Mundong Ilalim

(Idinirekta mula sa Mundong ilalim na Griyego)

Ang Mundong Ilalim[1] ay isang katawagan para sa tirahan ng mga patay ng maraming mga relihiyon at mitolohiya na tumutukoy sa isang pook kung saan pinaniniwalaang nagpupunta ang mga tao kapag namatay na, o kung saan magtutungo ang kanilang mga kaluluwa kapag sumakabilang buhay na.

Si Hades habang nasa Mundong Ilalim.

Griyegong Mundong Ilalim

baguhin

Kaugnay ng mitolohiyang Griyego, naniniwala ang sinaunang mga Griyego sa diyos ng Mundong Ilalim na si Hades, na kilala bilang Pluto sa mitolohiya ng sinaunang mga Romano.[2][3]

Mayroong palasyo si Hades sa Mundong Ilalim na nakalagak sa pinakamalalim na bahagi ng isang malawak na mamasa-masang lugar. Maraming mga tarangkahan ang palasyong ito. Malapit sa kinatatayuan nito ang Ilog ng Styx, kung saan naghihintay ang isang matandang bangkero o mananagwan ng bangka, si Charon. Naghihintay si Charon ng mga kaluluwa ng mga patay upang ipaglayag sila patungo sa tarangkahan ng Erebus, na nasa kabilang gilid ng ilog. Kinakailangan nilagyan ng pera ang mga labi ng isang bangkay upang magsilbing bayad sa pagdaan nito sa tarangkahan ng Erebus. Nakabantay sa tarangkahang ito ang asong si Cerberus na may tatlong ulo at mayroong buntot ng dragon. Pinapahintulutan ng asong makapasok ang lahat, ngunit walang sinumang makalalabas pa. Pagkaraang makadaan sa tarangkahan, humaharap ang mga kaluluwa ng mga namatay sa tatlong hukom. Napupunta ang mga makasalanan sa pook ng walang pagdurusa. Ipinadadala naman sa mga Kabukiran ng Eliseano isang pook na mapayapa at maganda ang mga mabubuti.[3]

Hebreong Mundong Ilalim

baguhin

Ang Seol, o Sheol sa Ingles, ay ang kinikilalang tirahan ng mga patay o mundong ilalim sa paniniwalang Hebreo. Sa lugar na itong nasa ilalim ng daigdig nagtutungo ang mga kaluluwa ng mga patay.[4]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kabaliktaran ng Mundong Ibabaw; Mundong Ilalim: salin ng Ingles na Underworld.
  2. Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Hades, Pluto, lord of the underworld, god of the dead". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.
  3. 3.0 3.1 "Hades, Pluto, Underworld". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 357.
  4. Abriol, Jose C. (2000). "Tirahan ng mga patay, Seol". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 63.