Mosaic

larawang gawa sa isang pagtitipon ng maliliit na piraso ng kinulayang salamin, bato, o ibang materyales

Ang mosaic ay isang sining ng pagdidikit-dikit ng makukulay na piyesa ng salamin, bato, o ibang kagamitan. Isa itong paraan ng paggawa ng mga imahe. Karamihan ng mosaic ay gawa sa maliliit, maninipis, na may parang parisukat na hugis, mga bato o salamin na iba’t ibang kulay, na tawag ay tesserae; pero ang iba, lalo na ang floor mosaics, ay tawag na pebble mosaics.

Ang mosaic ay may mahabang kasaysayan. Nagsimula ito sa Mesopotamia sa ika-3 milenyo, BC. Ang mga Pebble Mosaics ay ginawa sa Tiryns, Gresyang Myceneano; mga mosaic na mayroong hulmahan at imahe ay napalaganap noong Panahong Klasiko, sa Sinaunang Griyego, kasabay ng Sinaunang Romano. Ang mga sinaunang Basilikang Kristiyano ay nanggaling sa ika-4 na siglo. Patuloy ang pagpapalamuti gamit ang mosaic sa mga pader at kisame. Ang Sining na Mosaic ay mas napalawak sa Emperyong Bysantino mula ika-6 at ika-15 na siglo, na ang tradisyon ay pinagtibay ng Kahariang Norman noong ika-12 na siglo, sa pamamagitan ng Venice na may impluwensiya sa silangan, at kabilang ang mga Rus sa Ukraine. Ngunit ang mosaic ay nawala sa uso, may mga artista pa rin tulad ni Raphael na nagpatuloy ng pagpapalaganap ng makalumang paraan. Dahil sa impluwensiyang Romano at Bysantino, ang mga Hudyo ay pinalamutihan ang sinagoga noong ika-5 at ika-6 na siglo sa Gitnang Silangan ng Floor Mosaics.

Ang mosaic ay malawak na ginamit sa mga Gusaling Pangrelihiyon at mga bahagi ng Sinaunang Sining Islam, kabilang ang unang Dakilang Gusaling Pangrelihiyon sa Islam, The Dome of the Rock sa Jerusalem, at ang Moske ng Umayyad sa Damascus. Ang mosaic ay nawala sa uso sa mundo ng Islam sa ika-8 na siglo.

Tingnan din

baguhin
  • Dunbabin, Katherine M. D. (1999). Mosaics of the Greek and Roman World. Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-00230-1.
  • Lowden, John (1997). Early Christian and Byzantine art. Phaidon.(for the section of Byzantium and Sicily)
  • Rentetzi, Efthalia (2009). "Un frammento inedito di S. Eufemia a Grado. Il pavimento musivo del Salutatorium". Arte Cristiana (in Italian). XCVII (850 January – February 2009). pp. 51–52.
  • Rentetzi, Efthalia (2000). "Le influenze mediobizantine nei mosaici dell'arcone della Passione della Basilica marciana". Arte¦Documento (in Italian) XIV: 50–53.
  • Smith, D. J. (1983). "5". In Martin Henig. A Handbook of Roman Art. Phaidon. ISBN 0714822140.
  • Oddo, Giuseppe (2014). Decorazione a motivi geometrici vol. I. p. Blurb.

Mga pinagbatayan