movies, international films) at tv shows, teleserye at telefantasya (500plus tv appearances & guestings) sa Pilipinas. Siya ay isang Aktor din ng Entablado at Produkto ng Dulaang U.P. (The Trial, Blood Wedding, Dobol at Baclofen) Napanood din sya sa mga produksiyon ng Gantimpala Theater Foundation (Kanser) at ibat ibang Theater Group sa Pilipinas (30+ stage plays)( Noli Me Tangere, Kristo, No Exit) at marami pang iba.

Nakatrabaho din niya sa International Films sina Rod Steiger (Oscar Best Actor)(Al Capone, In The Heat Of The Night), David Hasselhoff (Baywatch, KnightRider) para sa Legacy. Si Casper Van Dien (Starship Trooper, Tarzan) sa Going Back. Si Thomas Ian Griffith (Karate Kid, Vampires) para sa Behind Enemy Lines. Si Michael Dudikoff (American Ninja, Tron para sa Soldier Boyz. Si Patrick Bergin (Sleeping With The Enemy) para sa Dance of The Steel Bars, at si Isabelle Huppert ( Award Winning French Actress) (Piano Teacher para sa Captive, at maraming pang iba.

Ang kanyang tunay na pangalan ay Ramon Veroy Confiado. Tubong Sampaloc, Maynila. Panganay sa tatlong magkakapatid na sina Kai Confiado Aguilar at Albert Andrew Confiado. Kilala din si Mon sa hilig nya sa pagrerestore ng mga lumang kotse (vintage cars). At isa sa mga unang nagpatayo at may mga pinaka natatangi (unique) at walang katulad na bahay (glass house) na ilang ulit ng naitanghal sa palabas ng usapan (talkshow) at gawi ng pamumuhay (lifestyle) sa Pilipinas.

Si Mon Confiado ay isang tunay na Alagad ng Sining. Tunay na dedikado sa kanyang larangan at profesyon bilang Aktor. Kailan lang ay pinarangalan sya bilang "Best Supporting Actor" ng FAMAS. At makailang ulit ng nominado sa ibat ibang Award Giving Bodies sa Pilipinas.

Mga Pelikula

baguhin

Pamagat/Direktor