Ang Nathaniel ay isang Pilipinong seryeng pangtelibisyon na pantasya at drama na dinerekta nila Darnel Joy Villaflor at Francis Pasion, na pinagunahan ni Marco Masa sa una niyang pangunahing papel bilang si Nathaniel, isang anghel na may misyon na bumalik sa lupa para ibalik ang paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos at ipaalala na likas na malinis ang puso ng mga tao.[1] Ang serye ay unang ipinalabas sa ABS-CBN at sa The Filipino Channel sa buong mundo noong 20 Abril 2015, at pinaltan ang seryeng Dream Dad.[2]

Nathaniel
UriDramang pampamilya, Pantasya, Komedya, Relihiyoso
GumawaRondel P. Lindayag
Dindo Perez
NagsaayosRoldeo T. Endrinal
Julie Anne R. Benitez
Isinulat ni/ninaShugo Praico
John Anthony Rodulfo
DirektorDarnel Joy R. Villaflor
Francis Xavier E. Pasion
Manny Q. Palo
Creative directorJohnny delos Santos
Pinangungunahan ni/ninaMarco Antonio Masa
Shaina Magdayao
Gerald Anderson
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino, Ingles
Bilang ng kabanata65 (17 Hulyo 2015)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapRosselle Beegee-Soldao
Mae Santos
ProdyuserCarlina D. de la Merced
LokasyonLaguna
PatnugotMarion Bautista
Froilan Francia
Oras ng pagpapalabas30-45 minuto
KompanyaDreamscape Entertainment TV
Mothership (epektong biswal)
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanABS-CBN
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid20 Abril 2015 (2015-04-20) –
kasalukuyan
Kronolohiya
Kaugnay na palabasMay Bukas Pa
100 Days to Heaven
Honesto
Website
Opisyal

Sinopsis

baguhin

Ito ay isang kuwento ni Nathaniel, ang anak ni Paul (Gerald Anderson) at Rachel (Shaina Magdayao). Bilang isang sanggol, si Nathaniel ay nasama sa isang aksidente kung saan siya ay nabawian ng buhay. Dahil namatay si Nathaniel na may malinis na kaluluwa, siya ay naging isang anghel ng makarating sa Langit. Nang pitong taon gulang na si Nathaniel (Marco Antonio Masa), ipinabalik siya sa lupa para sa isang misyon – ang ipabalik ang paniniwala sa Diyos ng sangkatauhan at ipaalala ang likas na kabutihan sa bawat tao na maaring nakalimutan na.

Napadpad si Nathaniel sa bayan ng Laging Saklolo, kung saan siya ay inampon ng pamilya ng Bartolome, na kasama sila Abner (Benjie Paras), Beth (Pokwang), Dimas (Jason Gainza), Hannah (Sharlene San Pedro) at Abi (Yesha Camile). Kasama nila natuto si Nathaniel ang kahalagaan ng pagkakaroon ng isang pamilya. Habang nasa lupa si Nathaniel, tutulungan niya ang ilang tao, kasama na dito ang tunay niyang ina na si Rachel, na magkahiwalayan na kay Paul.

Habang ginagawa ni Nathaniel ang kanyang misyon, nalaman niya na ugat ng kasamaan sa bayan ay walang iba kung hindi ang kanyang tunay na ama na si Paul, at ang kanyang lola na si AVL (Coney Reyes). Dahil dito gagawin ni Nathaniel ang lahat para pigilan sila Paul at AVL na maghalsik pa ng kasamaan pero hindi niya alam na sa paggawa nito nilalayo niya si Paul kay Rachel.

Mga Tauhan

baguhin

Mga Pangunahing Tauhan

baguhin

Mga Sekundaryong Tauhan

baguhin
  • Coney Reyes bilang Angela "AVL" Laxamana Amanthe
  • Pokwang bilang Elizabeth "Beth" Bartolome
  • Isabelle Daza bilang Attorney Martha Amanthe-Laxamana
  • Sharlene San Pedro bilang Hannah Bartolome / Mary V. Laxamana Amanthe
  • Jairus Aquino bilang Joshua
  • Benjie Paras bilang PO3. Abner Bartolome
  • Jayson Gainza bilang Dimas
  • Ogie Diaz bilang Narcy
  • Yesha Camile bilang Abigail "Abi" Bartolome
  • Fourth Solomon bilang David
  • Fifth Solomon bilang Solomon
  • Simon Ibarra bilang SPO4. Tomas
  • David Chua bilang Aaron Amanthe
  • Ivan Carapiet bilang Samson
  • Kathleen Hermosa bilang Dra. Tessie
  • Young JV bilang Benjamin
  • Freddie Webb bilang Punong Maestro
  • Leo Martinez bilang Tagasundo / Abel Tumana Ramon Roman I
  • Baron Geisler bilang Tagasundo / Gustavo Palomar

Espesyal na Pagganap

baguhin

Musika

baguhin
  • Lupa Man Ay Langit Na Rin - Erik Santos
  • Lupa Man Ay Langit Na Rin (Acoustic Version) - Erik Santos

Mga sanggunian

baguhin
  1. NATHANIEL Full Trailer: This April on ABS-CBN!
  2. ""DREAM DAD" TO AIR ITS 'YES, YES, YES, FINALE' ON APRIL 17". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-12. Nakuha noong 2015-07-17.