NHK World
Ang NHK World and serbisyo ng NHK para sa pandaigdigang pagsasahimpapawid. Pangunahing pinagtutuunan nito ng pansin ang mga manonood at tagapakinig sa ibayong dagat.
NHK World | |
Bansa | Japan |
---|---|
Slogan | Your Eye on Asia |
Sentro ng operasyon | Tokyo, Japan |
Pagpoprograma | |
Wika | Japanese, English |
Anyo ng larawan | 576i 16:9 (SDTV) 1080i (HDTV) |
Pagmamay-ari | |
May-ari | NHK |
Kapatid na himpilan | NHK NHK General TV |
Mga link | |
Websayt | www3.nhk.or.jp/nhkworld |
Mapapanood | |
Binubuo ng tatlong serbisyo ang NHK World:
- NHK World TV
- NHK World Premium
- NHK World Radio Japan
Radio Japan
baguhinSumasahimpapawid ang Radio Japan (RJ) sa pamamagitan ng shortwave. Binubuo ng mga balita, impormasyon at mga pang-aliw ang mga programa nito na nakatuon sa Hapon at sa Asya, sa kabuuang 65 oras ng pagsasahimpapawid.
- General Service - napapakinggan sa buong mundo sa wikang Nippongo at Ingles.
- Regional Service - napapakinggan sa mga espesipikong lugar sa 21 wika: Ingles, Arabe, Bengali, Burmes, Intsik, Pranses, Aleman, Hindi, Indones, Italyano, Koreano, Malay, Persa (Persian), Portuges, Ruso, Espanyol, Swahili, Swedish, Thai, Urdu, at Vietnamese.
- Parehong napapakinggan sa shortwave ang mga serbisyo.
Mga Pasahang Himpilan ng RJ
baguhinNagpapatakbo ang RJ ng isang domestikong himpilan
Umuupa rin o nagmamay-ari ang RJ ng mga himpilan sa labas
- Inglatera (UK) - BBC
- Ascension Island (ASC) - BBC relay station
- Gabon (GAB)
- UAE (UAE)
- Sri Lanka (SRI)
- Singapore (SNG) - BBC relay station
- Canada (CAN) - Radio Canada International
- Bonaire Island (BON) - Radio Netherlands
- French Guiana (GUF) - Radio France Internationale
NHK World TV
baguhinNagpapalabas ang NHK World TV ng hindi scrambled na mga programang pambalitaan at impormasyon sa buong mundo sa pamamagitan ng mga satelayt, 24 oras araw-araw. Maaaring makapanood ng libre ang sinuman na may tamang antena at tuner.
NHK World Premium
baguhinNagpapalabas ang NHK World Premium ng mga programang pambalitaan, impormasyon, pang-aliw, dula, pampalakasan, atbp. sa mga himpilan ng cable at satelayt. Mapapanood lamang ang mga programa kung nakakontrata sa lokal na tagapagbigay ng serbisyo.
Maaaring mapanood ng mga manonood sa Hilagang Amerika at Europa ang TV Japan na nangangailangan lamang ng maliit na antena kaya't mas madaling masagap kaysa NHK World TV. Isa itong serbisyong binibigay ng mga lokal na kinatawan ng NHK sa mga nasabing lugar.
NHK Online
baguhinSerbisyong pang-internet ang NHK Online. Ito ang opisyal na pahina ng NHK World sa wikang Ingles at Nippongo. Narito ang ilan sa mga serbisyong nasa NHK Online:
- Radio Japan Online - live na mga brodkast, balita at podcast.
- Daily News - mga balita mula sa loob at labas ng Hapon.
- Weekly Program - mga lingguhang programa sa RJ
- Japanese Lessons - mga muling inedit na bersyon ng mga programang "Brush Up Your Japanese" at "Japanese for You" sa RJ.
Silipin Din
baguhinMga Kawing Panlabas
baguhin- NHK World Naka-arkibo 2009-09-20 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- NHK World Premium[patay na link] (sa Ingles)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.