Ang mga munggong gulaman, gulamang munggo, munggong halaya, o halayang munggo, kilala sa Ingles bilang mga jelly bean, ay isang uri ng mga kendi o minatamis na may marami at iba't ibang mga lasa, pangunahin nang mga lasa ng prutas. Maliliit sila, nasa sukat ng isang pulang munggong bato (red kidney bean) o mas maliit pa, at pangkalahatang may isang matigas na balat o baluting pangkendi at magomang panloob. Ang konpeksiyong ito ay pangunahing gawa sa asukal.

Isang dakot ng mga munggong gulaman.

Kasaysayan

baguhin

Ang pinaka maagang nalalamang paglitaw ng munggong gulaman ay noong Amerikanong Digmaang Sibil, noong ibunsod ni William Schrafft ng Boston ang pagpapadala ng mga kendi sa mga sundalo ng Hukbo ng Unyon.[1] Ngunit noong lamang pagsapit ng 1930 o lumaon pa naging isang kending pang-Pasko ng Pagkabuhay ang mga munggong gulaman, maaaring dahil sa kanilang pagkakahawig sa itlog na pang-Pasko ng Pagkabuhay.[2]

Pagluluto

baguhin

Ang payak na mga sangkap ng munggong gulaman ay kinabibilangan ng mga asukal, sirup ng mais, at gawgaw. Sinasamahan din ito ng kaunting bilang ng lesitina (isang ahenteng nagsasagawa ng emulsipikasyon), mga ahenteng laban sa pagbula, nakakaing pagkit na mula sa bahay ng pukyutan, asin, at pampakintab ng konpeksiyonero.[3] Ang mga sangkap na nagbibigay ng katangiang pansarili ng munggong gulaman ay maliliit ang proporsiyon at maaaring magbago ayon sa lasa.

Karamihan sa mga munggong gulaman ang pinagbibili bilang sari-sari o kalipunan ng walong iba't ibang mga lasa, karamihang batay sa lasa ng prutas. May kalipunan din ng "tinimplahang" mga munggong gulaman at mga gumdrop (literal na "hulog na goma" o "hulog-goma", maliliit na mga kending may balot ng asukal at hugis balisusong o apa ng sorbetes na tinapyas, na kinasasangkutan ng katulad na bilang ng mga tinimplahan ng mga pampalasa at yerba buwena (mint). Ang mga kulay ng mga munggong gulaman ay lumabis-kumulang na may pamantayan, na ang bawat kulay ay may katumbas na lasa ng prutas o pampalasa.

Pamantayang mga lasa
Kulay Pamantayan Timpla
Pula Presas Sinamon
Narangha Narangha Luya
Dilaw Limon Klabo de komer (clove, uri ng paminta)
Green Dayap o dalayap Lunti ng taglamig (wintergreen, checkerberry, teaberry)
Purpura Ubas
Itim Likorisa Likorisa
Puti Limonada Yerba buwena (mint)
Rosas Raspberi

Mga sanggunian

baguhin
  1. Miller, Jeanna (2002-03-28). "Spring brings jelly bean fever". University Chronicle. Pamantasan ng San Ulap, Minesota (University of St. Cloud). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-26. Nakuha noong 2008-04-09. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-05-26 sa Wayback Machine.
  2. CandyFavorites.com. "History of Jelly Beans", nakuha noong 2008-03-21.
  3. "How Products are Made - Volumes - Jelly Beans". Gale-Edit. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-16. Nakuha noong 2010-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-05-16 sa Wayback Machine.