Tungkol ito sa estilo ng musika. Para sa tauhang pangkomiks, pumunta sa Barok (komiks). Puntahan din ang Barok (paglilinaw).

Ang Musikang Baroko (Espanyol: Barroco) ay ang estilo ng tugtuging klasiko sa Europa mula noong 1600 magpahanggang 1750.[1][2] Ang kapanahunang ito ay nagsimula pagkaraan ng tugtugin ng Renasimyento at nasundan ng panahong Klasiko. Ang salitang baroque ay nagbuhat sa salitang Portuges na barroco, na may ibig sabihing "perlas na may pangit na hugis",[3] isang nakakakintal at naaangkop na paglalarawan ng arkitektura ng panahong ito; nang lumaon, ang pangalan ay naging ginagamit na rin sa musika ng panahong ito. Bumubuo ang musikang Baroko ng pangunahing bahagi ng kanon ng musikang klasiko, dahil malawakang pinag-aaralan, tinutugtog, at pinakikinggan. May kaugnayan ito sa mga kompositor na katulad nina Johann Sebastian Bach, George Frideric Handel, Alessandro Scarlatti, Antonio Vivaldi, Jean-Baptiste Lully, Arcangelo Corelli, Claudio Monteverdi, Jean-Philippe Rameau at Henry Purcell. Natanaw ng kapanahunang Baroko ang pag-unlad ng katungkulan ng tono. Habang nasa panahong ito, gumamit ang mga kompositor at mga tagapagtanghal ng mas mabusising o kumplikadong mga ornamentasyong pangmusika, gumawa ng mga pagbabago sa notasyong pangmusika, at nagpaunlad ng bagong mga teknik sa pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika. Lumawak ang sukat, sakop, at kasalimuotan ng pagtatanghal ng mga instrumento ng musikang Baroque, at naglunsad din ng opera bilang uri o henero ng tugtugin. Maraming mga salita o katawagang pangmusika at mga diwa o konsepto ang ginagamit pa rin magpahanggang ngayon.

Sa ibang diwa ang Baroque ay maaari ring tumukoy sa "estilo o sining noong unang panahon sa Europa na kinakikitaan ng mga makurbada, malalantik, magagarbo at mapapalabok na mga disenyo"[1] katulad ng sa arkitektura.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Baroque - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Palisca, Grove online
  3. Mackay & Romanec Naka-arkibo 2011-07-28 sa Wayback Machine. [n.d.], 5.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.