Noong una siyang pumasok sa larangan ng pelikula ang kanyang ginamit ay Remy Cárdenas hanggang sa lumaon ang pangalang Remy ay naging Nena.

Si Nena ay kontratado ng Premiere Production at siya ay nakagawa ng humigit-kumulang isang dosenang pelikula. Doon ay itinambal siya sa mga nanggigitingang artistang lalake ng Premiere tulad nina Efren Reyes, Rogelio de la Rosa, Leopoldo Salcedo, Jose Padilla Jr, Enrico Pimentel at iba pa.

Una siyang gumanap sa Kidlat ng Silangan at Hindi ako Susuko kapwa taong 1949.

Ipinareha siya kay Rogelio de la Rosa sa 48 Oras.

Noong 1951, tumanggap siya ng Award sa kanyang pelikula na " Doble Cara " na Best Actress of the Year.

Taong 1952 ng gumawa siya ng pelikula sa labas ng Premiere ang Bulaklak ng Nayon sa ilalim ng Royal Films at nasundan pa ng katatakutang pelikula ang Tianak ng Cinema Technician Inc.

Hanggang sa nakagawa siya ng dalawang pelikula sa Sampaguita Pictures ang El indio at Tres ojos na kapwa pelikula ni Cesar Ramirez.

Nagbalik siya sa Premiere para gawin ang Solitaryo subalit kinuha siya ng Manuel Vistan, Jr. para gawin ang Habang Buhay na isang Drama at isang Aksiyon naman ang sa Deegar Cinema Inc. ang Takas.

Tomboy ng Filipinas Pictures ang huli niyang pelikula.

Pelikula

baguhin