Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Usapang Wikipedia:Kapihan"

(→‎Antas ng kapuristahan: bagong seksyon)
Nakakaloka, ''Isn't it?'' --[[Tagagamit:Exec8|Exec8]] 05:25, 30 Nobyembre 2008 (UTC)
::Maganda ito, pero medyo barok pa nang subukan kong gamitin. Pero mainam dahil may kasangkapan (''feature'') kung saan makapagmumungkahi ng mas mainam na salinwika, na magagamit nila para painanim ang programa. - [[Tagagamit:AnakngAraw|AnakngAraw]] 06:25, 30 Nobyembre 2008 (UTC)
 
== Antas ng kapuristahan ==
 
Sa anong antas na ba ang Wikipedia sa kapuristahan ng wikang gamit nito, at sa anong antas ba ng kapuristahan ang dapat maging batayan sa lahat ng ambag dito? Hindi pa naiguguhit ang mabisang linya na naghihiwalay ng Tagalog sa Filipino ngunit hinahati na ito ng ilan batay lamang sa bokabularyo. Batay sa aking tingin sa isyu na ito, may apat na uri ng tagagamit dito sa Tagalog Wikipedia:
 
*Mga "purista" o maka-Tagalog, kung saan ang gamit nilang wika ay Tagalog lamang, hanggang sa puntong ginagamit nila ang mga neolohismo o "puristang salita" na 'di pa tinatanggap ng sambayanan (hal. ''sipnayan'' kaysa sa ''matematika'', ''dagitab'' kaysa sa ''elektrisidad'')
*Mga "progresibo" o maka-Filipino, kung saan ang gamit nilang wika ay maaaring ituring na Tagalog o Filipino batay sa pananaw ng tagagamit dahil lamang ang bokabularyong nilang gamit ay maka-salitang hiram o 'di maka-Tagalog (hal. ''selula'' kaysa sa ''sihay'', ''arkibo'' kaysa sa ''sinupan'')
*Mga maka-Taglish, kung saan ang gamit nilang wika at Taglish o Englog, at 'di ang Filipino o Tagalog, na may batay o walang batay sa tuntuning "humiram nang walang pagbabago" ng Ortograpiya ng Wikang Filipino (hal. ''computer'' kaysa sa ''kompyuter'', ''airport'' kaysa sa ''paliparan'')
*Mga neutro o walang pakialam o opinyon sa wikang gamit ng Tagalog Wikipedia
 
Hindi man tayo ang Komisyon sa Wikang Filipino, ngunit importante at mahalaga para sa ikabubuti ng pamayanan, ng kalidad ng Wikipedia at, higit sa lahat, ng mga mambabasa nito, na dapat may malinaw at depinitibong pamantayan sa wikang gamit natin dito. Tandaan natin na ang Wikipedia ay hindi lamang para sa mga taga-ambag nito, kundi para sa 90+ milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa na makakakuha ng benepisyo sa kaalamang pantao kapag sila ay bumasa ng nilalaman nito. --[[User:Sky Harbor|<font color="#0066ff" ><b>Sky Harbor</b></font>]] <sup>([[User talk:Sky Harbor|<font color="#0066ff" ><b>usapan</b></font>]])</sup> 06:43, 1 Disyembre 2008 (UTC)