Muhammad ibn Mūsā al-Khwārizmī
Si Muhammad ibn Musa al-Khwarizmi, binabaybay ding Muhammad ibn Mūsā al-Khwārizmī (Persa:محمد بن موسى خوارزمی; Arabe: محمد بن موسى الخوارزمي) ay isang Persang matematiko na namuhay at nanirahan sa Baghdad noong taon ng 830. Siya ang umimbento o lumikha ng alhebra, kaya't kalimitan siyang tinatawag bilang "ang ama ng alhebra". Sumulat din siya ng isang aklat tungkol sa "mga bilang na Indiyano" at sa kung paano magsagawa ng pagdaragdag o adisyon at subtraksiyon o pagbabawas ng mga ito. Noong Gitnang mga Panahon, binasa ng mga matematiko sa Europa ang kanyang aklat. Tinawag ng Europeong mga matematiko ang mga bilang na ito na "Arabeng mga bilang" (0, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, ...) at ginamit ang mga ito sa halip na ang Romanong mga bilang (I, II, III, IV, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII, ...). Mas madaling magsagawa ng matematika sa pamamagitan ng paggamit ng Arabeng mga bilang. Gayundin, dahil sa walang bilang na sero ang Romanong mga bilang.
Muhammad ibn Mūsā al-Khwārizmī | |
---|---|
Kapanganakan | 780 (Huliyano)[1]
|
Kamatayan | 850 (Huliyano)[1]
|
Trabaho | matematiko, astronomo, heograpo, pilosopo, tagasalin, historyador |
Umakda siya ng aklat ukol sa alhebrang pinamagatang "Al-Jabr Wal' Muqibla" kung saan ipinakilala niya ang kanyang sariling sistema ng bilang, at ipinakilala rin niya rito ang Arabeng mga bilang. Isinalinwika ang kanyang mga aklat patungo sa mga wikang Griyego at Latin. Pinangalan ang kanyang mga aklat bilang "So said Algorizmi", na pinagmulan ng salitang "Algoritmo".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.