Ang negligee o négligée (bigkas: /neg-li-dyey/), na nagmula sa Pranses na négligé, literal na may kahulugang "pinabayaan", ay isang uri ng kasuotang pambabae na binubuo ng isang manipis, pino at naaaninagang mahabang damit.[1] Isa itong uri ng damit na panggabi o nightgown na nilalayong isuot sa gabi at sa loob ng isang silid-tulugan. Una itong ipinakilala sa Pransiya noong ika-18 daantaon, kung saan ginaya nito ang estilo ng mabigat na mula ulo hanggang paang mga kasuotang pang-araw ng kababaihan noong kapanahunang iyon.

Pagsapit ng dekada 1920, nagsimulang maging kagaya ng negligee ang mga panggabing kasuotan na may isang sapin at yari sa satin ng panahong iyon. Ang katagang "negligee" ay ginamit ng isang kahanayan ng mga piguring seramiko na ginagawa ng kompanyang Royal Doulton noong 1927, na nagpapakita ng mga babaeng nakasuot ng tila isang kamison na isang piraso lamang ang tela at umaabot hanggang tuhod mula sa baywang at gawa sa sutla o rayon, at may burda sa laylayan o lupi. Bagaman ang estilong panggabing mga damit ng damit pantulog ay naging patungo sa modernong estilo ng negligee – nanganganinag na hapit na damit na pang-itaas ng katawan, may burda, at may laso na inihahalimbawa ng isang larawan ni Rita Hayworth na nakuhanan noong 1941 at nalathala sa magasing Life – pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nagbago ang kasuutang pantulog mula sa pagiging pangunahin na damit na dinisenyo para gamitin lamang sa halip na pangpustura o maipagmamalaki hanggang sa maging pangunahing damit na sensuwal o maging erotiko; maigting na umangat ang kategorya ng negligee bilang isang uri ng lingerie.

Ang makabagong mga negligee ay kadalasang mas maluwang at gawa sa nababanaagan at hindi gaanong nanganganinag na mga tela at binurdahan o kaya yari sa ibang pino at manipis na materyales, at mga laso. Kadalasang ginagamitan ang negligee ng maramihang sapin ng mga tela. Kung gayon, ang modernong negligee ay mas may impluwensiya ng pinong bedjacket o tsaketang pangkama o kapang pangkama, at mga kamisong pangluho kaysa sa nightgown. Lumaganap ang negligee sa pamilihang pangmasa, dahil sa kainaman ng pagpapakilala ng may murang halaga na mga telang may hiblang sintetiko na katulad ng nylon at mas pino pang mga kasunuran nito. Magmula dekada 1940 hanggang sa dekada 1970, ang gawi para sa mga negligee ay ang maging mas maiksi pa ang haba (katulad ng babydoll, literal na "manikang sanggol", noong dekada 1970). Ang mga negligee na yari mula sa dekada 1940 hanggang 1970 ay isa na ngayong pangkuleksiyon mga bagay na antigo ngunit mahusay.

Noong 2004 sa Nagkakaisang Kaharian, ang mga negligee ay nasa apat na bahagdan lamang ng kabuuan ng naipagbiling mga damit pantulog, at nangingibabaw ang mga padyamang pambabae magmula pa noong kalagitnaan ng dekada 1980. Subalit, ang napagbentahan ng mga negligee sa Nagkakaisang Kaharian ay sinasabing naging pinakamatuling tumataas na sektor ng pamilihan magmula noong 1998.[2]

Mga sanggunian

baguhin
Talababa