Mga Mongol

(Idinirekta mula sa Mongolic)

Ang mga Monggol (Mongol: Монголчууд, Mongolchuud) ay isang Gitnang Asya na pangkat etniko na katutubo sa Mongolia at ng Panloob na Mongolia na Awtonomikong Rehiyon ng Tsina. Naninirahan din sila bilang mga minorya sa kahabaan ng Hilagang Asya, kabilang na ang iba pang mga rehiyon ng Tsina at pati na rin sa Rusya, at marami sa dating mga estadong Sobyet. Ang mga taong Monggoliko na kabilang sa pangkat na etnikong Buryat ay maramihang naninirahan sa ngayon sa pangkasalukuyang mayroong awtonomiyang republika ng Buryatia, Rusya. Sa Tsina, pangunahin silang naninirahan sa Panloob na Monggolya o, mas mababa ang bilang sa pangkaraniwan, sa Xinjiang. Pinag-aanib-anib ang mga taong Monggoliko ng isang karaniwang kultura at wika, isang kapangkatan ng magkakaugnay na mga wika na nakikilala bilang mga wikang Monggol.

Mga Monggol
Монголчууд
Mongolchuud
ᠮᠣᠩᠭ᠋ᠣᠯᠴᠤᠳ
Isang Mongol na musikero na may morin khuur
Kabuuang populasyon
10 milyon (2010)
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Tsina
(Panloob na Mongolia)
5,981,840 (2010)[1]
 Mongolia2,921,287[2]
 Rusya647,417[3]
 Timog Korea34,000[4]
 Estados Unidos15,000–18,000[5]
 Kyrgyzstan12,000[6]
 Republikang Tseko7,515[7]
 Hapon5,401[8]
 Canada5,350[9]
 Alemanya3,852[8]
 United Kingdom3,701[8]
 Pransiya2,859[8]
 Turkey2,645[8]
 Kazakhstan2,523[8]
 Austria1,955[10]
 Malaysia1,500[8]
Wika
Mongolian language
Relihiyon
Namamayaning Budismong Tibetano, background ng shamanismo.[11][12][13][14] minority Sunni Islam, Eastern Orthodox Church, at Protestantism.
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Proto-Mongols, Khitan people

Kahulugan

baguhin

Sa mga wikang Tunggusiko, ang pangalang Monggol ay may karaniwang kahulugang "ang mga hindi malulupig", "ang mga hindi matatalo (walang talo)" o "ang mga hindi masusupil". Sa malawak na kahulugan, ang kataga ay kinabibilangan ng talagang kumikilala sa kanilang mga sarili bilang talaga o tunay na mga Monggol (Mongol proper, na nakikilala bilang mga mga Monggol na Khalkha), ang mga Buryat, mga Oirat, mga Kalmyk ng Silangang Europa, at mga Moghol (tribong Mughal). Sa ganitong diwa at mahigpit na kahulugan, ang mga Monggol ay maaaring hatiin sa dalawa: ang mga Monggol ng Silangan at ang mga Monggol ng Kanluran.

Ang designasyon o itinalagang katawagang "Monggol" ay maiksing lumitaw sa mga talaan noong ika-8 daantaon ng Tsino na Dinastiyang Tang, na naglalarawan ng isang tribo ng Shiwei, na isang maliit na tribo na noon ay nasa pook ng Ilog Onon. Muling lumitaw ang pangalang Monggol noong huli ng ika-11 daantaon noong panahon ng pamumuno ng Khitan. Pagkaraan ng pagbagsak ng dinastiya ng Liao noong 1125, ang mga Monggol ay naging isang nangungunang tribo sa kapatagan at nagkaroon din ng kapangyarihan sa Hilagang Tsina. Subalit, ang kanilang pakikidigma sa Dinastiya ng Jin at sa mga Tatar ang nakapagpahina sa kanila. Noong ika-13 daantaon, ang lumawak ang salitang Monggol upang maging isang katagang sumusukob o sumasaklaw sa isang malaking pangkat ng mga tribong Monggoliko na nagkaisa sa ilalim ng pamumuno ni Genghis Khan.[15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Demograpiko ng Tsina
  2. "Монголын үндэсний статистикийн хороо". National Statistical Office of Mongolia. Nakuha noong 2013-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 2,656 Mongols proper, 461,389 Buryats, 183,372 Kalmyks (Russian Census (2010))
  4. "'Korean Dream' fills Korean classrooms in Mongolia", The Chosun Ilbo, 2008-04-24, inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 23, 2008, nakuha noong 2009-02-06 {{citation}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bahrampour, Tara (2006-07-03). "Mongolians Meld Old, New In Making Arlington Home". The Washington Post. Nakuha noong 2007-09-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "President of Mongoli Received the Kalmyk Citizens of the Kyrgyz. 2012". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-06. Nakuha noong 2016-10-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Latest numbers show 7,500 Mongolians working in Czech Republic", Mongolia Web, 2008-02-19, inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-30, nakuha noong 2008-10-04{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 Mongolia National Census 2010 Provision Results. National Statistical Office of Mongolia (Mongolian)
  9. NHS Profile, Canada, 2011
  10. "Bevölkerung nach Staatsangehörigkeit und Geburtsland" [Population by citizenship and country of birth] (sa wikang Aleman). Statistik Austria. 3 Hulyo 2014. Nakuha noong 21 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. National Bureau of Statistics of the People's Republic of China (Abril 2012). Tabulation of the 2010 Population Census of the People's Republic of China. China Statistics Press. ISBN 978-7-5037-6507-0. Nakuha noong 2013-02-19.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. China Mongolian, Mongol Ethnic Minority, Mongols History, Food
  13. China.org.cn – The Mongolian ethnic minority
  14. China.org.cn – The Mongolian Ethnic Group
  15. "Mongolia: Ethnography of Mongolia". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2007-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Asya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.