Monster Buster Club

Ang Monster Buster Club ay isang pambatang CGI serye sa telebisyon na nilikha ng Marathon Production. Ang palabas ay ipinakita noong 2 Hunyo 2002 sa Jetix sa Europa, 9 Hunyo 2002 sa Estados Unidos at sa Asya noong 3 Mayo 2008. Ang seryeng ito ay tungkol sa tatlong 12-taong gulang na bata, sa tulong ng isang alien na si Cathy, na protektahan ang kanilang bayan, laban sa mga masasamang aliens. Kasama ang kanyang lolo, binuo nila ang sikretong organisasyon na itinatag pa ilang siglo ang nakakaraan na tinatawag na Monster Buster Club, o MBC. Ang pangunahing layunin ng MBC ay hanapin ang mga aliens na sumasakop sa Single Town, hulihin sila, at ipadala sa autoridad sa ibang galaxy.

Monster Buster Club
UriAksiyon, Komedya, Adventure, Animasyon
GumawaVincent Chalvon-Demersay
David Michel
NagsaayosMarathon Media Group
Jetix Europe (co-produced)
Mystery Animation
Boses ni/nina(English version)
Sonja Ball
Anna Cummer
Ian Corlett
Rick Jones
Matt Hill
Andrea Libman
Tabitha St. Germain
Sam Vincent
Michael Yarmush
Bansang pinagmulanPransiya, Canada
WikaPranses, Ingles
Bilang ng season2 panahon
Bilang ng kabanata52 kabanata
Paggawa
Oras ng pagpapalabasMga 22 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanTF1, Jetix
Picture format720i (HDTV) and 480i
Orihinal na pagsasapahimpapawid3 Mayo 2008 (2008-05-03) –
Marso 2009 (2009-03)
Website
Opisyal

Sinopsis

baguhin

Hi! Ako si Cathy. Galing kami ng lolo ko sa planetang Rhapsodia para sugpuin ang isang masamang 'secret society'. Kasama ang mga kaibigan ko, misyon naming talunin ang mga salbaheng aliens na makikita namin sa Single Town. Kami ang...Monster Buster Club!

Lugar na Pinangyayarihan

baguhin

Ang lugar na pinangyayarihan ay sa isang maliit at tahimik na bayan na tinatawag na Single Town. Ang Single Town ay dalawang taong gulang at itinatag ni Addison Single. Ang hindi alam ng mga residente, ang Single Town ay isang taguan ng mga masasamang alien galing sa iba't-ibang galaxy.

Mga Pangunahing Tauhan

baguhin
  • Cathy Smith (Cath) (Nagboses ay si Andrea Libman, Nagboses ay si Owen Caling sa Filipino dub[1]) - Si Cathy ay isang masayahing, optimismong, 12-taong gulang na babae sa Daigdig. Galing s'ya sa planetang Rhapsodia at s'ya ay 700-taong gulang sa taong Rhapsodian. Dumating s'ya sa Daigdig kasama ang kanyang lolo, para itaguyod ang panibagong Monster Buster Club. Mahilig s'yang magtuklas kung anong meron sa Daigdig. Marami s'yang mga kakaibang kakayahan, kagaya ng kakayahan na hatakin ang sarili, sobrang lakas, bilis at konting telekinesis. Ang kanyang MBC uniporme ay kulay pink. Sa kanyang anyong tao, meron s'yang olandes na buhok at kulay asul ng mga mata. Ang anyong Rhapsodian naman, s'ya ay isang kulay puting alien, na may galamay sa buhok, braso at binti. Kung ikukumpara sa mga tao, ang mga Rhapsodian ay matagal ang kanilang buhay.[2]
  • Chris (Christopher[3]) (Nagboses ay si Sam Vincent) - Si Chris ay isang 12-taong gulang na mahilig sa teknolohiya. Meron s'yang kulay itim na buhok at kulay asul ng mga mata. Matalino s'ya at magaling sa paggamit ng mga gadgets. Madalas nasa clubhouse s'ya para hanapin ang mga impormasyon habang ang kanyang mga kasamahan ay nasa misyon. Ang kanyang uniporme ay kulay asul.
  • Sam (Samantha) (Nagboses ay si Anna Cummer, Nagboses ay si Katherine Masilungan sa Filipino dub[4] ) - Si Sam ay isang Aprikana-Amerikanang babae na may matinong disposisyon at natural na kakayahan bilang isang pinuno. Meron s'yang kulay itim na buhok at kulay kastanyong mga mata. Kahit pinagbabawal sa MBC ang magkaroon ng pinuno, madalas s'ya ang gumagawa ng mga istratehiya at plano para sa grupo. Minsan, may pagka-suplada at pala-utos s'ya. Lagi n'yang inuuna ang misyon ang MBC bago ang kasiyahan. Ang kanyang uniporme ay kulay dilaw.
  • Danny (Daniel Jackson[5]) (Nagboses ay si Matt Hill) - Si Danny ay isang 12-taong gulang na lalaki na may busilak na puso. Magaling s'ya sa isports at skateboarding. Minsan, may pagkamayabang at kampante. Meron s'yang sariling palayaw "Si Danny" at ginagamit n'ya iyon sa tuwing nakagawa s'ya ng misyon. Ayon sa kanya, madalas s'yang iniimbita sa mga parties. Crush n'ya ang kanyang kaklase na si Wendy. May magkapamatawa s'ya at mahilig magbiro kahit sa kalagitnaan ng misyon. Ang kanyang uniporme ay kulay pula.

Mga Ibang Tauhan

baguhin
  • Mr. Hugo Smith (Nagboses ay si Ian Corlett) - Si Mr. Smith ay ang lolo ni Cathy na sumama sa kanya sa mundo. Kagaya ng kanyang apo, s'ya ay isang Rhapsodian, pero bihira lang gumamit ng kanyang kapangyarihan. Ang kanyang anyong Rhapsodian ay kahawig ng mollusko.[6] S'ya ang unang taong hinihingan ng tulong mula sa MBC pagdating sa mga kakaibang sakit at gamot. Ang mga hilig ni Mr. Smith ay magtanim at maglaro ng mga baraha kasama ang kanyang mga halaman.
  • John - Si John ay ang nakababatang kapatid ni Chris. Minsan, s'ya ang bahala sa clubhouse sa tuwing nasa misyon ang kanyang kapatid at mga kaibigan n'ya. Ang gusto ni John ay maging miyembro ng MBC pero hindi s'ya pinapayagan. Para ikumbinsi na s'ya ay sumama, minsan ay gumagawa s'ya ng mga imbensiyon na nakatutulong o nakakapahamak sa MBC.
  • Galactic Commander Zeuban - Si Galactic Commander ay ang tagapagtanggol ng "Sector 9" sa ibang galaxy at tagapangasiwa ng MBC. Lumalabas s'ya sa superkompyuter bilang isang hologram para bigyan ng MBC ng ispesyal na misyon o babala na may paparating na kriminal sa Daigdig.
  • Wendy (Nagboses ay si Tabitha St. Germain) - Si Wendy ay crush ni Danny sa eskwela. S'ya ay maarte at suplada. Madalas tinutukso n'ya si Danny at kanyang mga kaibigan na sina Sam, Chris at Cathy. Minsan, ginagamit n'ya si Danny para utusan na gawin ang ilang pabor, gaya ng pag-aalaga ng kanyang aso na si Matisse. Is s'yang miyembro ng journalism club at madalas naghahanap ng panibagong tsismis tungkol sa eskwela.
  • Mark - Ang karibal ni Danny na madalas naghahamon sa kanya sa iba't-ibang gawain. Si Mark ay ang pinakamayamang bata sa bayan at ipinag-mamayabang iyon. Ginagamit ang kanyang yaman para ipahiya si Danny sa maraming mga kaklase o maging sikat sa eskwela. Crush din nya si Wendy.
  • Jeremy - Ang isa pang kaklase ng MBC at kasama ni Chris sa computer club. May pagtingin sya kay Cathy, habang si Cathy ay itinuturin s'yang kaibigan lamang.
  • Ralph - Ang kaibigan ni Mark na laging tumutulong para ipahiya si Danny. Ang itsura n'ya ay may pulang buhok, pandak at may bungi ang kanyang ngipin. Gaya ni Danny, si Ralph ay marunong mag-skateboarding.
  • Roy - Ang isa pang kaibigan ni Mark at Ralph. Gaya ni Ralph, si Roy ay tumutulong kay Mark na apihin si Danny. Minsan, s'ya at si Ralph ay magkakasama na gumawa ng maliit na gulo sa eskwela o sa parke.
  • Elton Smith - Ang pinsan ni Cathy at isa pang apo ni Mr. Smith. Ang kakayahan ni Elton ay ang pagbabasa ng isip. Nung dumating s'ya sa Daigdig para bumisita, s'ya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng away ang MBC dahil sa kanya-kanyang mga sikreto. Ang hindi alam ng MBC, si Elton ay ipinaghahanap ng mga Pincerbot. Nang nawala si Cathy sa mundo, si Elton ay pagsamantalang pumalit para kay Cathy. Ang kanyang uniporme ay kulay berde.
  • Mr. Fusster - Ang guro sa Siyensiya ng MBC na ang kanyang paniniwala ay walang mga alien na nabubuhay. Ang paniniwalang iyon ang dahilan kung bakit si Cathy ay madalas napupunta sa detensiyon. Ang hindi alam ng MBC, lalo na si Cathy, ay alam ni Mr. Fusster na may mga alien at may alam s'ya tungkol doon.
  • Principal Rollins - Ang principal sa Single Town Middle School na iniisip na ang mga estudyante ay ang mga sundalo. Minsan,s'ya ang dahilan kung bakit naiistorbo ang MBC na gawin ang kanilang misyon. May pagtingin s'ya kay Mr. Smith dahil nalaman n'yang dating sundalo si Mr. Smith.
  • Mr. Bitty - Ang may-ari ng kanyang tindahan na tinatawag na "Happy Mart". Nagbebenta s'ya ng iba't-ibang gamit gaya ng aplayanses, pagkain, magasin at kung ano pa. May pagka-mainitin ang ulo n'ya sa mga batang naggugulo sa tindahan n'ya.
  • Mr. Pillsbury - Ang coach, janitor at P.E. teacher ng Single Town Middle School.
  • Gilbert - Isang alien na nag-disguise bilang nerd. Siya ang nagpa-hipnotismo sa mga bata sa Single Town, kasama si Sam para kolektahin ang kanyang mga komiks sa mundo. Nung nagsisi si Gilbert sa kanyang ginawa, bumalik s'ya sa Daigdig para magpasalamat sa MBC sa pamamagitan ng pagbibigay ng gadget. Ang hindi n'ya alam, ang ibibigay n'ya sanang gadget ay nagdadala ng problema sa bayan.
  • Speedy - Si Speedy ay isang Speed Morpher na kayang tumakbo ng mabilis. Mabilis din s'yang magsalita pero wala s'yang kaalam-alam sa patakaran sa Daigdig. Dumating s'ya sa Single Town para nakawin ang mga makina sa paligid. Nahuli s'ya ng MBC pero binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Sinabi ni Speedy na ginawa n'ya iyon dahil legal ang pagnanakaw sa kanyang planeta. Bumalik s'ya para tulungan ang MBC na pigilin ang masamang balak ng kanyang kapatid.
  • Doudo Hundletorph - Mas kilala s'ya sa tawag na Doudo. Inaakala n'ya na ang kanyang binabantayang emperador at reyna sa kaniyang planeta ay sina Chris at Sam.
  • Mr. Bernie - Si Mr. Bernie ay tindero ng mga mamahaling kotse at tatay ni Ralph. May sarli s'yang palayaw na "Bargain Bernie" para akitin ang mga kustomer na bumili ng kanyang mga produkto. Ayon kay Chris, minana ni Ralph ang pagiging guwapo mula sa tatay n'ya.

Mga Kalaban

baguhin
  • Ang tatlong Octovore - Si Jenny ay isang kulay berdeng Octovore na nagbalatkayo bilang isang estudyante. Ang kanyang armas ay mga pompoms na gawa sa bakal. Ang lola ay isa ding Octovore at kulay lila ang katawan nila. Silang dalawa ang nagplano na kidnapin ang mga bata sa parti. Si lolo Octovore naman ay kulay mahogany. Iniligtas n'ya ang kanyang asawa at gustong gumanti sa MBC.
  • Mga Pincerbot - Ang mga Pincerbot ay isang grupo ng mga alien. Ang kulay pulang Pincerbot ay ang pinuno nila. Nakatira sila sa lumang pabrika para mag-ipon ng lakas. Ang mga Pincerbot ay gustong kunin si Elton para gamitin ang kanyang kapangyarihan.
  • Tortosensazors at Harefliersanzikes - Ang dalawang grupo na ito ay nag-aaway ng maraming siglo. Ang mga grupo na ito ay batay sa mga tauhan sa kuwento ni Aesop, Ang Pagong At Ang Kuneho.
  • Gluten - Isa s'yang kulay asul na Sticky. Nagbalatkayo s'ya bilang isang guro bilang si Mr. Gluten. Ang tunay na Mr. Gluten ay madalas nasa bakasyon. Interesado si Gluten na huliin ang mga alien gaya ni Cathy para ibenta sila bilang alipin. Nang bumalik s'ya matapos ang pagkakahuli ng MBC, gumanti si Gluten sa pamamagitan ng paghahanap ni Cathy para sa zoo.
  • Swampdweller - Bumalik s'ya sa Single Town para gumanti laban sa MBC matapos ang pagkatalo n'ya isang daang taon ang nakaraan. Meron s'yang bakal s kanang braso at kaliwang mata. Plano n'ya na palitan ang mga residente ng mga robot, gaya ni Matisse.
  • Haring Petalia XIII
  • Ang Flying Dutchmen
  • Brian
  • Wedge
  • Ang Monster Beater Club
  • Addison Single
  • Morpher sa kanal
  • Heneral Louse
  • Glor Glenemore
  • Ang Robot sa kabundukan
  • Proskar
  • Herptilius
  • Outcracker
  • Nossida Single
  • S2 at D34
  • Ang mga Gumblian
  • Rocky Mountain
  • Reptilian
  • Pizmo the Plump
  • Lolo Octovore
  • Alcascythe
  • Veedy
  • Crunger
  • Grevlack
  • Ang mga Spoiler
  • Mimi
  • Nova
  • Mr. Bigshnel
  • Moochie
  • Morag Gibble
  • Thunderdunker
  • Alien virus

Mga Episodyo

baguhin
Ipinalabas sa Pilipinas[7] Kabanata Pamagat
13 Setyembre 2010 1 Mindreader
14 Setyembre 2010 2 Popular Kids
15 Setyembre 2010 3 Wrong Number
16 Setyembre 2010 4 Snack Time
17 Setyembre 2010 5 The Trouble With Troublemaking
20 Setyembre 2010 6 Dog Daze
21 Setyembre 2010 7 Flower King
22 Setyembre 2010 8 Battle Of The Bands
23 Setyembre 2010 9 Acting Out
24 Setyembre 2010 10 World's Toughest Kid
27 Setyembre 2010 11 Secret Santa
28 Setyembre 2010 12 Comic Book Heroes
29 Setyembre 2010 13 Monster Beater
30 Setyembre 2010 14 Aliens On The Fast Track
1 Oktubre 2010 15 The Bugaboos
4 Oktubre 2010 16 Statue Of Limitation
5 Oktubre 2010 17 Pipe Dreams
6 Oktubre 2010 18 The-Forget-Me-Stone
7 Oktubre 2010 19 Trick Or Treat...Or Alien?
8 Oktubre 2010 20 Camping Out
11 Oktubre 2010 21 A Matter Of Principals
12 Oktubre 2010 22 Beware Of Frogs
13 Oktubre 2010 23 Outcracker's Badland Galaxy Tour
14 Oktubre 2010 24 The End Of Everything (Part One)
15 Oktubre 2010 25 The End Of Everything (Part Two)
18 Oktubre 2010 26 Bubbleheads
19 Oktubre 2010 27 It's Not Good To Be King
20 Oktubre 2010 28 The Whole Truth
21 Oktubre 2010 29 The New Recruits
22 Oktubre 2010 30 Sore Winner
25 Oktubre 2010 31 Me Krog, You Rollins!
26 Oktubre 2010 32 Cloudy With A Change Of Jellynerps
27 Oktubre 2010 33 The Destiny Puzzle
28 Oktubre 2010 34 Lizard Tails
29 Oktubre 2010 35 Fitness Freak
1 Nobyembre 2010 36 The Beast Within
2 Nobyembre 2010 37 Frogs In Space
3 Nobyembre 2010 38 Sticky Situation
4 Nobyembre 2010 39 Galaxy's Strangest Creatures
5 Nobyembre 2010 40 Disappearing Act
8 Nobyembre 2010 41 Keep Your Eye On The Nebulak
9 Nobyembre 2010 42 Famous Four (Part One)
10 Nobyembre 2010 43 Famous Four (Part Two)
11 Nobyembre 2010 44 Here Comes The Bride
12 Nobyembre 2010 45 Dancing In The Dark
15 Nobyembre 2010 46 Clean Sweep
16 Nobyembre 2010 47 Laugh Attack
17 Nobyembre 2010 48 Gotta Dance!
18 Nobyembre 2010 49 The Sound Of Moochie
19 Nobyembre 2010 50 Stupid Human Tricks[8]
22 Nobyembre 2010 51 Princess Sam
23 Nobyembre 2010 52 Goodbye Earth

Mga sanggunian

baguhin
  1. Anime News Network, Owen Caling: Non-anime roles. http://www.animenewsnetwork.com/encyclopedia/people.php?id=49529 (12 Disyembre 2010)
  2. Monster Buster Club, Ika-29 na kabanata, season 2, New Recruits (28 Pebrero 2009).
  3. Monster Buster Club, Ika-12 na kabanata, season 1, Aliens On The Fast Track (4 Agosto 2008)
  4. Anime News Network, Katherine Masilungan: Non-anime roles. http://www.animenewsnetwork.com/encyclopedia/people.php?id=38903 (16 Disyembre 2010)
  5. Monster Buster Club, Ika-21 na kabanata , season 1, A Matter Of Principals (20 Oktubre 2008)
  6. Monster Buster Club, Ika-19 na kabanata , season 1, Trick Or Treat...Or Alien? (13 Oktubre 2008)
  7. Ang Monster Buster Club ay ipinalabas sa Q Channell 11 tuwing 4:30 ng hapon (Lokal na oras sa Pilipinas, GMT +8). Ang dub ng palabas ay Tagalog.
  8. Ang pamagat na ito ay naka-base sa mga kabanata sa Estados Unidos. http://www.toonzone.net/schedule/displaySeries.php?seriesID=256&networkID=17 Naka-arkibo 2011-06-13 sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

baguhin