Benjie Paras
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Marso 2008)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Venancio Johnson Paras, Jr. (ipinanganak noong Oktubre 2, 1968), na mas kilala sa pangalang Benjie Paras, ay isang retiradong basketbolistang Pilipino na naglaro ng labing apat na taon sa koponan na Shell Turbo Chargers at isang taon (2 konperensya) bilang miyembro ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association. Siya ang kaiisa-isang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nagwagi ng Rookie of the Year at Most Valuable Player sa isang season, ginawa nya ito noong 1989.
San Beda Red Lions | |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Position | Assistant coach | ||||||||||||||
Personal information | |||||||||||||||
Born | Caloocan, Pilipinas | 2 Oktubre 1968||||||||||||||
Nationality | Pilipino | ||||||||||||||
Listed height | 6 tal 4.5 pul (1.94 m) | ||||||||||||||
Listed weight | 220 lb (100 kg) | ||||||||||||||
Career information | |||||||||||||||
High school | San Beda College | ||||||||||||||
College | University of the Philippines | ||||||||||||||
PBA draft | 1989 Round: 1 / Pick: 1st overall | ||||||||||||||
Selected by the Formula Shell | |||||||||||||||
Playing career | 1989–2003 | ||||||||||||||
Position | Center | ||||||||||||||
Career history | |||||||||||||||
As player: | |||||||||||||||
1989–2002 | Shell Turbo Chargers | ||||||||||||||
2002–2003 | San Miguel Beermen | ||||||||||||||
As coach: | |||||||||||||||
2012–kasalukuyan | San Beda Red Lions (NCAA) (assistant) | ||||||||||||||
Career highlights and awards | |||||||||||||||
| |||||||||||||||
Medals
|
Sa ngayon, si Paras ay lumalabas bilang artista sa telebisyon at mangilan-ngilang pelikula. Host din sya sa isport show na Finish Line.
Amateur career
baguhinSi Paras ay naglaro ng hayskul basketbol bilang miyembero ng San Beda Red Cubs, sa pinamalas na galing nito nung hayskul nirecrut sya ng Unibersidad ng Pilipinas na maglaro sa kanilang koponan, na noon ay tinatawag na UP Parrots (ngayon ay Fighting Maroons). Sa isang laro pinakita ni Paras ang kanyang pagiging dominante sa pag-iskor ng 19 na puntos, 17 rebounds at 7 blanka laban sa Far Eastern University. Noong 1986 dinala ni Paras ang UP sa UAAP Basketbol Finals laban sa University of the East na pinangungunahan ni Jerry Codiñera. Sa tulong ni Paras nasungkit ng UP ang una nilang kampeonato sa larangan ng basketbol mula pa nung bago pa mag-ikalawang digmaan pandaigdig.
Ang unang taon sa PBA
baguhinKinuha siya ng koponan na Shell nung 1989 PBA Draft, at binansagang The Tower of Power dahil sa kanyang mga post moves, ball handling, mga dunks, pagblanka ng mga tira, isang desenteng jump shot, binuhay niya ang Shell at dinala ito sa isang laban sa kampeonato laban sa San Miguel Beermen, ngunit sila'y natalo. Dahil sa pinamalas na husay nanalo siya ng ' 89 Rookie of the Year Award at nasapawan din niya ang ibang beterano ng liga at siya'y nanalo ng '89 Most Valuable Player Award. Sa ngayon si Paras pa lang ang nakagawa nito sa PBA.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.