Para sa iba pang paggamit, tingnan ang Narsiso (paglilinaw) at Narcissus (paglilinaw).

Sa mitolohiyang Griyego, si Narciso, kilala rin bilang Narcissus at Narkissos, ay isang maganda o may hitsurang nakababatang lalaking anak ng diyos ng ilog na si Cephissus. Bagaman ninanais maangkin o sinusuyo ng mga nimpa o mga diwata, kinamuhian ni Narciso ang mga ito. May isang diwatang nanalangin na magdusa si Narciso bilang isang mangingibig na tinanggihan. Tinugon ng diyosa ng makatarungang paghihiganting si Nemesis ang dasal na ito, sa pamamagitan ng pagdurulot kay Narciso na umibig o ibigin ang sariling wangis o anyong makikita sa lawa-lawaan. Sa madalas na pagtanaw ni Narciso sa sariling imahen, nawalan ito ng sigla at nanghina, na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Naglaho ang kanyang katawan at napalitan ng isang bulaklak na Narsiso bilang kapalit niya.[1]

Si Narciso habang tinitingnan ang sariling anyo o wangis sa isang maliit na tubigan o lawa-lawaan. Ipininta ito ni Caravaggio.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Narcissus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 430.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.