Namangan
Ang Namangan (Usbeko: Наманган) ay isang lungsod sa silangang Uzbekistan. Ito ang sentro ng administratibo, ekonomiya, at kultura ng Rehiyon ng Namangan. Matatagpuan ito malapit sa hilagang dulo ng Lambak ng Fergana. Ito ang pangalawang pinakamataong lungsod ng bansa, na may 475,700 katao noong 2014. Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Namangan.
Namangan Namangan/Наманган | |
---|---|
Lungsod | |
Paliparan ng Namangan | |
Mga koordinado: 41°00′04″N 71°40′06″E / 41.00111°N 71.66833°E | |
Bansa | Uzbekistan |
Rehiyon | Rehiyon ng Namangan |
Lawak | |
• Kabuuan | 83,3 km2 (322 milya kuwadrado) |
Taas | 450 m (1,480 tal) |
Populasyon (2014) | |
• Kabuuan | 475,700 |
Kodigo Postal | 160100[1] |
Kodigo ng lugar | +998 6922[1] |
Isang mahalagang sentro ng sining-kamay at pangangalakal sa Lambak ng Fergana ang Namangan mula noong ika-17 dantaon. Maraming mga pabrika ang itinayo sa lungsod noong panahon ng Sobyet. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dumami nang limang beses ang produksiyong industriyal sa Namangan kung ihahambing noong 1926–1927. Kasalukuyang sentro ng magaan na industriya ang Namangan, lalo na sa pagkain.
Ang mga pangunahing institusyong pangedukasyon sa lungsod ay Namangan State University, Namangan Engineering Pedagogical Institute, at Namangan Engineering Technological Institute. May sampung dalubhasaan, dalawang paaralang pambokasyon, apat na akademikong liseo, at 51 pangkalahatang edukasyon na paaralan ang lungsod.[2]
Kasaysayan
baguhinHango ang pangalan ng lungsod sa mga pampook na minahan ng asin (sa Persian نمککان (namak kan) — "isang minahan ng asin").[3] Binanggit ni Babur ang noo'y nayon ng Namangan sa kaniyang talaarawan na Baburnama.[4] Sa kaniyang aklat na Isang maikling Kasaysayan ng Lupaing-khan ng Kokand (Ruso: Краткая история Кокандского ханства) (Kazan, 1886), isinulat ng Rusong etnograpo si Vladimir Petrovich Nalivkin na nabanggit ang Namangan sa mga dokumentong ligal mula noong 1643.[4]
Sa politika, naging bahagi ang Namangan ng Imperyong Uyghur ng Estadong Karakhanid at naging kilala bilang isang pamayanan noong ika-15 dantaon. Ang mga residente ng sinaunang lungsod ng Akhsikat na lubhang sinira ng isang lindol ay lumipat sa noo'y nayon ng Namangan noong 1610.[5] Naging isang lungsod ang Namangan pagkaraan nito.[5] Sa bisperas ng panghihimasok ng mga Ruso noong 1867, isa nang bahagi ng Khanate of Kokand ang bayan mula noong kalagitnaan ng ika-18 dantaon.[6][7]
Tulad ng ibang mga lungsod sa lambak ng Fergana, ang Namangan ay unang tinirhan ng mga Sogdian. Paglaon, naging isang Persiyanong lungsod ito. Ang pagdagsa ng mga Turkiko (Turkic peoples) sa rehiyon simula sa huling bahagi ng Panahong Midyebal ay nagbunsod sa unti-unting Turkipikasyon ng rehiyon pati ang mismong lungsod. Ngunit nakararami pa rin ang mga Tajik sa Namangan hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na dantaon. Sa kasalukuyan, isa itong Usbek na lungsod na may malaking minoryang Tajik na nagsasalita ng Persiyano.
Nanalasa sa lungsod ang isang lindol noong 1926 na ikinasawi ng 34 na katao, ikinasugat ng 72 katao at ikinapinsala ng 4,850 kabahayan.[8]
Magmula noong nakamit ang Uzbekistan ng kasarinlan noong 1991, nakamit ng Namangan ang reputasyon sa Islamikong panunumbalik. Maraming mga moske at paaralan sa lungsod ay pinondohan ng mga samahan mula sa mga bansa sa Gitnang Silangan, kabilang ang panatikong sekta ng Wahhabi mula Arabyang Saudi na nagbunga ng mga teroristang jihadist tulad ng Juma Namangani na lumaban at namatay para sa Apganong Taliban at Al Qaeda.[9][10] Nangangahulugan din itong pampolitika na paglaban sa pamahalaang sekular ng Uzbekistan. Iwinaksi ng ilang kababaihan ang kinagisnang mga makukulay na bandana kapalit ng malalaking mga puting talukbong o itim na paranja.[11]
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Namangan sa 450 metro (1,480 talampakan) itaas ng lebel ng dagat.[2] Sasama ang mga Ilog ng Qoradaryo at Naryn sa may labas ng katimugang dulo ng lungsod upang mabuo ang Ilog Syr Darya.[12]
Sa pamamagitan ng daan, ang Namangan ay 290 kilometro (180 milya) silangan ng Tashkent, 68.5 kilometres (42.6 milya) kanluran ng Andijan, at 40.4 kilometro (25.1 milya) silangan ng Chust.[13]
Klima
baguhinAng Namangan ay may matinding klimang kontinente na may malamig na taglamig at mainit na tag-init. Ang karaniwang temperatura sa Hulyo ay 26.3 °C (79.3 °F). Ang katamtamang temperatura sa Enero ay −2.3 °C (27.9 °F).[4]
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1897 | 62,000 | — |
1926 | 74,000 | +19.4% |
1939 | 77,000 | +4.1% |
1959 | 123,000 | +59.7% |
1973 | 194,000 | +57.7% |
1986 | 283,000 | +45.9% |
2003 | 395,800 | +39.9% |
2011 | 451,000 | +13.9% |
2014 | 475,700 | +5.5% |
Source: [2][4][4][4][4][4][5][14][15] |
Ang Namangan ay pangalawang pinakamalaking lungsod ng Uzbekistan kung ibabatay sa populasyon, na may 475,700 na katao noong 2014.[14] Pinakamalaking pangkat etniko sa lungsod ay mga Uzbek at mga Tajik.
Ekonomiya
baguhinIsang mahalagang sentro ng sining-kamay at pangangalakal sa Lambak ng Fergana ang Namangan mula noong ika-17 dantaon. Pagkaraan ng pagsasanib sa mga Ruso noong 1867, ang paggawa ng bulak at pagproseso ng pagkain ay naging pangunahing gawaing pangekonomiya, tulad sa mga ibang lugar sa bansa.[16] Maraming mga pabrika ang itinayo sa lungsod noong panahon ng Sobyet. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dumami nang limang beses ang produksiyong industriyal sa Namangan kung ihahambing noong 1926–1927.[4] Pagkaraan ng digmaan kapuwang dumami nang husto ang mga magaan at mabigat na industriya. Kasalukuyang sentro ng magaan na industriya ang Namangan, lalo na sa pagkain.[2]
Mga kapatid na lungsod
baguhin- Seongnam, Timog Korea (Seytembre 22, 2009)
- Shanghai, Tsina (Hunyo 2, 2011)
- Prague, Republikang Tseko (Marso 17, 2012)
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Namangan". SPR (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 21 Agosto 2017. Nakuha noong 12 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 21 August 2017[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Haydarov, Murodulla (2000–2005). "Namangan". Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi (sa wikang Uzbek). Toshkent: Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lovell-Hoare, Sophie; Lovell-Hoare, Max (8 Hulyo 2013). Uzbekistan. Bradt Travel Guides. p. 111. ISBN 978-1-84162-461-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 4.8 Moʻminov, Ibrohim, pat. (1976). "Namangan". Oʻzbek sovet ensiklopediyasi (sa wikang Uzbek). Bol. 7. Toshkent. pp. 527–528.
{{cite ensiklopedya}}
: Cite has empty unknown parameter:|trans_title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "Namangan". Ensiklopedik lugʻat (sa wikang Uzbek). Bol. 1. Toshkent: Oʻzbek sovet ensiklopediyasi. 1988. p. 554. 5-89890-002-0.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pierce, Richard A. (1960). Russian Central Asia, 1867-1917: A Study in Colonial Rule. University of California Press. p. 227.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Encyclopædia Britannica: A New Survey of Universal Knowledge. Encyclopædia Britannica. 1964. p. 470.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The World Almanac and Book of Facts. Newspaper Enterprise Association. 1928. p. 145.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hughes, James; Sasse, Gwendolyn (Enero 2002). Ethnicity and Territory in the Former Soviet Union: Regions in Conflict. Psychology Press. p. 185. ISBN 978-0-7146-5226-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Melvin, Neil J. (30 Mayo 2000). Uzbekistan: Transition to Authoritarianism. Taylor & Francis. p. 55. ISBN 978-1-135-28751-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mikhaĭlov, Nikolaĭ Nikolaevich (Disyembre 1988). A Book About Russia: In the Union of Equals: Descriptions, Impressions, the Memorable. Progress Publishers. p. 167.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The New Encyclopædia Britannica: Macropædia : Knowledge in depth. Encyclopædia Britannica. 2002. p. 715. ISBN 978-0-85229-787-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Namangan". Google Maps. Nakuha noong 8 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "Namangan City" (sa wikang Ruso). Goroda.uz. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 Enero 2015. Nakuha noong 24 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 20 January 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "About the City of Namangan". The official website of the Namangan Region Administration. Nakuha noong 17 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ BISNIS bulletin. Business Information Service for the Newly Independent States (BISNIS), U.S. Dept. of Commerce, International Trade Administration. 1992. p. 12.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga ugnay panlabas
baguhin- Ang opisyal na websayt ng Tagapangasiwa ng Lungsod ng Namangan Naka-arkibo 2022-01-26 sa Wayback Machine. (sa Ingles) (sa Ruso) (sa Usbeko)
- Impormasyon ukol sa lungsod ng Namangan sa opisyal na websayt ng Tagapangasiwa ng Rehiyon ng Namangan (sa Ingles) (sa Ruso) (sa Usbeko)